Umaga pa lang ay inasikaso ko na ang paghahanap ng bagong secretary ni Sir Alex. Nakapagpost na ako sa mga job portals at kahit social medias.
Sa totoo lang ay pwede ko namang iasa na lang ito sa HR department pero dahil nangako akong ako ang mismong hahanap sa kapalit ko ay ayokong mapahiya. Kailangan ay masala kong mabuti ang mga applicants. Alam ko naman kasi ang hinahanap ng boss kaya confident ko na magtatagumpay ako sa misyon.
Isa pa ay kahit ganoon si Sir Alex ay concern ako sa kanya. Kahit pa lagi itong galit at nakasigaw ay gusto kong makahanap ng karapat dapat na papalit sa posisyon ko at aalagaan ito sa trabaho.
Mataas at matibay ang boundary na sinet ng boss, lahat ng trabaho ay pinagkakatiwala sa akin pero ni isang beses ay hindi naging personal ang relasyon namin. Naiintindihan ko na nagkaron na ito ng trauma kaya maingat ito. Ayaw na nitong maulit pa ang nangyari noon sa kumpanya.
Wala din namang problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga ang ganitong set up. Maayos kaming nakakapagtrabaho.
Nag umpisa na ngang magsidatingan ang emails na may lamang mga resume. Tiyak naman na kapag nabasa ng kahit na sino na ang Dela Vega Innovations ang naghahanap ng secretary ay hindi mag aatubiling mag apply.
Isa-isa kong pinrint ang mga iyon para mabasa at makilatis. Tatlong buwan lang ang binigay sa akin ni Sir Alex. Sapat na siguro ang isang buwan para makahanap ng kapalit at ang dalawang buwan ay para matrain ko ito ng husto sa bagong trabaho.
Nasa gitna ako ng pag sasalansan ng mga naiprint ng papel ng may naramdaman kong may nakatingin sa akin.
"Seems like you're too excited to get a replacement." Ang malamig na boses ng boss ang sunod na nadinig ko. Agad akong napaangat ng ulo. Nakatayo ito sa tapat mismo ng desk ko.
"Ah, hindi naman po. Ayoko lang pong magahol sa oras." Sagot ko sabay tawa ng mahina.
"Really?" Tanong nito sabay turo sa wall clock na nasa gilid mismo ng desk ko. Alas-10 na pala ng umaga.
Nakunot ang noo ko at bago pa ako magsalita ay agad na tumalikod at naglakad. Saglit akong napaisip.
"Ay oo nga pala! May meeting si Sir sa isang client ng 11am!" Natataranta akong tumayo sabay hatak ang bag.
"Sir, wait po." Sigaw ko pa habang tumatakbo. Natawa na lang ako sa itsura ko ng mahabol pa ito sa elevator. Hingal na hingal ako habang tahimik lang itong nakamasid sa akin.
"Do you really have to bring all those papers sa meeting?"
"Ang alin po?" Taka akong napatingin sa repleksyon ko sa salamin sa loob ng elevator. Yakap yakap ko pa pala ang mga papel na kanina ay sinasalansan ko. Sa pagmamadali ay ni hindi ko na napansin iyon.
Napangiti ako dahil sa katangahan ko. Pero walang reaksyong mababasa mukha ni Sir Alex. Pero sanay naman na ako. Lagi naman itong ganito sa akin.
Pilit ko na lamang na siniksik ang mga iyon sa bag na dala. Buti na lang ay malaki ang shoulder bag ko at nagkasya namang lahat.
Magkatabi kami ni sir sa likod ng kotse at kadalasan naman ay tahimik lamang kami habang nasa byahe. Ayaw kasi nito ng maingay at madalas din ay may kausap ito sa phone.
Nakamasid lang ako sa labas at tinitignan ang mga sasakyan sa paligid. Tulad ng araw araw ay traffic na naman. Pero malapit lang naman ang kumpanyang pupuntahan namin around Makati lang din.
Ang Dela Vega Innovations ay isang multinational tech solutions company na nagsimula bilang maliit na software firm noong late 90s. Itinatag iyon ng ama ni Sir Alex at ngayon ay matagympay at kilala na sa buong bansa. Pero kahit na ganoon ay napaka hands on ni Sir Alex at hanggang maari ay gusto nito na siya mismo ang humaharap sa mga kliyente. Pero syempre ay kasama ang ibang mga kawani ng kumpanya na siguradong nauna na sa pupuntahan namin.
Oo nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit puro trabaho lang kinukwento ko. Wala ba akong lovelife? Ang totoo nyan ay, wala. NBSB ako, yes. Dahil na rin sa hirap ng ate ko sa akin ay pinili kong magseryoso lang sa pag aaral. Ayokong masira ang lahat ng dahil lang sa lalaki.
May mga nanligaw? Marami naman pero may isa ngang lalaki ang muntik ko ng sagutin noong bago ako makagraduate. Pero mas nanaig sa akin ang magpursige sa paghahanap ng trabaho. At siguro ay napagod na siyang mag antay kaya siya na din ang kusang lumayo.
Siya si Martin, ang aking first love. Pero yun na nga, hindi naging kami. Nagkakilala pero hindi tinadhana ang peg.
At ng makapasok ako sa trabaho ko dito ay lalong nawalan ako ng oras na makatagpo ng iibigin. Paano ay pagkagaling sa trabaho ay pagod na. Ang ending ay uuwi na lang para makapagpahinga. Kaya paano nga naman ako maliligawan?
Wala din namang nagtangkang manligaw sa akin sa kumpanya dahil lagi akong nakadikit kay sir Alex. Takot lang nila kay boss.
Malapit na akong mag 26 years old at virgin pa rin. Siguro ay wala sa Pilipinas ang nakatadhana sa akin kaya hanggang ngayon ay single pa rin ako. Kailangan kong lumabas sa comfort zone ko. Kaya blessing in disguise na rin siguro itong bagay na ito para sa akin.
Ano kaya ang itsura ng future boyfriend ko?
Paglingon ko ay... sumalubong ang mukha ni sir Alex na titig na titig sa akin. Napakaganda ng mga mata nito kahit laging galit at perfect ang hulma ng ilong. Katamtaman lang din ang kapal ng labi nito na mamula mula pa. Ito ang tipo ng mukha na hindi nakakasawang tittigan. Gwapo nga talaga ang boss ko. Kung ganito ang itsura ng nakatadhana sa akin ay napakaswerte ko siguro.
"Daydreaming?" Tanong nito na hindi maialis ang tingin sa akin.
Mukhang masyado akong nalibang sa pagtanaw sa labas at hindi ko napansin na huminto na pala ang sasakyan. Kanina pa kaya ako nito pinagmamasdan?
Ngumiti na lang ako at iniayos ang sarili. Tumalikod naman na ito at naunang bumaba ng sasakyan. Sumunod na din ako bitbit ang bag at tahimik na naglakad kasunod nito.
Sa paglalakad namin ay hindi ko maiwasan ang hindi sulyapan ito. Di hamak na mas matangkad ito sa akin kahit pa nakaheels ako. Seryoso lang si sir Alex at diretso ang tingin. Tulad ng sa araw araw ay bihira lang itong ngumiti pero sa hindi malamang dahilan ay bakit nga ba napakakumportable kong kasama ito?
Parang panatag lang ang loob ko sa presensya niya. Kahit pa madalas ay napapagalitan ako nito, alam kong hindi ito galit sa akin pero sa nagawa kong mali.
Sa tagpong iyon ay nakaramdam ako ng kaunting lungkot. Kapag kaya nawala ako ay anong epekto kay sir? Kung ako kasi ang tatanungin ay sigurado na mamimiss ko ito. Syempre sa araw araw ba naman na magkasama kami ay napalapit na ako. Hindi ko sigurado kung ganoon din siya sa akin dahil puro trabaho lang ang laman ng utak nito.
Maaga akong dumating sa opisina kinabukasan. Pagkabukas ko pa lang ng computer ay andun na agad ang inbox ko na punong-puno na naman ng mga emails mula sa mga nag-apply. Nakakatuwa at nakaka-overwhelm din dahil halos lahat may impressive na credentials.“Maganda ‘to. More chances of winning.” bulong ko sa sarili habang isa-isang tinitignan ang resumes.Bandang 9am, dumating na ang unang applicant. Babaeng naka corporate attire, maayos ang postura, at pero halatang kabado. Pinapasok ko siya sa maliit na meeting room at inumpisahan ang interview.“Good morning. Can you tell me a little about yourself?” bungad ko habang nakangiti.Graduate daw siya sa FEU, may 2 years experience bilang admin assistant, at magandang magsalita ng English. Habang nagsasalita siya, napapaisip ako: Okay naman. Presentable, articulate, at parang kaya naman ang trabaho ko.Nang natapos na kami ay agad ko siyang dinala sa opisina ni Sir Alex.Pagpasok namin ay nakasandal ito sa swivel chair, nakataas ang isang k
Umaga pa lang ay inasikaso ko na ang paghahanap ng bagong secretary ni Sir Alex. Nakapagpost na ako sa mga job portals at kahit social medias. Sa totoo lang ay pwede ko namang iasa na lang ito sa HR department pero dahil nangako akong ako ang mismong hahanap sa kapalit ko ay ayokong mapahiya. Kailangan ay masala kong mabuti ang mga applicants. Alam ko naman kasi ang hinahanap ng boss kaya confident ko na magtatagumpay ako sa misyon. Isa pa ay kahit ganoon si Sir Alex ay concern ako sa kanya. Kahit pa lagi itong galit at nakasigaw ay gusto kong makahanap ng karapat dapat na papalit sa posisyon ko at aalagaan ito sa trabaho.Mataas at matibay ang boundary na sinet ng boss, lahat ng trabaho ay pinagkakatiwala sa akin pero ni isang beses ay hindi naging personal ang relasyon namin. Naiintindihan ko na nagkaron na ito ng trauma kaya maingat ito. Ayaw na nitong maulit pa ang nangyari noon sa kumpanya. Wala din namang problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga ang ganitong set up. Maayo
Pagpasok ko ng opisina ay ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng wall clock at mahina kong yabag ang naririnig. Dumiretso ako sa mesa ng boss ko na nakaupo, nakatingin lang sa laptop screen habang tila may malalim na iniisip.Inilapag ko ang Starbucks coffee sa harap niya, umaasang kahit papaano ay makakuha ako ng plus points.“Good morning, Sir,” mahina kong bati.Hindi siya agad sumagot. Hindi man lang niya pinansin ang kape, pero napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Huminga ako nang malalim, pilit kong pinatatag ang boses ko.“Sir… I’m sorry for yesterday. Alam ko po na ayaw niyo na itong pag-usapan pa pero kailangan.”Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin. Ang mga mata niya—matatalim, malamig tulad ng dati.“So you really have the courage to stand here and discuss this… again?” malamig niyang tanong, ngunit mas mababa ang tono, hindi tulad ng galit kahapon.Napilitan akong ngumiti, pilit na nagbiro. “Opo, wala naman po sigurong mas
Nakatitig ako sa monitor ng laptop habang paulit ulit na binabasa ang tinype kong resignation letter. Mula kagabi ay iniisip ko na ang ilalagay sa sulat na iyon. Pagdating ko pa lang sa opisina ay ito na ang inatupag ko pero hindi pa rin ako makuntento.Bakit nga ba parang ang hirap? Para simple lang naman ang kailangan kong sabihin. Kung pwede lang sana isulat na lang: “Dear Boss, sorry. It’s not you, it’s Ate.” Mas madali siguro.“Bahala na si Batman,” bulong ko sa sarili bago tumayo at naglakad na papunta sa opisina ni Sir Alex. Kailangan ko na kasing magpasa ng resignation para maayos ko na lahat ng mga kailangan kong papeles. Araw araw na kasi akong kinukulit ni ate.Pagpasok ko, hindi man lang ito lumingon. Abala ito sa laptop nito at tahimik na nagtatype sa keyboard. Salubong ang mga kilay. “You’re already making me mad by just standing there. Spit it out.”"Hindi pa nga ako nagsasalita, galit ka na agad." bulong ko sa sarili habang papalapit at naupo. Malakas ang tibok ng dibd
Noong nakaraang buwan pa ako kinukulit ng ate ko na nasa Dubai. Plano raw niya akong kunin doon para magtrabaho at alalayan siya dahil malapit na itong manganak.Nung una, sabi ko pa: “Pag-iisipan ko muna.” Akala ko tapos na doon ang usapan. Hindi naman kasi ganoon kadaling iwanan ang trabaho ko dito sa Pilipinas. Pero hindi, dahil bigla siyang tumawag ulit, parang nag-follow up lang ng Shopee order.“Kumusta na, Isa?” masiglang bati nito sa kabilang linya.“Okay naman po, ate. Kayo d’yan, kumusta?” sagot ko, habang tumitingin-tingin sa orasan. 4:59 PM na. Isang minuto na lang, uwian na! At bonus pa dahil wala rin si boss. May “importanteng lakad” daw… baka date, baka golf, baka secret mission. Ewan ko sa kanya!“Okay naman. Nga pala, isend mo na lahat ng requirements para maayos ko na ang visa mo.” sabi ni ate, punong-puno ng energy na parang kakatapos lang magkape.“Ha? Ah eh… ngayon na po ba?” napaubo ako. Hindi pa ako ready! Hindi ba pwedeng time first muna?“Oo naman! At saka, ka