Madaling-araw pa lang, pero gising na ang buong compound. Tahimik ang paligid, walang ingay na hindi dapat, pero ramdam sa hangin ang bigat at tensyon. Hindi ito ordinaryong operasyon—malalim, personal, at walang kasiguruhan kung may babalik.Sa open hangar na malapit sa runway, nakahanay ang tatlong transport vehicles na isasakay rin sa jet, bawat isa’y puno ng supply, comms equipment, at sandatang ni-recheck nang ilang ulit ni Russell at Nikolai. Maging ang LED strips sa gilid ng pasilyo ay parang mas malamlam kaysa dati—marahil dahil alam ng lahat kung gaano kaseryoso ang araw na ito.Nasa gilid si Gray, naka-black infiltration suit, tahimik na inaayos ang strap ng tactical vest. Walang bakas ng kaba sa mukha niya, pero alam ng kahit sinong matagal na nakasama siya—kapag mas tahimik si Gray, mas malaki ang bagyo sa loob.Lumapit si Evie, may dalang maliit na pouch. “Anak,” sabi niya. “Para sa’yo.”Tumingin si Gray bago inabot iyon. “Ano ‘to?”“Tracker,” sagot ni Evie, mahinahon. “H
Terakhir Diperbarui : 2025-12-04 Baca selengkapnya