"Bababa kami," sabi ni Gray. "Iligaw ninyo sila, mamatay tayong lahat kapag hindi natin ginawa iyon. Susubukan naming marating ang outpost na iyon."Sumang-ayon naman si Rio.Malawak ang disyerto sa harap nila—isang karagatan ng buhangin, wala ni anino ng buhay, tanging malamig na moonlight lang ang nagbibigay-liwanag. Tahimik sa unang tingin, pero may tensyon sa hangin na alam ni Gray na hindi niya dapat ipagkibit-balikat.Sa bawat hakbang niya sa buhangin, lumulubog ang boots niya. Mabigat. Mainit pa rin kahit gabi. At sa kanang kamay niya, mahigpit na nakakapit si Alliyah, inaantok ngunit alerto dahil sa takot.“Are we… almost safe?” bulong ng bata, halos hindi marinig.“Malapit na,” sagot ni Gray, malumanay. “Konting lakad na lang, sweetheart. Hold tight.”Nasa likuran nila si Rio—tahimik, naka-alert mode, pero hindi kagaya kanina sa party na sobrang analytical ang tingin niya. Ngayon, ibang uri ang tingin niya kay Amara… isang bagay na ni hindi niya gustong aminin.Nagmamando pa
Last Updated : 2025-11-22 Read more