Noong nakaraang buwan pa ako kinukulit ng ate kong nasa Dubai. Plano raw niyang kunin ako doon para magtrabaho at alalayan siya dahil malapit na siyang manganak.Nung una, sabi ko pa: “Pag-iisipan ko muna.” Akala ko tapos na doon ang usapan. Hindi naman kasi ganoon kadaling iwanan ang trabaho ko dito sa Pilipinas. Pero hindi, dahil bigla siyang tumawag ulit, parang nag-follow up lang ng Shopee order.“Kumusta na, Isa?” masiglang bati nito sa kabilang linya.“Okay naman po, Ate. Kayo d’yan, kumusta?” sagot ko, habang tumitingin-tingin sa orasan. 4:59 PM na. Isang minuto na lang, uwian na! At bonus pa dahil wala rin si boss. May “importanteng lakad” daw… baka date, baka golf, baka secret mission. Ewan ko sa kanya!“Okay naman. Nga pala, i-send mo na lahat ng requirements para maayos ko na ang visa mo.” sabi ni Ate, punong-puno ng energy na parang kakatapos lang magkape.“Ha? Ah, eh… ngayon na po ba?” Napaubo ako. Hindi pa ako ready! Hindi ba puwedeng time first muna?“Oo naman! At saka,
Read more