Umuugong ang hangin sa pagitan nilang dalawa, parang mismong hangin ay tumatanggi sa maaaring mangyari. Si Gray, duguan, halos nauubos na ang lakas, ngunit matatag ang mga mata. Si Zayed, nakapuwesto na parang hari sa sariling teritoryo, may ngiting nakaguhit sa labi, hindi dahil natutuwa—kundi dahil alam niyang malapit na ang katapusan niya.Walang sinayang na sandali. Kumilos si Zayed.Isang iglap—nawala ito sa kinatatayuan.Sa susunod na tibok ng puso—nasa harapan na ni Gray, mabilis, parang latay ng kidlat.Umangkas ang kamao ni Zayed sa hangin, diretso sa panga ni Gray. Malakas iyon na pakiramdam ni Gray ay matatanggalan na siya ng ulo.Napaatras si Gray, natapilok at halos sumubsob. Nanginginig ang tuhod niya pero hindi niya hinayaang matumba. Nag-slide siya ng paa paatras, tinukod ang kamay at umangat ang tingin niya.“’Yan lang?” Sabay dura ng dugo.Isang iritadong kisap ang lumitaw sa mga mata ni Zayed. “Sige. Mas gusto ko ’yan.”Sumugod ulit si Zayed, sunod-sunod ang suntok—
Terakhir Diperbarui : 2025-12-10 Baca selengkapnya