Masuk“What happened to you?” Napatingala ako at nando’n na pala si Sir Alex, nakatayo sa harap ng mesa ko.
Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya dahil kanina pa ako nakatulala.
“Isa!” malakas niyang tawag nang hindi pa rin ako nakasagot. Pasimple akong sumilip sa salamin sa gilid.
Hay naku, mukha na naman akong pindangga. Nangangalumata na sa puyat, walang make-up, at halatang kulang sa tulog. Dahil nga sa kakaisip ko kagabi ay halos wala akong tulog. Muntik na nga akong hindi makatulog dahil sobrang late na akong nagising.
“Yes, sir?” sagot kong parang wala sa mood. Kung pwede lang na umidlip muna ay ginawa ko na. Lumapit siya at naupo sa tapat ng mesa ko. Tinitigan ako, yung tipong gustong basahin kung ano ang nasa utak ko.
“I was asking you. What happened? You look like you barely slept. Everything okay?” Mas kalmado na ang boses niya ngayon. Halatang curious siya kung bakit ako mukhang zombie.
Diretso akong tumingin sa kanya. Ang gwapo talaga ng boss kong ‘to, nakakainis. Obvious naman ang sagot sa tanong niya: Nahihirapan akong maghanap ng secretary para sa kanya. Huminga ako nang malalim.
“Sir, please naman. Baka pwedeng bigyan niyo ng kahit konting chance ‘yung mga applicants. Kasi kung masyado kayong choosy, baka matapos na ‘yung three months, ay wala pa ring pumalit sa akin dito.”
Napahinto siya saglit, tapos ngumisi. “Are you seriously having a hard time just because of that?” Naka-tilt pa ang ulo niya ‘yung parang gusto akong asarin.
“Medyo po, sir,” sagot ko, sabay buntong-hininga. Tumayo siya, ipinasok ang kamay sa bulsa ng royal blue slacks niya at matching pa sa tie.
“Okay, we’ll see,” sabi niya bago tumalikod. Pinanood ko pa siyang pumasok sa opisina. Ako naman ay naiwang nakatanga.
Ano naman kasing klaseng sagot yun? Ang hilig talaga ni Sir Alex sa kulang kulang na sagot. Yung tipong huhulaan ko pa o pag iisipang mabuti kung anong ibig niyang sabihin.
“Oi, Isa! Ano nang balita?” Si Anne ‘yon, officemate kong certified chismosa-slash-bestie. Hawak ang kape niya, halatang ready na makipagchikahan.
“Balita? Edi ayun. Nasuyod ko na lahat ng aplikante sa JobStreet, LinkedIn, pati F******k groups. Wala pa ring pumapasa kay Sir Choosy.”
Napailing si Anne. “Eh baka gusto ni Sir, secretary na may third eye. Para bago pa siya mag-request ng kape, alam na agad.”
Napatawa ako. “Saan naman ako maghahanap ng ganun?” “Yun na nga eh. Bakit ikaw natagalan niya? Eh madalas diba nakakalimutan mo nga syang pagtimpla ng kape?” Dagdag ni Anne.
Napaisip akong saglit dahil hindi ko nga alam ang isasagot. Siguro nga ay may hinahanap si Sir Alex na siya lang ang nakakaalam. Pero paano ko naman yung malalaman kung hindi niya sasabihin?
Habang nagbibiruan kami, may isang resume na umagaw ng atensyon ko. Habang nasa pantry kasi ay dala ko ang tablet at nagba browse pa rin ng resume.
Marie Paulina Asuncion
26 years old, Executive Secretary based in Quezon City.
4+ years of executive support experience.
Former OJT trainee at Dela Vega Innovations.
Last employed at ArdenTech Solutions Inc,
Wow. Parang jackpot. Galing siya sa kumpanyang direct competitor ng Dela Vega Innovations. Ito na siguro ‘yung hinihintay kong ililigtas ako sa pagka-zombie.
Tinignan kong maigi ang picture nito. Chinita, maputi at mukhang matalino dahil naka eyeglasses pa ito. Agad kong in-email, at within minutes, nag-reply siya. Confirmed for tomorrow’s interview.
Nabuhayan ako bigla ng loob. Thank you, Lord!
“Isa! Pack up na tayo!”
Napalingon ako mula sa monitor. Si Anne ‘yon, hawak ang tote bag nito at mukhang excited nang umalis. Sumunod sa kanya sina Carla at Jun, parehong may bitbit nang mga gamit.
“Ha? Saan tayo?” tanong ko habang sinasara ang mga tabs sa screen ko. 5pm na din naman kasi kaya uwian na.
“Dinner out, besh!” sagot ni Anne. “Birthday ni Jun, remember? Libre niya daw kaya tara na bago magbago isip niya!”
“Hoy,” sabat ni Jun habang nag-aayos ng buhok sa salamin. “Wala akong sinabing libre, ha. Pero ako ang star of the night, kaya bawal umayaw.”
Napatawa ako. “Ay, ganun pala. Akala ko may pa-treat ka, sayang.”
“Libre mo na lang cake!” singit ni Carla, sabay kindat.
Umiling ako pero tumayo na rin. “Sige na nga. Pero baka gusto nyong isama si Sir Alex? Baka sabihin hindi man lang siya ininvite.”
Biglang natahimik ang tatlo. Nagkatinginan sila, sabay sabay umismid si Anne. “Girl, sure ka ba? Si Sir Alex? Paano tayo mag-eenjoy kung andun siya? Baka pati order natin kailangan naka-PowerPoint.”
Napatawa ako, pero bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto ng opisina ni Sir Alex.
Lumabas siya bitbit na laptop bag nito. As usual ay diretso ang tingin at walang reaksyon.
“Isa, I’ll be heading out now.” Paalam nito at hindi man lang lumingon.
“Yes, sir,” mabilis kong sagot.
Tumango lang siya, saka lumabas ng opisina. Pagsara ng pinto, halos sabay-sabay kaming nagkatinginan.
“See?” bulong ni Anne. “Sinabi ko na sayo. May radar talaga si Sir. Alam kapag pinag-uusapan siya.”
“Baka naman narinig ka lang kaya umalis na.” sabi ko, sabay tawa.
“Whatever,” sagot ni Carla. “Tara na bago magbago isip ng bakla.”
“Excuse me,” si Jun na naman, nakapamewang. “Ako pa ba magbabago ng isip? Birthday ko ito, mga bruha!”
At the restaurant…
Kumakalat na ang tawanan sa mesa. Si Jun ang bida, kwento ng mga ex niyang “toxic but fabulous,” habang halos ma-choke si Carla sa kakatawa.
“Cheers to me, the real queen of deadlines and heartbreaks!” sigaw ni Jun habang tinaas ang kanyang iced coffee.
“Cheers!” sabay-sabay naming sigaw.
Habang nagtatawanan kami, napansin kong biglang natahimik si Anne. Hindi na siya sumasabay sa jokes, nakatitig lang sa bandang sulok ng restaurant.
“Uy,” tawag ko, “anong tinitingnan mo dyan?”
“Isa…” mahina niyang sabi. “Parang may lalaking kanina pa nakatingin dito sa table natin.”
Napakunot ako ng noo. “Ha? Saan banda?”
“Doon o, sa may likod. Naka-white polo.”
Sabay kaming tumingin pero eksaktong tumayo na yung lalaki. Matangkad, malinis manamit, naka-roll up ang sleeves, at may bitbit na jacket. Nakatalikod na ito habang naglalakad palabas ng restaurant.
“Wala na…” bulong ni Anne, halatang natigilan.
“Baka nagkataon lang,” sabi ni Carla habang sumubo ng fries.
“Alam mo, feeling ko kay Isa siya nakatingin.” Dagdag pa ni Anne. “Baka kilala mo?” Sabay baling sa akin.
“Pano ko malalaman eh hindi ko naman nakita yung mukha.” Sagot ko naman.
“Baka nagandahan sayo, ang ganda mo kasi!” Tukso naman ni Jun, sabay tawanan.
“What happened to you?” Napatingala ako at nando’n na pala si Sir Alex, nakatayo sa harap ng mesa ko.Hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya dahil kanina pa ako nakatulala.“Isa!” malakas niyang tawag nang hindi pa rin ako nakasagot. Pasimple akong sumilip sa salamin sa gilid.Hay naku, mukha na naman akong pindangga. Nangangalumata na sa puyat, walang make-up, at halatang kulang sa tulog. Dahil nga sa kakaisip ko kagabi ay halos wala akong tulog. Muntik na nga akong hindi makatulog dahil sobrang late na akong nagising.“Yes, sir?” sagot kong parang wala sa mood. Kung pwede lang na umidlip muna ay ginawa ko na. Lumapit siya at naupo sa tapat ng mesa ko. Tinitigan ako, yung tipong gustong basahin kung ano ang nasa utak ko.“I was asking you. What happened? You look like you barely slept. Everything okay?” Mas kalmado na ang boses niya ngayon. Halatang curious siya kung bakit ako mukhang z
Akala ko noong una, madali lang ang maghanap ng kapalit ko. Confident ako dahil kilala ko si Sir Alex,ang bawat galaw nito, kung ano ang standards niya, at kung paano siya mag-isip. Pero mali pala ako. Maling-mali.Ilang araw pa lang kasi simula ng mag-umpisa ang interview, pero gusto ko nang sumuko. Paano ba naman kasi ay lahat na lang ng applicants na iharap ko dito ay ayaw niya.Unang applicant sa linggong ito ay isang lalaki. Maayos manamit, mabango, may dating. Magaling at confident din ito magsalita. Halatang sanay sa corporate environment. Habang iniinterview ito ng boss ay parang okay naman lahat. Panay ang tanong at maayos naman ang mga naging sagot ng lalaki. Pero napansin kong hindi man lang tumitingin si Sir Alex sa resume. Tahimik lang siyang nakikinig sa sagot nito habang nakahalukipkip.Pagkatapos ng ilang minuto, tumikhim siya. “Next.”“Sir, bakit po?” tanong ko pa na medyo naguguluhan.“Too much perfume.” Bulong nito ng tumalikod na ang applicant.Napasapo na lang ako
Maaga akong dumating sa opisina kinabukasan. Pagkabukas ko pa lang ng computer ay andun na agad ang inbox ko na punong-puno na naman ng mga emails mula sa mga nag-apply. Nakakatuwa at nakaka-overwhelm din dahil halos lahat may impressive na credentials.“Maganda ‘to. More chances of winning.” bulong ko sa sarili habang isa-isang tinitignan ang resumes.Bandang 9am, dumating na ang unang applicant. Babaeng naka corporate attire, maayos ang postura, at pero halatang kabado. Pinapasok ko siya sa maliit na meeting room at inumpisahan ang interview.“Good morning. Can you tell me a little about yourself?” bungad ko habang nakangiti.Graduate daw siya sa FEU, may 2 years experience bilang admin assistant, at magandang magsalita ng English. Habang nagsasalita siya, napapaisip ako: Okay naman. Presentable, articulate, at parang kaya naman ang trabaho ko.Nang natapos na kami ay agad ko siyang dinala sa opisina ni Sir Alex.Pagpasok namin ay nakasandal ito sa swivel chair, nakataas ang isang k
Umaga pa lang ay inasikaso ko na ang paghahanap ng bagong secretary ni Sir Alex. Nakapagpost na ako sa mga job portals at kahit social medias. Sa totoo lang ay pwede ko namang iasa na lang ito sa HR department pero dahil nangako akong ako ang mismong hahanap sa kapalit ko ay ayokong mapahiya. Kailangan ay masala kong mabuti ang mga applicants. Alam ko naman kasi ang hinahanap ng boss kaya confident ko na magtatagumpay ako sa misyon. Isa pa ay kahit ganoon si Sir Alex ay concern ako sa kanya. Kahit pa lagi itong galit at nakasigaw ay gusto kong makahanap ng karapat dapat na papalit sa posisyon ko at aalagaan ito sa trabaho.Mataas at matibay ang boundary na sinet ng boss, lahat ng trabaho ay pinagkakatiwala sa akin pero ni isang beses ay hindi naging personal ang relasyon namin. Naiintindihan ko na nagkaron na ito ng trauma kaya maingat ito. Ayaw na nitong maulit pa ang nangyari noon sa kumpanya. Wala din namang problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga ang ganitong set up. Maayo
Pagpasok ko ng opisina ay ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng wall clock at mahina kong yabag ang naririnig. Dumiretso ako sa mesa ng boss ko na nakaupo, nakatingin lang sa laptop screen habang tila may malalim na iniisip.Inilapag ko ang Starbucks coffee sa harap niya, umaasang kahit papaano ay makakuha ako ng plus points.“Good morning, Sir,” mahina kong bati.Hindi siya agad sumagot. Hindi man lang niya pinansin ang kape, pero napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Huminga ako nang malalim, pilit kong pinatatag ang boses ko.“Sir… I’m sorry for yesterday. Alam ko po na ayaw niyo na itong pag-usapan pa pero kailangan.”Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin. Ang mga mata niya—matatalim, malamig tulad ng dati.“So you really have the courage to stand here and discuss this… again?” malamig niyang tanong, ngunit mas mababa ang tono, hindi tulad ng galit kahapon.Napilitan akong ngumiti, pilit na nagbiro. “Opo, wala naman po sigurong mas
Nakatitig ako sa monitor ng laptop habang paulit ulit na binabasa ang tinype kong resignation letter. Mula kagabi ay iniisip ko na ang ilalagay sa sulat na iyon. Pagdating ko pa lang sa opisina ay ito na ang inatupag ko pero hindi pa rin ako makuntento.Bakit nga ba parang ang hirap? Para simple lang naman ang kailangan kong sabihin. Kung pwede lang sana isulat na lang: “Dear Boss, sorry. It’s not you, it’s Ate.” Mas madali siguro.“Bahala na si Batman,” bulong ko sa sarili bago tumayo at naglakad na papunta sa opisina ni Sir Alex. Kailangan ko na kasing magpasa ng resignation para maayos ko na lahat ng mga kailangan kong papeles. Araw araw na kasi akong kinukulit ni ate.Pagpasok ko, hindi man lang ito lumingon. Abala ito sa laptop nito at tahimik na nagtatype sa keyboard. Salubong ang mga kilay. “You’re already making me mad by just standing there. Spit it out.”"Hindi pa nga ako nagsasalita, galit ka na agad." bulong ko sa sarili habang papalapit at naupo. Malakas ang tibok ng dibd







