Matapos ang nangyari sa bahay ni Genovia at mansyon ng mga Andrada, naging abala kami pareho ni Sir Travis dahil sa nalalapit na kasal namin. Biglaan kaya literal na puspusan ang paghahanda namin.Konti lang ang guess na imbitado, hindi magarbo pero nagsusumigaw ang mga presyo ng gown, utensils, food, etc. Kasalukuyan rin akong nakatira sa condo ni Sir Travis, at siya naman ay sa bahay niya mismo. Yes, may sariling bahay si Travis, and sabi niya sa'kin kapag naikasal na kami doon na rin ako titira sa bahay nila. It means magsasama kami sa iisang bahay, my gosh!“Bayad na ang lahat ng utang ng tatay mo sa bangko, Maureen. but sad to say, they take over the company,” nahinto ko ang ginagawa ko at sandaling tumingin sa labas. Tila may libo-libong karayom ang tumutusok sa dibdib ko nang marinig ko ang balita galing kay Sir Travis. Ang kompanya na pinaghirapan ng mommy ko ay napunta lang sa wala, at ang kompanya na pilit na pinaglaban ni Daddy ay nasayang lang dahil sa Genovia at Chantel
Last Updated : 2025-09-24 Read more