MULING nagmulat ng mga mata si Talia sa loob ng VIP suite ng ospital. Puting kisame ang unang bumungad sa kanya. Kasunod noon ay ang mahinang tunog ng heart monitor at ang pamilyar na mga mukha ng kanyang pamilya."Naku, gising na siya!"Agad na lumapit si Mrs. Santiago habang pinupunasan ang mga luhang hindi niya namalayang tumulo."Anak, kumusta ang pakiramdam mo?"Bahagyang ngumiti si Talia kahit mabigat pa rin ang katawan niya."Okay lang po..."Ngunit alam nilang lahat na hindi iyon totoo, bagaman pinilit pa rin nilang ngumiti.Kasunod niyon ay maingat siyang inalalayan ni Bea upang makaupo nang maayos habang si Mia naman ay mabilis na nag-abot ng tubig.Sa kabilang banda, tahimik lamang na nakaupo si Mr. Santiago ngunit halatang hindi pa rin nawawala ang galit sa kanyang mukha.Ilang sandali pa ay sinubukan ni Mrs. Santiago na pakainin si Talia ng mainit na lugaw."Kahit konti lang, anak. Ang sabi ng doktor, kailangan mong kumain para sa inyo ng baby mo."Masunurin namang sumubo
Read more