Ang hangin sa loob ng mansion ay mabigat, parang nakakulob ang buong mundo sa paligid nila. Nakahawak pa rin si Aurora sa frame ng pintuan, habang nakatayo sa may pasilyo si Samuel—mata’y naglalagablab, malamig ang ngiti. Sa likod niya, naglalakad papasok si Lucas, may bahid ng dugo ang balikat at mga gasgas sa mukha, pero matatag ang tindig.“Buhay ka…” bulong ni Aurora, halos hindi makapaniniwala. Ang bawat pintig ng puso niya ay parang pagsabog ng mga alaala.Si Lucas, nakatingin diretso kay Samuel. “I told you I’d come back for her.”Naglakad si Samuel papalapit, mabagal pero mabigat ang bawat hakbang. “Nagkamali ka ng binabalikan, Lucas,” malamig nitong sagot. “Hindi mo na siya babawiin sa akin.”“Hindi mo siya pag-aari,” balik ni Lucas, mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang jacket. “At alam mong wala ka nang karapatan mula pa noong—”“Tumahimik ka!” singhal ni Samuel, at sa isang iglap, naramdaman ni Aurora ang malamig na metal ng baril na biglang inilabas ng lalaki mula sa bulsa
Huling Na-update : 2025-09-23 Magbasa pa