Noong nakaraang buwan pa ako kinukulit ng ate ko na nasa Dubai. Plano raw niya akong kunin doon para magtrabaho at alalayan siya dahil malapit na itong manganak.
Nung una, sabi ko pa: “Pag-iisipan ko muna.” Akala ko tapos na doon ang usapan. Hindi naman kasi ganoon kadaling iwanan ang trabaho ko dito sa Pilipinas. Pero hindi, dahil bigla siyang tumawag ulit, parang nag-follow up lang ng Shopee order.
“Kumusta na, Isa?” masiglang bati nito sa kabilang linya.
“Okay naman po, ate. Kayo d’yan, kumusta?” sagot ko, habang tumitingin-tingin sa orasan. 4:59 PM na. Isang minuto na lang, uwian na! At bonus pa dahil wala rin si boss. May “importanteng lakad” daw… baka date, baka golf, baka secret mission. Ewan ko sa kanya!
“Okay naman. Nga pala, isend mo na lahat ng requirements para maayos ko na ang visa mo.” sabi ni ate, punong-puno ng energy na parang kakatapos lang magkape.
“Ha? Ah eh… ngayon na po ba?” napaubo ako. Hindi pa ako ready! Hindi ba pwedeng time first muna?
“Oo naman! At saka, kailangan din ng secretary ng amo ng Kuya Bobby mo. Ikaw na ang gusto naming ipasok doon. Sayang naman kung maunahan ka pa ng iba." Paliwanag pa nito. Si Kuya Bobby ay ang asawa nito.
Ayun na nga. Golden ticket to Dubai. Alam ko, mas maraming oportunidad doon. At higit sa lahat, hindi ko kayang tanggihan si ate. Siya ang dahilan kung bakit ako nakapagtapos at nakapasok sa magandang kumpanya. Basically, kung hindi dahil sa kanya, baka hanggang ngayon, tambay pa rin ako na mahilig lang sa milk tea. Utang na loob ko ang lahat sa kanya kaya paano ako makakatanggi?
Pero paano ko naman ipapaalam ang desisyon sa boss kong tatlong taon ko nang kasama? At paano ko iaabot ang resignation letter ko ng hindi nanginginig ang mga kamay?
Pero teka, bakit nga ba parang nahihirapan ako eh mag reresign lang naman ako? Hindi naman kasalanan ang gagawin ko.
Anyway, ako nga pala si Isabella Ramirez or Isa for short. Matagal na ako sa Dela Vega Innovations, isa sa pinakamalaking kumpanya sa Makati. At hulaan niyo paano ako nakapasok dito? Dahil pa rin yun kay ate. Noong nasa Pilipinas pa ang asawa nito ay isa itong Engineer sa kumpanya. At dahil nga kakatapos ko lang noon sa college sa kursong Accounting ay nahirapan akong makahanap ng mapapasukan. Pero pinakiusapan ako ni ate sa asawa niya at natulungan ako nitong makapasok sa Dela Vega Innovations bilang Accounting Assistant.
Yes, isang fresh graduate ang nakapasok sa isang napakalaking kumpanyang tulad nito. Tandang tanda ko pa ang araw ng interview ko. Suot ang dark gray na pencit cut skirt at white polo blouse ay binagayan ko iyon ng black na stilettos. Syempre kailangan kong magmukhang maayos at presentable.
"Pumasok na po kayo sa pinto na yun, Ms. Ramirez." bungad sa akin ng babaeng nasa front desk. Itinuro nito ang isang pinto sa bandang kaliwa.
Nang makalapit na ay dahan dahan kong itinulak ang pinto at ng bumukas ay agad akong bumati, naka-ready na ang matamis kong ngiti sa labi. "Good morning, ma'am---"
Pero natigilan ako at napahinto sa paglakad dahil pigura ng isang lalaki ang bumungad sa akin. Nakatalikod ito at nakatanaw sa full glass window ng opisina. Nakahalukipkip pa ang isang kamay sa bulsa ng itim nitong slacks.
Sandali, akala ko ba ay ang HR na si Ms. Ana ang mag iinterview sa akin? Yun kasi ang sabi sa akin ni Kuya Bobby. Pero bakit---
Natigilan akong muli ng humarap ang lalaking kanina lang ay abala sa pagtanaw sa magandang view. Muntik na akong mapangaga ng makita ang mukha ng lalaki.
Perfect ang hulma ng mukha nito na parang ginuhit. Totoong tao ba ito? Mataman akong tinignan nito kaya malaya ko rin itong natitigan.
Ito ang perfect example ng tall, dark and handsome. Sa suot nitong itim na coat ay halata pa rin ang magandang tindig at pangangatawan.
"And you are?" Nabasag ang katahimikan ng narinig ko ang malamig at malaki nitong boses. Bigla akong bumalik sa ulirat.
Nasaan ba ako? Sino ba ako? Este, sino ba itong kaharap ko?
"G--good morning, Sir. My name is Isabella and I'm here for the interview." Halos patanong ang tono ng huli kong salita. Hindi kasi ako sigurado kung nasa tamang lugar ako. Nagkamali ba ng turo sa akin ang babae sa front desk?
Biglang lumiwanag ang mukha nito at ang kaninang seryosong mukha ay bahagyang nangiti.
Nakahinga ako ng maluwag at pilit na ding ngumiti. So, siya ba nag mag iinterview sa akin? Pero hndi ko pa rin alam ang nararamdaman at parang umurong ang dila ko. Wala na akong maalalang bigla sa pinractice ko kagabi.
"Oh, that’s good. Please, have a seat." Muling sabi nito sabay turo sa upuan na nasa gilid ng mesa nito.
Napakaluwang at laki ng opisina nito. Sa isang side ay may sala set pa, mga halaman at nagtataasang book shelves. Maaliwas ang lugar dahil napapalibutan ang opisina ng salamin na tanaw ang labasan. Kita ang nagtataasang mga buildings at sa di kalayuan ay isang maliit na park na nadaanan ko pa kanina papunta dito.
Pagkaupo ko ay napansin ko ang nakapatong sa lamesa nito at binasa ko iyon.
Alexander Dela Vega
CEO - Dela Vega Innovations
Parang nanlamig ang buong katawan ko. Alexander Dela Vega?! Siya itong kaharap ko ngayon?!
Naramdaman ko ang unti unting paglakas ng tahip ng dibdib ko. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko. Wait lang, hindi naman ako ready. Akala ko kasi ay initial interview lang ito. Bakit ang CEO pa mismo ang kailangang mag-interview sa akin?
"May I have a copy of your resume, please?" Tanong nito na nakaupo na rin pala. Kanina pa ba ako nakatulala?
"Ito po, Sir." Dali dali kong iniabot ang folder na hawak. Sana ay hindi nito napansin ang panginginig ng mga kamay ko.
Napayuko na lang ako habang tahimik nitong binabasa ang resume ko. Parang nawalan ako ng pag asa. Kahit pa nirefer ako ni Kuya Bobby ay alam kong hindi naman ako matatanggap. Sino ba naman ako? Isang hamak na college graduate na walang experience kahit isa. Tapos ang CEO pala ang mag interview sa akin. Edi lalong bokya.
"Here, uminom ka muna."
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang CEO na nasa harapan ko, hawak ang isang baso ng tubig na iniaabot sa akin. Tumingala ako sa mukha nito na para bang nakakita ng isang anghel.
Kanina lang kasi ay nakaupo ito at hawak ang resume ko. Paanong---
Kinuha nito ang kamay ko para ihawak sa baso na lalong kinagulat ko. Hinawakan ko iyon pero hindi ako makagalaw. Ramdam ko ang pagbalik nito sa upuan niya.
"Just relax and be yourself, Ms.Ramirez." Sabi nito ng muli akong sumulyap dito. Gumuhit ang magandang ngiti nito. Napalunok ako dahil lalong gumwapo ito dahil sa pagkakangiti.
Napalunok ako pero at gumanti ng ngiti. Pagkainom ng tubig na binigay nito ay parang nahimasmasan ako. May ganito pa pala? Gwapo na, mayaman at mabait pa. Parang bida sa mga nababasa at napapanood ko sa TV.
Hinding hindi ko malilimutan ang araw na iyon. Sandali lang naman niya akong tinanong at nagsabi ng mag-antay na lang ng tawag. Magalang akong nagpaalam at simula noon ay hindi ko na siya muling nakausap. Natanggap ako at nagsimula sa trabaho sa Accounts Department
Hindi ko na muling nasilayan ang CEO dahil nasa ibang bahagi ng building ang department namin. At sa laki ng kumpanya at dami ng empleyado baka nga hindi na nya ako naalala.
Maaga akong dumating sa opisina kinabukasan. Pagkabukas ko pa lang ng computer ay andun na agad ang inbox ko na punong-puno na naman ng mga emails mula sa mga nag-apply. Nakakatuwa at nakaka-overwhelm din dahil halos lahat may impressive na credentials.“Maganda ‘to. More chances of winning.” bulong ko sa sarili habang isa-isang tinitignan ang resumes.Bandang 9am, dumating na ang unang applicant. Babaeng naka corporate attire, maayos ang postura, at pero halatang kabado. Pinapasok ko siya sa maliit na meeting room at inumpisahan ang interview.“Good morning. Can you tell me a little about yourself?” bungad ko habang nakangiti.Graduate daw siya sa FEU, may 2 years experience bilang admin assistant, at magandang magsalita ng English. Habang nagsasalita siya, napapaisip ako: Okay naman. Presentable, articulate, at parang kaya naman ang trabaho ko.Nang natapos na kami ay agad ko siyang dinala sa opisina ni Sir Alex.Pagpasok namin ay nakasandal ito sa swivel chair, nakataas ang isang k
Umaga pa lang ay inasikaso ko na ang paghahanap ng bagong secretary ni Sir Alex. Nakapagpost na ako sa mga job portals at kahit social medias. Sa totoo lang ay pwede ko namang iasa na lang ito sa HR department pero dahil nangako akong ako ang mismong hahanap sa kapalit ko ay ayokong mapahiya. Kailangan ay masala kong mabuti ang mga applicants. Alam ko naman kasi ang hinahanap ng boss kaya confident ko na magtatagumpay ako sa misyon. Isa pa ay kahit ganoon si Sir Alex ay concern ako sa kanya. Kahit pa lagi itong galit at nakasigaw ay gusto kong makahanap ng karapat dapat na papalit sa posisyon ko at aalagaan ito sa trabaho.Mataas at matibay ang boundary na sinet ng boss, lahat ng trabaho ay pinagkakatiwala sa akin pero ni isang beses ay hindi naging personal ang relasyon namin. Naiintindihan ko na nagkaron na ito ng trauma kaya maingat ito. Ayaw na nitong maulit pa ang nangyari noon sa kumpanya. Wala din namang problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga ang ganitong set up. Maayo
Pagpasok ko ng opisina ay ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng wall clock at mahina kong yabag ang naririnig. Dumiretso ako sa mesa ng boss ko na nakaupo, nakatingin lang sa laptop screen habang tila may malalim na iniisip.Inilapag ko ang Starbucks coffee sa harap niya, umaasang kahit papaano ay makakuha ako ng plus points.“Good morning, Sir,” mahina kong bati.Hindi siya agad sumagot. Hindi man lang niya pinansin ang kape, pero napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Huminga ako nang malalim, pilit kong pinatatag ang boses ko.“Sir… I’m sorry for yesterday. Alam ko po na ayaw niyo na itong pag-usapan pa pero kailangan.”Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin. Ang mga mata niya—matatalim, malamig tulad ng dati.“So you really have the courage to stand here and discuss this… again?” malamig niyang tanong, ngunit mas mababa ang tono, hindi tulad ng galit kahapon.Napilitan akong ngumiti, pilit na nagbiro. “Opo, wala naman po sigurong mas
Nakatitig ako sa monitor ng laptop habang paulit ulit na binabasa ang tinype kong resignation letter. Mula kagabi ay iniisip ko na ang ilalagay sa sulat na iyon. Pagdating ko pa lang sa opisina ay ito na ang inatupag ko pero hindi pa rin ako makuntento.Bakit nga ba parang ang hirap? Para simple lang naman ang kailangan kong sabihin. Kung pwede lang sana isulat na lang: “Dear Boss, sorry. It’s not you, it’s Ate.” Mas madali siguro.“Bahala na si Batman,” bulong ko sa sarili bago tumayo at naglakad na papunta sa opisina ni Sir Alex. Kailangan ko na kasing magpasa ng resignation para maayos ko na lahat ng mga kailangan kong papeles. Araw araw na kasi akong kinukulit ni ate.Pagpasok ko, hindi man lang ito lumingon. Abala ito sa laptop nito at tahimik na nagtatype sa keyboard. Salubong ang mga kilay. “You’re already making me mad by just standing there. Spit it out.”"Hindi pa nga ako nagsasalita, galit ka na agad." bulong ko sa sarili habang papalapit at naupo. Malakas ang tibok ng dibd
Noong nakaraang buwan pa ako kinukulit ng ate ko na nasa Dubai. Plano raw niya akong kunin doon para magtrabaho at alalayan siya dahil malapit na itong manganak.Nung una, sabi ko pa: “Pag-iisipan ko muna.” Akala ko tapos na doon ang usapan. Hindi naman kasi ganoon kadaling iwanan ang trabaho ko dito sa Pilipinas. Pero hindi, dahil bigla siyang tumawag ulit, parang nag-follow up lang ng Shopee order.“Kumusta na, Isa?” masiglang bati nito sa kabilang linya.“Okay naman po, ate. Kayo d’yan, kumusta?” sagot ko, habang tumitingin-tingin sa orasan. 4:59 PM na. Isang minuto na lang, uwian na! At bonus pa dahil wala rin si boss. May “importanteng lakad” daw… baka date, baka golf, baka secret mission. Ewan ko sa kanya!“Okay naman. Nga pala, isend mo na lahat ng requirements para maayos ko na ang visa mo.” sabi ni ate, punong-puno ng energy na parang kakatapos lang magkape.“Ha? Ah eh… ngayon na po ba?” napaubo ako. Hindi pa ako ready! Hindi ba pwedeng time first muna?“Oo naman! At saka, ka