Magkaharap sila ngayon sa hapag kasama ang matanda. Tahimik ang hapag at wala sa kanila ang nagsasalita. Tumikhim siya, napatingin sa kanya ang dalawa. "Hindi ba tayo mag-uusap?""Para saan, Iha? About your relationship?""Yeah, about us, what do you think about him?" Humahalakhak ang matanda, tinaasan niya ito ng kilay. "Well, he's fine, mukhang mabait" Tumatango ito habang umiinom ng alak. Tinignan niya si Gavin na walang kibo. Uminom na lang siya ng red wine. "Grandpa, wala ka bang itatanong kay Gavin?"Natigilan ito sa pag inom ng inomin at ngumisi. "I know him and his family, they are wealthy at sa lahat ng angkan nila, siya lang ang nag-iisang politician, hindi katulad natin, and I know their businesses iha" "Kilala ko rin po kayo" Singit ni Gavin sa usapan. "See? He knows me" "Well, I guess. You know my type and he's now my boyfriend, huwag mo na akong ipilit pang maikasal sa iba" Ngisi niya rito na may kasamang kahulugan. Sumabay na lang ang matanda sa kanya. Lumingo
Zuletzt aktualisiert : 2026-02-01 Mehr lesen