Share

Kabanata 05: Welcome to the Family

Author: VERZOLAKRAM02
last update Last Updated: 2025-10-16 00:08:17

Pagkabukas ng malaki at matayog na pinto ng mansyon, bumungad sa kanila ang mga nakahilerang kasambahay. Sa gitna nila, nakatayo naman ang isang matandang babae na naiiba ang uniporme sa kanila. Ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanila.

“Maligayang pagdating sa Verde Valle!” bati nito. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito,” sambit pa nito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

“Manang Conchita, I'd like you to meet my new wife, Clarisse. And she's Vanessa, my stepdaughter…” pakilala sa kanila ni Hector sa matanda.

Malapad na ngumiti si Vanessa. “Magandang gabi po sa inyo.”

“Magandang gabi rin, señorita.” Tango nito sa kaniya bago binalingan ang nanay-nanayan niyang kung makalingkis sa asawa akala mo nama'y aagawin ito sa kaniya. “At magandang gabi rin sa ‘yo, señora. Ako si Conchita, ako ang nagsisilbing mayordoma ng mansyong ‘to. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala!” sabi pa nito bago humarap sa mga nakahilerang kasambahay. “Mga anak, kunin ang kanilang mga gamit at ihatid sa kanilang mga silid.”

Nagsitanguan sila bago lumabas ng mansyon upang kunin ang mga gamit nila sa labas. Namangha agad si Vanessa sa kaniyang nasaksihan, ngunit mas namangha siya nang makita ang loob ng mansyon. Wala siyang masabi dahil kahit saan siya lumingon, magaganda ang nakikita niya. Halatang mamahalin pa ang mga painting, vase, at iba-iba pang mga naka-display. At iyong amoy pagpasok niya, amoy karangyaan—amoy na kahit kailan ay hindi niya naamoy sa tanang buhay niya.

“Siya si Señora Clara, ang dating asawa ni Señor Hector. Namatay siya dahil sa sakit na breast cancer. Tatlong taon pa lang silang kasal nang mamatay siya.”

Halos mapatalon si Vanessa sa kinatatayuan nang biglang sumulpot si Manang Conchita sa tabi niya. Kasalukuyan niyang tinitingnan ang malaking larawan ng napakagandang babae nang dumating ang matanda.

“Ang ganda niya po, Manang Conchita,” pag-amin ni Vanessa.

Ngumiti ang matanda bago marahang kinurot ang pisngi niya. “Katulad ka rin niya, Señorita Vanessa, maganda ka rin. Pag-apak na pag-apak mo rito sa mansyon, naramdaman ko agad na isa kang mabait na dalaga at may busilak na puso. Tama ba?”

“Ganoon po ako pinalaki ng mama at papa ko, Manang Conchita,” magalang niyang wika. “Pero ganito po ba talaga rito? Parang ang lalim naman po yata ng señora, señor, at señorita? At bakit po señorita ang tawag niyo sa ‘kin? Eh, okay na po ang Vanessa sa ‘kin.”

“Kung nadatnan mo ang mga magulang ni Señor Hector, maiintindihan mo ako. Pero parte na ng buhay nila ‘yan, na kahit anong mangyari, na kahit sinong tumira rito sa Verde Valle, dapat ganiyan ang tawag. Hindi sir o ma'am. At tinatawag kitang señorita dahil anak ka ni Señor Hector, parte ka ng pamilya—”

“Kahit hindi po ako tunay na anak ni Tita Clarisse? Stepmother ko lang po siya, Manang Conchita,” putol niya sa asawa.

“Walang problema, señorita. Si Señor Hector na mismo ang nagsabi na stepdaughter ka niya, kaya parte ka na rin ng pamilyang ‘to. Gusto pa sana kitang tulungan libutin ang buong mansyon, pero bukas na lang. Halika, ihahatid kita sa magiging silid mo, at matulungan kitang mapaghandaan ang salo-salong magaganap mamaya.”

Napatango na lang si Vanessa sa tinuran ng matanda. Sumama siya rito sa ikalawang palapag. Nang buksan nito ang pinto nang magiging kuwarto niya, halos mahulog ang mga mata niya sa nakita. Napakalaki noon—halos isang buong bahay na. At sa kama, nandoon ang isang puting dress.

“Ang laki po nito, Manang Conchita. Parang kasing laki na po ng bahay ni papa,” manghang-mangha niyang sambit.

“Masanay ka na, Se—”

“Vanessa, ‘yan na lang po ang itawag niyo sa ‘kin.”

Tumango ito. “Masanay ka na, Vanessa. Dito ka titira sa matagal at mahabang panahon,” wika nito bago naglakad palapit sa pintong nasa loob ng silid. “Ihahanda ko lang ang ipapaligo mo para hindi ka na mahirapan.”

Tumango na lang siya rito. Inikot niya pa ang mga mata niya sa magiging silid niya—hindi pa rin siya makapaniwala. OA na kung OA, pero pakiramdam niya'y nasa loob siya ng libro. Sa isang iglap, biglang naging ganito ang buhay niya? Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya o malungkot, pero isa lang ang malinaw sa kaniya ngayon, natupad na ang pangarap niya nang bata pa siya na tumira sa isang palasyo. Hindi lang siya masuwerte sapagkat kasama niya ang kinamumuhian niyang stepmother.

Nang lumabas si Manang Conchita sa banyo, naligo na rin si Vanessa. Hindi nagtagal ay natapos na rin siya—isinuot niya ang puting dress at pinaresan niya iyon ng sandals. Pumasok din sa loob ng silid niya ang dalawang kasambahay, kung saan inayusan siya—m-in-ake-up-an at inayusan ng buhok. Nang tingnan ni Vanessa ang repleksyon sa salamin, halos hindi na niya makilala ang sarili.

“Mas lalo kang gumanda, Vanessa,” sambit ni Manong Conchita habang nakatingin sa repleksyon niya.

“Tama si Manang Conchita. Mas maganda ka pa nga sa bruhang anak ni Señor Hector,” saad ng isang kasambahay na mag-makeup sa kaniya.

Mabilis na napalingon si Vanessa rito. “May anak si Tito Hector?” taka niyang tanong.

“O—”

“Lumabas na nga kayong dalawa!” pagtataboy ng matanda sa dalawa.

Walang nagawa ang mga ito kundi ang sumunod kaya bumaling siya sa matanda.

“Totoo po ba ‘yon, Manang—”

“Naghihintay na ang ama't ina mo sa baba, Vanessa. Halika na…”

Bakit nito iniiwasan ang tanong niya? Oo’t hindi lang naman ang sagot, bakit tila hirap na hirap ito? At bakit bruha ang tawag nila sa anak ni Hector?

Naging palaisipan iyon kay Vanessa habang pababa sila. Nang makarating sila sa dining hall, pawang sila lang ang nandoon—ang stepmother niya, ang asawa nito, at ilang kasambahay na gumagalaw.

Umupo siya sa upuang nasa harap ng stepmother niyang matalim ang tingin sa kaniya. Katulad niya, elegante rin ang suot nito at maayos din ang mukha at buhok. Si Hector naman ay nasa gilid nila—lalo itong gumuwapo sa suot nitong formal attire.

“Before we celebrate, I'd like to give you something…”

Tumayo si Hector dala ang dalawang kahon. Nilapitan nito ang stepmother niya. Binuksan nito ang isang kahon at halos mahulog ang mga mata ni Vanessa nang makitang kumikinang-kinang na kuwintas iyon.

“Para sa ‘kin ba ‘yan, babe?” gulat na tanong ng stepmother niya sa asawa.

“Yes, babe, this one's for you.” At isinuot nga ni Hector ang kuwintas dito.

“Sobrang ganda, babe. Iingatan ko ‘to dahil alam kong sobrang mahal nito,” tuwang-tuwa wika ng nanay-nanayan niya, halos mabuwal na ito sa kinauupuan sa sobrang kasiyahan.

Mahinang natawa si Hector bago umikot sa kaniya. Nang buksan nito sa harap niya ang isa pang kahon, nagulat si Vanessa sa nakita.

“C-Card? Ano po ‘to, Tito Hector?”

“Centurion Card ang tawag diyan, Vanessa. Madalas tawagin na black card. That's for you. You can spend anything you want without worrying about the price.”

Napakurap si Vanessa sa narinig. Nang pasimple niyang tingnan ang nanay-nanayan niya, mas lalong tumalim ang tingin nito sa kaniya. Gayunpaman, nanatili pa rin siyang kalmado at buong pusong tinanggap ang regalo ni Hector sa kaniya.

“Salamat po rito, Tito Hector.”

Tumango ito bago bumalik sa kinauupuan. Sinulyapan silang mag-ina bago malapad na ngumiti. “Welcome to the family,” anito, may lambing sa boses at bahagyang pagtaas ng sulok ng labi.

Napangiti na lamang si Vanessa nang mga oras na iyon. Kita niya ang kasiyahan sa mga mata ni Hector—nagniningning at puno ng saya. Hindi nagtagal, nagsimula na silang magsalo-salo. Masigla ang usapan at tawanan, bagaman batid ni Vanessa na puno iyon ng pagpapanggap sa pagitan nila ng kaniyang nanay-nanayan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 06: First Day at the Verde Valle

    Hindi pa man sumisikat ang haring araw, gising na si Vanessa. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng silid niya—tinatanaw ang napakalawak na lupain sa harap niya. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap, nagbago ang buhay niya. Kailanma'y hindi niya hinangad ang ganitong buhay, pero ito ang ipinagkaloob sa kaniya.Halos hindi na siya nakatulog sa kasiyahan dahil sa naganap kagabi—kung saan binigyan siya ng Tito Hector niya ng black card—na maaari niyang gamitin kung saan at kahit kailan. Namangha siya rito sa angking kabaitan nito sa kaniya kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. Ramdam niya ang kabutihan nito sa kaniya—sa kanila ng démonya niyang nanay-nanayan. Pero hindi maiwasan ni Vanessa ang mapaisip—makakayanan kaya ng Tito Hector niya ang ugali ng stepmother niya?Marahas na lang na napabuntong-hininga si Vanessa nang sandaling iyon. At sakto namang pagsilip ng araw, ay siyang pagdating ni Manang Conchita.“Magandang umaga, Vanessa. Kumusta ang tul

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 05: Welcome to the Family

    Pagkabukas ng malaki at matayog na pinto ng mansyon, bumungad sa kanila ang mga nakahilerang kasambahay. Sa gitna nila, nakatayo naman ang isang matandang babae na naiiba ang uniporme sa kanila. Ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanila.“Maligayang pagdating sa Verde Valle!” bati nito. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito,” sambit pa nito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Manang Conchita, I'd like you to meet my new wife, Clarisse. And she's Vanessa, my stepdaughter…” pakilala sa kanila ni Hector sa matanda.Malapad na ngumiti si Vanessa. “Magandang gabi po sa inyo.”“Magandang gabi rin, señorita.” Tango nito sa kaniya bago binalingan ang nanay-nanayan niyang kung makalingkis sa asawa akala mo nama'y aagawin ito sa kaniya. “At magandang gabi rin sa ‘yo, señora. Ako si Conchita, ako ang nagsisilbing mayordoma ng mansyong ‘to. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala!” sabi pa nito bago humarap sa mga nakahilerang kasambahay. “Mga anak, kunin ang kanilang mga g

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 04: Bagong Asawa, Bagong Ama

    “D-D-Daugther?” naguguluhang usal ni Vanessa sa sinaad ng lalaki.Malapad itong ngumiti sa kaniya bago lumapit. “I am Hector, and I'll be your stepfather,” pakilala nito bago inilahad ang kamay sa harap niya.Mariin siyang napalunok nang sandaling iyon habang nakatitig sa kamay ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin, bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Una, tinawag siya nitong daughter, tapos ngayon, stepfather niya ito? Paano nangyari iyon?Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ni Vanessa nang mga oras na iyon kaya naman inangat niya ang kaniyang mukha rito, kung saan awtomatikong nagtama ang mga mata nila. Malapad pa ring nakangiti ang lalaki—lumantad pa sa kaniya ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Kakaiba rin ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong uri ng tingin iyon, pero sigurado siya—may kakaiba talaga rito.“Did I surprise you?” natatawang tanong ni Hector bago ibinaba ang kamay.“Bakit niyo po ako tinawag na daughter? At… at bakit niyo po sinab

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 03: Hi, My Daughter

    Hindi matukoy ni Vanessa kung saan siya paparoon, mawala lang ang sakit na pinagdaraanan niya. Gusto niyang makalimot, ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang si Lander pa rin ang laman ng kaniyang puso’t isip. Ilang araw na ang nakakalipas nang makita niya itong kasama si Natasha, ilang araw na rin siyang umiiyak, kaya halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Ganito pala kasakit ang lokohin. Si Lander ang kauna-unahan niyang nobyo, ito rin pala ang kauna-unahang magpapawasak sa puso niya.“Pinaglaruan ka lang ng lalaking ‘yon, Vane. Kalimutan mo na nga siya, ‘di naman siya kaguwapuhan,” usal ni Fatima habang nagluluto ito ng umagahan.Dito niya ito pinatulog sa bahay nila dahil sa kalungkutang nararamdaman niya. Natatakot siyang mag-isa, lalo pa't hanggang ngayon ay wala nang paramdam ang nanay-nanayan niya sa kaniya. Ni text o tawag, wala siyang natatanggap dito. “Sa loob ng tatlong buwan, nakita ko ang sinseridad ni Lander sa ‘kin. Mahal niya ‘ko, Fatima. H-Hindi ko lang mawari

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 02: Eskandalosang Nanay-nanayan

    “Punong-puno ng pasa ‘yang mukha mo, Vanessa, anong nangyari?” may pag-aalalang tanong ni Aling Rosa, isa sa mga tindera ng mga gulay sa palengke.Yumuko si Vanessa upang itago ang kaniyang mukha. “W-Wala po, Aling Rosa. O-Okay—”“Palagi na lang ‘yan ang sinasabi mo, eh. Halos araw-araw, may pasa ka. Hindi pa gumagaling, may panibago na naman. Ang nanay-nanayan mo ba ang may dahilan niyan?” Bakas pa rin ang pag-aalala sa tinig ng matanda.Kung puwede niya lang sabihin na ang stepmother niya nga ang may gawa ng mga pasa niya, nasabi na niya. Subalit sa takot dito, mas pinili na lang niyang manahimik. Bunga nang pagmamaltrato nito ang mga bakas sa kaniyang mukha. Kagabi, nakatikim na naman siya rito. Kulang daw ang benta niya, nangupin daw siya. Wala iyong katotohanan—hinding-hindi niya iyon magagawa. Sa huli, pinagbuntunan siya nito ng galit. Namamaga rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak buong magdamag.“H-Hindi po, Aling Rosa. Wala pong kinalaman si tita rito. Nahulog lang po ako s

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 01: Kalupitan sa Buhay ni Vanessa

    Tumutulo ang ilang butil ng luha sa magkabilang mata ni Vanessa habang prenteng nakaupo sa bangko—ang kaniyang mga palad ay nakakuyom dala ng matinding galit. Mula sa silid na hindi kalayuan sa kaniya, umaalingawngaw ang mga ingay na puno ng init, tûkso, at pàgnanasa. Sa lakas, maski pag-uumpugan ng mga katawan nila ay naririnig din niya, at pakiwari niya'y mabubuwal na siya sa kinauupuan niya sa diri at pagkasuklam na nararamdaman niya. “Ohhh, ayan… pagsawaan mo ‘ko, Alfred! Ohhh… ahhh… yeahhhh… ibibigay ko ang lahat ng nais mo, paligayahin mo lang ako ng pera mo…!” Natutop na lang ni Vanessa ang mga labi nang marinig ang sinabi ng kaniyang stepmother na si Clarisse. “Oo, Clarisse! Kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa ‘yo. Nàpakasarap mo—mas màsarap ka pa sa asawa ko!” wika naman ng kàtalik nito, si Alfred. Hindi na alam ni Vanessa ang gagawin nang mga oras na iyon. Itinaklob na lang niya sa kaniyang magkabilang tainga ang mga palad, ng sa gayon ay hindi niya marinig ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status