“Ikaw. Ikaw lang ang gusto ko,” walang kaabog-abog na sagot ko. “Bukod sa iyo ay wala na akong iba pang gusto. Kung sa luho ang tinutukoy mo, hindi ako maluhong tao. If may gusto akong bilhin, pagsisikapan ko dahil kaya ko.”“Paano ba ’yan?” Ngumisi si Wade, ang ngiting iyon ay hindi basta pang-aasar, kung hindi isang tusong ngiti na parang sinusubok kung hanggang saan ko kayang lumaban. Inabot niya ang baba ko, marahan ngunit may bigat, at pilit akong pinatitig sa kaniya. “Ang gusto ko pa naman sa babae ay iyong gustong-gustong paulanan ko ng luho,” bulong niya, mababa at malapit sa labi ko.Huminga ako nang malalim, pilit pinapatatag ang tinig ko kahit ramdam ko ang kaba at pag-aalinlangan.“If that’s what you want…” mahinahon kong sagot, “…then I’ll become that woman. As long as you will be mine. Gagawin ko ang lahat para sa iyo, Mr. Chilton.”“Wade,” pagtatama niya, at ramdam ko ang iritasyon sa bawat hibla ng kaniyang tinig. “Kung magiging babae kita, just call me Wade. Masyadong
Last Updated : 2025-10-02 Read more