Kinabukasan, maagang nagising sina Gray at Rio. Ang silid na pinagkulungan sa kanila ay madilim, malamig, at walang anumang palatandaan ng oras, ngunit pakiramdam ni Gray ay buong gabi siyang hindi nakatulog. Si Rio naman ay tahimik, nakasandal sa pader at pareho pa rin silang may kadena sa mga kamay.Sa pagitan ng katahimikan at kabang hindi maipaliwanag, sinimulan nina Gray at Rio ang pag-uusap tungkol sa iisang bagay—kung paano sila makakaalis.Hindi pa man sila nakakaharap ng konkretong plano, nagsimula na silang magsuri ng bawat sulok ng silid. May dalawang CCTV sa itaas, pareho nakatutok. May dalawang pintuan lang, at ang lock system ay mula sa labas. Masyado pang maaga para gumawa ng ingay, kaya pabulong lang ang kanilang usapan.“Kung makalusot tayo sa guard shift …” bulong ni Gray, iniikot ang tingin sa paligid.“Hindi natin alam kung ilang tauhan ang nasa labas,” sagot ni Rio, at tumingin sa bintana na halos di makita dahil sa makakapal na bakal. “Kung mabuksan ko iyan, sigu
Terakhir Diperbarui : 2025-11-30 Baca selengkapnya