Pagpasok ko ng opisina ay ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng wall clock at mahina kong yabag ang naririnig. Dumiretso ako sa mesa ng boss ko na nakaupo, nakatingin lang sa laptop screen habang tila may malalim na iniisip.
Inilapag ko ang Starbucks coffee sa harap niya, umaasang kahit papaano ay makakuha ako ng plus points.
“Good morning, Sir,” mahina kong bati.
Hindi siya agad sumagot. Hindi man lang niya pinansin ang kape, pero napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Huminga ako nang malalim, pilit kong pinatatag ang boses ko.
“Sir… I’m sorry for yesterday. Alam ko po na ayaw niyo na itong pag-usapan pa pero kailangan.”
Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin. Ang mga mata niya—matatalim, malamig tulad ng dati.
“So you really have the courage to stand here and discuss this… again?” malamig niyang tanong, ngunit mas mababa ang tono, hindi tulad ng galit kahapon.
Napilitan akong ngumiti, pilit na nagbiro. “Opo, wala naman po sigurong masama kung susubukan ko ulit.”
Umangat ang isa niyang kilay, at pumikit. Pero agad ding dumilat at tumitig sa mga mata ko, parang sinusukat niya kung seryoso ba talaga ako. Humigpit ang panga niya, sabay tayo mula sa upuan. Bahagya itong lumapit sa kinatatayuan ko.
“You don’t listen. That’s your problem,” mariin niyang sabi. “When I say no, it’s the end of the discussion.”
Diretso akong tumingin sa mga mata niya, parang pusang nakikiusap. Pinipigil ko ang kaba sa dibdib ko.
“Sir, please,” halos pabulong pero buo ang loob ko.
Sandaling katahimikan. Naririnig ko lang ang mahinang hum ng aircon at ang mabilis na tibok ng puso ko.
“Ganito na lang, Sir,” tuloy ko, bahagyang nanginginig. “Bigyan niyo lang ako ng konting oras. Ako na po ang hahanap ng kapalit ko. Tutulungan ko pa kayong i-train siya… I won’t let everything fall apart.”
Tumalikod ito at tumingin sa labas. Inilagay pa nito ang mga kamay sa bulsa ng pantalon.
“And what if no one passes my standard? What then?” bumigat ang boses niya, parang may halong pait. “What if they all fail me… like everyone else?”
Napakagat ako ng labi. Lumapit ako ng kaunti, piniling ipakita na handa akong makinig.
“Then I’ll stay. Kahit mahirap, kahit magalit ang ate ko. Ang mahalaga… hindi ko kayo iniwan na mag-isa.”Akala ko sisigawan na naman ako. Pero sa halip, naramdaman ko ang kakaibang bigat ng katahimikan. Dahan-dahan siyang lumingon, at doon ko nakita ang pagod, ang takot, at ang pait sa mga mata niya. Malungkot ba ito dahil sa gusto kong umalis?
Huminga siya nang malalim nago nagsalita.
“…Three months,” mahina pero mariing sabi niya. “That’s it. Fail… and you stay. But if you succeed, then you can leave.”
Napapikit ako, nakahinga ng maluwag. Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Unti-unting gumuhit ang maliit na ngiti sa labi ko. “Three months. Challenge accepted, Sir.”
At bago ako tuluyang lumabas ng office niya, nakarinig ako ng mahina pero malinaw na bulong mula sa kanya—hindi ko alam kung para sa akin o para sa sarili niya lang.
“…Don’t disappoint me.”Pagkalabas ko ng opisina ay para akong binagsakan ng langit at lupa. Kahit ako ay hindi ko maintindihan ang sarili. Gusto ko ba talagang umalis o hindi?
“Three months…” bulong ko sa sarili ko. “Kaya ko ba talaga ‘to? Paano kung pumalpak ako? Paano kung wala akong mahanap na kapalit na pasado sa kanya?”
Saglit akong napahawak sa noo. Naramdaman kong nanginginig pa ang mga kamay ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa bigat ng responsibilidad na tinanggap ko.
Bigla akong natauhan nang may kumalabit sa braso ko. Si Carla, isa sa mga officemates ko, nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
“Oy, anong nangyari? Ang tagal mo sa loob, girl. Akala ko nilamon ka na niya,” biro niya pero mukhang nag aalala.Ngumiti ako ng pilit, pilit ring tinatago ang halo-halong emosyon.
“Wala naman… kinausap ko lang siya ulit tungkol sa resignation ko.”Nanlaki ang mata ni Carla.
“Hala! Pumayag na?!”Bumuntong-hininga ako, bahagyanyg ngumiti.
“Sort of. Binigyan nya ako ng three months. If I fail, I stay daw.”Tumawa si Carla nang mahina, may halong pang-aasar.
“Grabe ka, ayaw kang pakawalan ni Sir ah.”Natawa din ako sa biro nito habang sabay kaming naglakad pabalik sa desk namin.
Dahan-dahan kong inilapag ang cellphone ko sa mesa. Napatingin ako sa screen, naka-flash ang isang unread message mula sa ate ko:
“Kumusta ang resignation mo? Okay na ba?”
Napakagat ako ng labi, hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Hindi ko masabi sa kay ate na pumayag si Sir… pero kapag wala akong nakuhang kapalit ay hindi ako pwedeng umalis. Minabuti ko na lang na wag na lang replyan ito dahil ayoko mastress ito ngayon at buntis.
Pinikit ko ang mga mata ko sandali, pilit na kinakalma ang sarili ko.
“Matagal naman ang tatlong buwan. Kaya ko ‘to,” bulong ko, pero sa loob-loob ko, may maliit na boses na sumasagot:O baka naman ayaw mo talagang umalis?
Napadilat ako bigla. Napaawang ang labi ko sa gulat sa sariling tanong. At doon ko lang naramdaman ang bigat sa dibdib ko—hindi lang dahil sa trabaho, kundi dahil sa taong ayaw kong iwan, kahit alam kong kailangan.
Bago pa ako tuluyang lamunin ng iniisip ko, narinig ko si Carla ulit, na nasa harapan ko na pala.
“Oy, girl. Coffee break mamaya, ha? Libre ko.”Napangiti ako kahit sandali. “Sige,” sagot ko, sabay turo sa papel sa mesa. “Pero kailangan ko munang tapusin itong report."
Maaga akong dumating sa opisina kinabukasan. Pagkabukas ko pa lang ng computer ay andun na agad ang inbox ko na punong-puno na naman ng mga emails mula sa mga nag-apply. Nakakatuwa at nakaka-overwhelm din dahil halos lahat may impressive na credentials.“Maganda ‘to. More chances of winning.” bulong ko sa sarili habang isa-isang tinitignan ang resumes.Bandang 9am, dumating na ang unang applicant. Babaeng naka corporate attire, maayos ang postura, at pero halatang kabado. Pinapasok ko siya sa maliit na meeting room at inumpisahan ang interview.“Good morning. Can you tell me a little about yourself?” bungad ko habang nakangiti.Graduate daw siya sa FEU, may 2 years experience bilang admin assistant, at magandang magsalita ng English. Habang nagsasalita siya, napapaisip ako: Okay naman. Presentable, articulate, at parang kaya naman ang trabaho ko.Nang natapos na kami ay agad ko siyang dinala sa opisina ni Sir Alex.Pagpasok namin ay nakasandal ito sa swivel chair, nakataas ang isang k
Umaga pa lang ay inasikaso ko na ang paghahanap ng bagong secretary ni Sir Alex. Nakapagpost na ako sa mga job portals at kahit social medias. Sa totoo lang ay pwede ko namang iasa na lang ito sa HR department pero dahil nangako akong ako ang mismong hahanap sa kapalit ko ay ayokong mapahiya. Kailangan ay masala kong mabuti ang mga applicants. Alam ko naman kasi ang hinahanap ng boss kaya confident ko na magtatagumpay ako sa misyon. Isa pa ay kahit ganoon si Sir Alex ay concern ako sa kanya. Kahit pa lagi itong galit at nakasigaw ay gusto kong makahanap ng karapat dapat na papalit sa posisyon ko at aalagaan ito sa trabaho.Mataas at matibay ang boundary na sinet ng boss, lahat ng trabaho ay pinagkakatiwala sa akin pero ni isang beses ay hindi naging personal ang relasyon namin. Naiintindihan ko na nagkaron na ito ng trauma kaya maingat ito. Ayaw na nitong maulit pa ang nangyari noon sa kumpanya. Wala din namang problema sa akin iyon dahil mas gusto ko nga ang ganitong set up. Maayo
Pagpasok ko ng opisina ay ramdam ko agad ang bigat ng hangin. Tahimik ang paligid, tanging tik-tak ng wall clock at mahina kong yabag ang naririnig. Dumiretso ako sa mesa ng boss ko na nakaupo, nakatingin lang sa laptop screen habang tila may malalim na iniisip.Inilapag ko ang Starbucks coffee sa harap niya, umaasang kahit papaano ay makakuha ako ng plus points.“Good morning, Sir,” mahina kong bati.Hindi siya agad sumagot. Hindi man lang niya pinansin ang kape, pero napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya. Huminga ako nang malalim, pilit kong pinatatag ang boses ko.“Sir… I’m sorry for yesterday. Alam ko po na ayaw niyo na itong pag-usapan pa pero kailangan.”Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin. Ang mga mata niya—matatalim, malamig tulad ng dati.“So you really have the courage to stand here and discuss this… again?” malamig niyang tanong, ngunit mas mababa ang tono, hindi tulad ng galit kahapon.Napilitan akong ngumiti, pilit na nagbiro. “Opo, wala naman po sigurong mas
Nakatitig ako sa monitor ng laptop habang paulit ulit na binabasa ang tinype kong resignation letter. Mula kagabi ay iniisip ko na ang ilalagay sa sulat na iyon. Pagdating ko pa lang sa opisina ay ito na ang inatupag ko pero hindi pa rin ako makuntento.Bakit nga ba parang ang hirap? Para simple lang naman ang kailangan kong sabihin. Kung pwede lang sana isulat na lang: “Dear Boss, sorry. It’s not you, it’s Ate.” Mas madali siguro.“Bahala na si Batman,” bulong ko sa sarili bago tumayo at naglakad na papunta sa opisina ni Sir Alex. Kailangan ko na kasing magpasa ng resignation para maayos ko na lahat ng mga kailangan kong papeles. Araw araw na kasi akong kinukulit ni ate.Pagpasok ko, hindi man lang ito lumingon. Abala ito sa laptop nito at tahimik na nagtatype sa keyboard. Salubong ang mga kilay. “You’re already making me mad by just standing there. Spit it out.”"Hindi pa nga ako nagsasalita, galit ka na agad." bulong ko sa sarili habang papalapit at naupo. Malakas ang tibok ng dibd
Noong nakaraang buwan pa ako kinukulit ng ate ko na nasa Dubai. Plano raw niya akong kunin doon para magtrabaho at alalayan siya dahil malapit na itong manganak.Nung una, sabi ko pa: “Pag-iisipan ko muna.” Akala ko tapos na doon ang usapan. Hindi naman kasi ganoon kadaling iwanan ang trabaho ko dito sa Pilipinas. Pero hindi, dahil bigla siyang tumawag ulit, parang nag-follow up lang ng Shopee order.“Kumusta na, Isa?” masiglang bati nito sa kabilang linya.“Okay naman po, ate. Kayo d’yan, kumusta?” sagot ko, habang tumitingin-tingin sa orasan. 4:59 PM na. Isang minuto na lang, uwian na! At bonus pa dahil wala rin si boss. May “importanteng lakad” daw… baka date, baka golf, baka secret mission. Ewan ko sa kanya!“Okay naman. Nga pala, isend mo na lahat ng requirements para maayos ko na ang visa mo.” sabi ni ate, punong-puno ng energy na parang kakatapos lang magkape.“Ha? Ah eh… ngayon na po ba?” napaubo ako. Hindi pa ako ready! Hindi ba pwedeng time first muna?“Oo naman! At saka, ka