“Handa na ang hapunan mo, babe,” sambit ng stepmother niya sa asawa nito bago hinila palayo sa kaniya. “Pumunta ka na sa kusina, babe, susunod ako,” anito pa bago hinimas ang braso nito.Tumango lamang ang Tito Hector niya bago ito nagpatiuna. Abot-tainga ang ngiti ng nanay-nanayan niya nang sandaling iyon, ngunit nang tuluyang mawala ang asawa nito, biglang nabasag ang ngiti nito—napalitan ng inis at iritasyon ang mukha.“Nilálandi mo ba si Hector, Vanessa?!” singhal nito, sabay irap sa kaniya.“Ano po bang sinasabi niyo, tita? H-Hindi ko po ‘yan magagawa. Walang rason para làndiin ko si Ti—si daddy…” Ngumiwi ang nanay-nanayan niya bago ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Daddy? Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha para tawaging daddy ang asawa ko? Hoy, Vanessa, mahiya ka naman sa sarili mo. Hindi ka namin tunay na anak ni Hector kaya kahit kailan, hindi mo siya puwedeng—”“Siya po ang may gusto no’n, tita. Gusto po ni Tito Hector na tawagin ko siyang daddy dahil… dahil anak na n
Last Updated : 2025-10-25 Read more