Beranda / Romance / Finding My Boss A New Secretary / Chapter 5: The First Applicant

Share

Chapter 5: The First Applicant

Penulis: Sienna Rae
last update Terakhir Diperbarui: 2025-10-02 21:32:00

Maaga akong dumating sa opisina kinabukasan. Pagkabukas ko pa lang ng computer ay andun na agad ang inbox ko na punong-puno na naman ng mga emails mula sa mga nag-apply. Nakakatuwa at nakaka-overwhelm din dahil halos lahat may impressive na credentials.

“Maganda ‘to. More chances of winning.” bulong ko sa sarili habang isa-isang tinitignan ang resumes.

Bandang 9am, dumating na ang unang applicant. Babaeng naka corporate attire, maayos ang postura, at pero halatang kabado. Pinapasok ko siya sa maliit na meeting room at inumpisahan ang interview.

“Good morning. Can you tell me a little about yourself?” bungad ko habang nakangiti.

Graduate daw siya sa FEU, may 2 years experience bilang admin assistant, at magandang magsalita ng English. Habang nagsasalita siya, napapaisip ako: Okay naman. Presentable, articulate, at parang kaya naman ang trabaho ko.

Nang natapos na kami ay agad ko siyang dinala sa opisina ni Sir Alex.

Pagpasok namin ay nakasandal ito sa swivel chair, nakataas ang isang kilay, at seryosong nakatingin sa babaeng kasama ko. Mukhang inaantay na nito ang pagdating namin.

“Your name?” malamig niyang tanong bago pa man kami makalapit.

Nagpakilala ang applicant, nanginginig pa ang boses. Pero ng makasagot ito ay bigla na lang itong yumuko at nagbukas ng laptop. Ni hindi pa nga kami nakakaupo.

“That will be all. You can go now.” Sabi nito habang nagkunwaring busy na sa pagtatype.

Halatang parang binuhusan ng malamig na tubig ang babae. Ako man ay nabigla sa inasal ng boss at hindi ko inaasahan na ganoon nito kabilis iinterviewhin ang unang applicant.

“Sige na, mauna ka na sa labas at susunod ako.” Mahinang sabi ko sa babae na agad namang tumalikod.

Inantay ko munang tuluyang makalabas ito bago humarap kay Sir Alex na ang atensyon ay nasa laptop pa rin na kaharap. Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang inasal nito.

“Sir, okay naman po siya at qualified para sa posisyon. Bakit niyo po agad na-turn down?”

Tumingin lang siya sa akin, walang kahit na anong expression ang mukha nito.

“She’s not good enough.”

Napairap ako ng palihim. “Eh Sir, ni hindi nyo nga pa nga nakita yung resume niya. Bakit hindi nyo man lang sya binigyan ng chance?”

“I just don’t like her.” Napamaang ako sa sagot nito. Napajudgemental naman.

Hindi ako nakasagot kasi parang hindi ko maintindihan anong basehan nito sa sinasabi.

Nang hindi ako sumagot ay tumayo ito at lumapit sa akin. Nakatayo pa rin kasi ako sa harap ng mesa nito. Nang tumingin ito sa akin ay iniwas ko ang mga mata. Nakaramdam kasi ako ng pagkainis. Naranasan ko na kasi ang mareject at mapahiya noong nag aapply pa ako sa ibang kumpanya.

Tumikhim ito na alam kong nakamasid pa rin sa akin. “Tell me, how can I possibly work with someone I don’t even like?” Napaangat ang ulo ko sa huling salitang sinabi nito.

Ibig sabihin ba nito ay gusto nya ako? Este, gusto niya bilang katrabaho. Sabagay, hindi naman ako magtatagal ng tatlong taon kung hindi niya ako gusto.

“Pero paano niyo naman magugustuhan yung hindi nyo pa naman nakakasama o nakakausap man lang, Sir?” Takang tanong ko na ginantihan ang titig nito.

“Why do you keep asking so many questions? I told you already—I just don’t like her, end of discussion.” Halatang iritable na ito kaya agad na lang tumalikod. Bumalik na ito sa pagkakaupo.

Ayan ang linya ni Sir Alex, kapag ayaw na niyang pag usapan ang isang bagay.

Wala na nga akong nagawa at umalis na lamang. Sa inis ko nga ay hindi na ako nagpaalam pa.

Paglabas ay agad kong hinanap ang aplikante.

“Sophie, asan na yung babae kanina?” Tanong ko sa front desk receptionist namin.

“Ah, yung ininiterview niyo ni Sir Alex? Wala na umalis na, umiiyak pa nga. Ano bang nangyari?” Sagot nito na halatang gusto pang sumagap ng tsimis.

Nakaramdam ako ng matinding awa sa babae. Alam ko ang pakiramdam na ganoon pero wala akong magagawa kung ayaw ng boss sa kanya.

Pagbalik sa desk ko, napabuntong-hininga na lang ako. Hindi ko alam kung sinasadya ba si Sir Alex ang pahirapan ako, o talagang sobrang taas lang ng standards niya.

Pero isang bagay ang malinaa at yun ay siguradong hindi magiging madali ang tatlong buwn na ito para sa akin.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Finding My Boss A New Secretary   Chapter 7: Intriguing Resume

    “What happened to you?” Napatingala ako at nando’n na pala si Sir Alex, nakatayo sa harap ng mesa ko.Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya dahil kanina pa ako nakatulala.“Isa!” malakas niyang tawag nang hindi pa rin ako nakasagot. Pasimple akong sumilip sa salamin sa gilid.Hay naku, mukha na naman akong pindangga. Nangangalumata na sa puyat, walang make-up, at halatang kulang sa tulog. Dahil nga sa kakaisip ko kagabi ay halos wala akong tulog. Muntik na nga akong hindi makatulog dahil sobrang late na akong nagising.“Yes, sir?” sagot kong parang wala sa mood. Kung pwede lang na umidlip muna ay ginawa ko na. Lumapit siya at naupo sa tapat ng mesa ko. Tinitigan ako, yung tipong gustong basahin kung ano ang nasa utak ko.“I was asking you. What happened? You look like you barely slept. Everything okay?” Mas kalmado na ang boses niya ngayon. Halatang curious siya kung bakit ako mukhang z

  • Finding My Boss A New Secretary   Chapter 6: Endless Interviews

    Akala ko noong una, madali lang ang maghanap ng kapalit ko. Confident ako dahil kilala ko si Sir Alex,ang bawat galaw nito, kung ano ang standards niya, at kung paano siya mag-isip. Pero mali pala ako. Maling-mali.Ilang araw pa lang kasi simula ng mag-umpisa ang interview, pero gusto ko nang sumuko. Paano ba naman kasi ay lahat na lang ng applicants na iharap ko dito ay ayaw niya.Unang applicant sa linggong ito ay isang lalaki. Maayos manamit, mabango, may dating. Magaling at confident din ito magsalita. Halatang sanay sa corporate environment. Habang iniinterview ito ng boss ay parang okay naman lahat. Panay ang tanong at maayos naman ang mga naging sagot ng lalaki. Pero napansin kong hindi man lang tumitingin si Sir Alex sa resume. Tahimik lang siyang nakikinig sa sagot nito habang nakahalukipkip.Pagkatapos ng ilang minuto, tumikhim siya. “Next.”“Sir, bakit po?” tanong ko pa na medyo naguguluhan.“Too much perfume.” Bulong nito ng tumalikod na ang applicant.Napasapo na lang ako

  • Finding My Boss A New Secretary   Chapter 5: The First Applicant

    Maaga akong dumating sa opisina kinabukasan. Pagkabukas ko pa lang ng computer ay andun na agad ang inbox ko na punong-puno na naman ng mga emails mula sa mga nag-apply. Nakakatuwa at nakaka-overwhelm din dahil halos lahat may impressive na credentials.“Maganda ‘to. More chances of winning.” bulong ko sa sarili habang isa-isang tinitignan ang resumes.Bandang 9am, dumating na ang unang applicant. Babaeng naka corporate attire, maayos ang postura, at pero halatang kabado. Pinapasok ko siya sa maliit na meeting room at inumpisahan ang interview.“Good morning. Can you tell me a little about yourself?” bungad ko habang nakangiti.Graduate daw siya sa FEU, may 2 years experience bilang admin assistant, at magandang magsalita ng English. Habang nagsasalita siya, napapaisip ako: Okay naman. Presentable, articulate, at parang kaya naman ang trabaho ko.Nang natapos na kami ay agad ko siyang dinala sa opisina ni Sir Alex.Pagpasok namin ay nakasandal ito sa swivel chair, nakataas ang isang k

  • Finding My Boss A New Secretary   Chapter 4: The Search

    Umaga pa lang ay inasikaso ko na ang paghahanap ng bagong secretary ni Sir Alex. Nakapagpost na ako sa mga job portals at kahit social medias. Sa totoo lang ay pwede ko namang iasa na lang ito sa HR department pero dahil nangako akong ako ang mismong hahanap sa kapalit ko ay ayokong mapahiya. Kailangan ay masala kong mabuti ang mga applicants. Alam ko naman kasi ang hinahanap ng boss kaya confident ko na magtatagumpay ako sa misyon. Isa pa ay kahit ganoon si Sir Alex ay concern ako sa kanya. Kahit pa lagi itong galit at nakasigaw ay gusto kong makahanap ng karapat dapat na papalit sa posisyon ko at aalagaan ito sa trabaho.Mataas at matibay ang boundary na sinet ng boss, lahat ng trabaho ay pinagkakatiwala sa akin pero ni isang beses ay hindi naging personal ang relasyon namin. Naiintindihan ko na nagkaron na ito ng trauma kaya maingat ito. Ayaw na nitong maulit pa ang nangyari noon sa kumpanya. Wala din namang problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga ang ganitong set up. Maayo

  • Finding My Boss A New Secretary   Chapter 3: Three Months

    Pagpasok ko ng opisina ay ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng wall clock at mahina kong yabag ang naririnig. Dumiretso ako sa mesa ng boss ko na nakaupo, nakatingin lang sa laptop screen habang tila may malalim na iniisip.Inilapag ko ang Starbucks coffee sa harap niya, umaasang kahit papaano ay makakuha ako ng plus points.“Good morning, Sir,” mahina kong bati.Hindi siya agad sumagot. Hindi man lang niya pinansin ang kape, pero napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Huminga ako nang malalim, pilit kong pinatatag ang boses ko.“Sir… I’m sorry for yesterday. Alam ko po na ayaw niyo na itong pag-usapan pa pero kailangan.”Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin. Ang mga mata niya—matatalim, malamig tulad ng dati.“So you really have the courage to stand here and discuss this… again?” malamig niyang tanong, ngunit mas mababa ang tono, hindi tulad ng galit kahapon.Napilitan akong ngumiti, pilit na nagbiro. “Opo, wala naman po sigurong mas

  • Finding My Boss A New Secretary   Chapter 2: The Resignation

    Nakatitig ako sa monitor ng laptop habang paulit ulit na binabasa ang tinype kong resignation letter. Mula kagabi ay iniisip ko na ang ilalagay sa sulat na iyon. Pagdating ko pa lang sa opisina ay ito na ang inatupag ko pero hindi pa rin ako makuntento.Bakit nga ba parang ang hirap? Para simple lang naman ang kailangan kong sabihin. Kung pwede lang sana isulat na lang: “Dear Boss, sorry. It’s not you, it’s Ate.” Mas madali siguro.“Bahala na si Batman,” bulong ko sa sarili bago tumayo at naglakad na papunta sa opisina ni Sir Alex. Kailangan ko na kasing magpasa ng resignation para maayos ko na lahat ng mga kailangan kong papeles. Araw araw na kasi akong kinukulit ni ate.Pagpasok ko, hindi man lang ito lumingon. Abala ito sa laptop nito at tahimik na nagtatype sa keyboard. Salubong ang mga kilay. “You’re already making me mad by just standing there. Spit it out.”"Hindi pa nga ako nagsasalita, galit ka na agad." bulong ko sa sarili habang papalapit at naupo. Malakas ang tibok ng dibd

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status