LOGINAkala ko noong una, madali lang ang maghanap ng kapalit ko. Confident ako dahil kilala ko si Sir Alex,ang bawat galaw nito, kung ano ang standards niya, at kung paano siya mag-isip. Pero mali pala ako. Maling-mali.
Ilang araw pa lang kasi simula ng mag-umpisa ang interview, pero gusto ko nang sumuko. Paano ba naman kasi ay lahat na lang ng applicants na iharap ko dito ay ayaw niya.
Unang applicant sa linggong ito ay isang lalaki. Maayos manamit, mabango, may dating. Magaling at confident din ito magsalita. Halatang sanay sa corporate environment. Habang iniinterview ito ng boss ay parang okay naman lahat. Panay ang tanong at maayos naman ang mga naging sagot ng lalaki. Pero napansin kong hindi man lang tumitingin si Sir Alex sa resume. Tahimik lang siyang nakikinig sa sagot nito habang nakahalukipkip.
Pagkatapos ng ilang minuto, tumikhim siya. “Next.”
“Sir, bakit po?” tanong ko pa na medyo naguguluhan.
“Too much perfume.” Bulong nito ng tumalikod na ang applicant.
Napasapo na lang ako sa noo. Sa dami ng sinabi ng lalaki kanina ay yung pabango lang pala ang napansin nito.
Kinabukasan, babae naman ang applicant. Grabe sa confidence, parang beauty queen ang datingan. Kaunti nga lang ata ang tangkad ng boss ko dito. Partida at hindi naman kataasan ang suot nitong sapatos. Ang galing din sumagot, kulang na lang ay ‘I thank you’ sa huli. Eto na talaga! Mukhang magugustuhan ito ng boss.
Pero bago pa siya makapagsabi ng last sentence, biglang nagsalita si Sir Alex. “Thank you. We’ll call you if you pass.”
Paglabas ng babae, tinanong ko siya ulit. “Sir, pasado naman siya ‘di ba?”
“Too talkative,” sagot niya, seryoso pa rin ang mukha. “Nakakapagod kausap.”
Natawa ako nang mahina. “So gusto niyo pala ‘yung tahimik lang, Sir?”
“Not really.” Tulad ng dati ay walang reaksyon ang mukha nito.
Pinigilan ko na lang ang sarili na magtanong pang muli dahil tumalikod na ito sa akin.
Sa sumunod na araw, dumating ang isang medyo shy type na babae. Conservative ang dating nito sa suot na black slacks at long sleeves na blouse. Halatang tahimik ito dahil napakatipid sumagot.
“Oh ayan ha, sabi mo ayaw mo sa masyadong madaldal. Ayan na yung hinahanap mo.” bulong ko pa sa sarili.
“She lacks initiative.” Sabi nito saktong pag upo ko sa harap nito. Galing lang ako sa labas at hinatid ang babae sa pinto ng matapos ang interview.
“Sir, ngayon nyo lang po siya nakausap so paano niyo nasabi agad ‘yon?” Takang taka ako. Manghuhula na ba ito ngayon?
“Intuition.” Maikling sagot nito sabay mwestra nito gamit ang kamay para lumabas na ako.
Napasinghap ako bago tumayo. Mabuti pa nga at umalis na ako bago pa ako tuluyang mainis.
Kinabukan ay isa pang applicant ang dumating. Maganda ito, kalmado at very graceful gumalaw. Mahihin itong naupo at napansin kong napatitig si Sir sa mukha ng babae.
Sa tingin ko ay ito na talaga ang hinahanap ng boss. Matatapos na siguro ang paghihirap ko. Sa wakas! Lihim pa nga ako napangiti ng nag umpisa na ang interview.
“She sounded like you.” Ito ang unang sinabi ni Sir Alex ng makaalis na ang magandang applikante.
“Talaga po?” Tanong ko habang nakangiti. I feel good about this. Mukhang gusto ni Sir ang babae.
“So, it’s a no.” Dagdag nito na nagpawala sa ngiti ko. Ang ganda ng bungad eh tapos ayaw pala nito?
“Pero bakit po? Ayaw niyo ng kaboses ko?” Medyo tumaas ang tono ko.
“Not at all.” Tipid na sagot nito sabay talikod ng muli.
Napanganga ako. Lord, baka sinusubok mo lang talaga ako ngayon.
Pagdating ng hapon, habang iniisa isa ko na naman ang mga resume, napabuntong-hininga na lang ako. Parang lahat ng makita ko, may automatic X sa isip ko dahil alam kong may makikita si Sir Alex na ayaw niya.
“Masyadong friendly.” “Masyadong tahimik.” “Hindi marunong ngumiti.” “Masyadong mabilis ngumiti.” “Wrong shade of lipstick.”Ano ba talaga, Sir?! Ano ba talagang gusto mo? Napahawak na lang ako sa ulo ko na pakiramdam ko ay sasabog na.
“You look frustrated,” Napapitlag ako ng madinig ang malamig na boses ni Sir Alex. Pag angat ko ng ulo ay nasa harapan na pala ito ng desk ko at nakatayo.
“Hindi naman po,” sagot ko habang pinipilit ngumiti. “Na-cha-challenge lang.”
“Then stop wasting your time on applicants who clearly don’t fit.”
“Sir, mukhang wala naman po talagang mag-fi-fit sa standards niyo.” Hindi ko napigilan ang sarili na sumagot ng pabalang.
Sandaling natahimik ito at diretso lang na tumingin sa akin. Nagkatinginan tuloy kami dahil medyo matagal bago ito sumagot.
“Then that’s the problem.” Sa wakas ay nagsalita ito.
Ayokong sabihin pero parang sinasadya lang nito na pahirapan ako. Pero for what? Ano bang problema kung mapalitan ako. Oo, ako lang ang pinagkakatiwalaan niya pero hindi ibig sabihin na habang buhay ay magiging ganito ang sitwasyon. Sa ayaw at sa gusto ni Sir ay kailangan niyang matututunan ang magtiwalang muli sa ibang tao.
Pag-uwi ko nang gabing ‘yon, hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Then that’s the problem. Tama siya dahil mababaliw na nga ako kakaisip kung saan hahanapin ang makakapagpa-YES sa kanya.
Napatingin ako sa salamin habang naghihilamos ng mukha. Kung ako nga na malayo sa perfect ay pinagkatiwalaan niya. Simple lang ako at hindi naman din ako matalino. Sakto lang, ika nga.
So, ano bang klaseng standard meron si Sir Alex? Ang dami naming na-interview pero wala pa ring pumapasa. Napabuntong hininga na lang ako at nagdesisyong matulog na. Bahala na bukas.
“What happened to you?” Napatingala ako at nando’n na pala si Sir Alex, nakatayo sa harap ng mesa ko.Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya dahil kanina pa ako nakatulala.“Isa!” malakas niyang tawag nang hindi pa rin ako nakasagot. Pasimple akong sumilip sa salamin sa gilid.Hay naku, mukha na naman akong pindangga. Nangangalumata na sa puyat, walang make-up, at halatang kulang sa tulog. Dahil nga sa kakaisip ko kagabi ay halos wala akong tulog. Muntik na nga akong hindi makatulog dahil sobrang late na akong nagising.“Yes, sir?” sagot kong parang wala sa mood. Kung pwede lang na umidlip muna ay ginawa ko na. Lumapit siya at naupo sa tapat ng mesa ko. Tinitigan ako, yung tipong gustong basahin kung ano ang nasa utak ko.“I was asking you. What happened? You look like you barely slept. Everything okay?” Mas kalmado na ang boses niya ngayon. Halatang curious siya kung bakit ako mukhang z
Akala ko noong una, madali lang ang maghanap ng kapalit ko. Confident ako dahil kilala ko si Sir Alex,ang bawat galaw nito, kung ano ang standards niya, at kung paano siya mag-isip. Pero mali pala ako. Maling-mali.Ilang araw pa lang kasi simula ng mag-umpisa ang interview, pero gusto ko nang sumuko. Paano ba naman kasi ay lahat na lang ng applicants na iharap ko dito ay ayaw niya.Unang applicant sa linggong ito ay isang lalaki. Maayos manamit, mabango, may dating. Magaling at confident din ito magsalita. Halatang sanay sa corporate environment. Habang iniinterview ito ng boss ay parang okay naman lahat. Panay ang tanong at maayos naman ang mga naging sagot ng lalaki. Pero napansin kong hindi man lang tumitingin si Sir Alex sa resume. Tahimik lang siyang nakikinig sa sagot nito habang nakahalukipkip.Pagkatapos ng ilang minuto, tumikhim siya. “Next.”“Sir, bakit po?” tanong ko pa na medyo naguguluhan.“Too much perfume.” Bulong nito ng tumalikod na ang applicant.Napasapo na lang ako
Maaga akong dumating sa opisina kinabukasan. Pagkabukas ko pa lang ng computer ay andun na agad ang inbox ko na punong-puno na naman ng mga emails mula sa mga nag-apply. Nakakatuwa at nakaka-overwhelm din dahil halos lahat may impressive na credentials.“Maganda ‘to. More chances of winning.” bulong ko sa sarili habang isa-isang tinitignan ang resumes.Bandang 9am, dumating na ang unang applicant. Babaeng naka corporate attire, maayos ang postura, at pero halatang kabado. Pinapasok ko siya sa maliit na meeting room at inumpisahan ang interview.“Good morning. Can you tell me a little about yourself?” bungad ko habang nakangiti.Graduate daw siya sa FEU, may 2 years experience bilang admin assistant, at magandang magsalita ng English. Habang nagsasalita siya, napapaisip ako: Okay naman. Presentable, articulate, at parang kaya naman ang trabaho ko.Nang natapos na kami ay agad ko siyang dinala sa opisina ni Sir Alex.Pagpasok namin ay nakasandal ito sa swivel chair, nakataas ang isang k
Umaga pa lang ay inasikaso ko na ang paghahanap ng bagong secretary ni Sir Alex. Nakapagpost na ako sa mga job portals at kahit social medias. Sa totoo lang ay pwede ko namang iasa na lang ito sa HR department pero dahil nangako akong ako ang mismong hahanap sa kapalit ko ay ayokong mapahiya. Kailangan ay masala kong mabuti ang mga applicants. Alam ko naman kasi ang hinahanap ng boss kaya confident ko na magtatagumpay ako sa misyon. Isa pa ay kahit ganoon si Sir Alex ay concern ako sa kanya. Kahit pa lagi itong galit at nakasigaw ay gusto kong makahanap ng karapat dapat na papalit sa posisyon ko at aalagaan ito sa trabaho.Mataas at matibay ang boundary na sinet ng boss, lahat ng trabaho ay pinagkakatiwala sa akin pero ni isang beses ay hindi naging personal ang relasyon namin. Naiintindihan ko na nagkaron na ito ng trauma kaya maingat ito. Ayaw na nitong maulit pa ang nangyari noon sa kumpanya. Wala din namang problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga ang ganitong set up. Maayo
Pagpasok ko ng opisina ay ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng wall clock at mahina kong yabag ang naririnig. Dumiretso ako sa mesa ng boss ko na nakaupo, nakatingin lang sa laptop screen habang tila may malalim na iniisip.Inilapag ko ang Starbucks coffee sa harap niya, umaasang kahit papaano ay makakuha ako ng plus points.“Good morning, Sir,” mahina kong bati.Hindi siya agad sumagot. Hindi man lang niya pinansin ang kape, pero napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Huminga ako nang malalim, pilit kong pinatatag ang boses ko.“Sir… I’m sorry for yesterday. Alam ko po na ayaw niyo na itong pag-usapan pa pero kailangan.”Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin. Ang mga mata niya—matatalim, malamig tulad ng dati.“So you really have the courage to stand here and discuss this… again?” malamig niyang tanong, ngunit mas mababa ang tono, hindi tulad ng galit kahapon.Napilitan akong ngumiti, pilit na nagbiro. “Opo, wala naman po sigurong mas
Nakatitig ako sa monitor ng laptop habang paulit ulit na binabasa ang tinype kong resignation letter. Mula kagabi ay iniisip ko na ang ilalagay sa sulat na iyon. Pagdating ko pa lang sa opisina ay ito na ang inatupag ko pero hindi pa rin ako makuntento.Bakit nga ba parang ang hirap? Para simple lang naman ang kailangan kong sabihin. Kung pwede lang sana isulat na lang: “Dear Boss, sorry. It’s not you, it’s Ate.” Mas madali siguro.“Bahala na si Batman,” bulong ko sa sarili bago tumayo at naglakad na papunta sa opisina ni Sir Alex. Kailangan ko na kasing magpasa ng resignation para maayos ko na lahat ng mga kailangan kong papeles. Araw araw na kasi akong kinukulit ni ate.Pagpasok ko, hindi man lang ito lumingon. Abala ito sa laptop nito at tahimik na nagtatype sa keyboard. Salubong ang mga kilay. “You’re already making me mad by just standing there. Spit it out.”"Hindi pa nga ako nagsasalita, galit ka na agad." bulong ko sa sarili habang papalapit at naupo. Malakas ang tibok ng dibd







