Bumagsak si Kyline sa malamig at nakakapasong dagat. Sa isang iglap, binalot siya ng tubig, mabigat, maalat, at parang libo-libong kamay na humihila pababa. Dumagsa ang pakiramdam ng pagkabulol at pagkasakal habang pilit siyang lumalaban, ngunit lalo lang siyang nilalamon ng lalim. Pumasok ang alat sa kanyang ilong at lalamunan, at kahit gustuhin niyang sumigaw, wala nang boses na lumalabas.Sa itaas ng deck, nakatayo si Rhena, nanginginig ngunit may halong kabaliwan sa mga mata. “Kung mamamatay ka diyan, Karen,” bulong niya, “ni mga buto mo, hindi na mahahanap.”Samantala, sa loob ng yate, abala si Shawn sa laptop niya nang bigla siyang natigilan. Parang may kung anong biglang kumurot sa dibdib niya, isang hindi maipaliwanag na kaba. Hinaplos niya ang dibdib, napakunot ang noo. “Weird…” bulong niya, sabay sulyap sa bintana, tila may narinig siyang kakaibang tunog sa labas. Pagkaraan ng ilang segundo, isinara niya ang laptop at lumabas para magpahangin.Pagbukas pa lang niya ng pinto
Last Updated : 2025-11-11 Read more