LOGIN“Handa na ang hapunan mo, babe,” sambit ng stepmother niya sa asawa nito bago hinila palayo sa kaniya. “Pumunta ka na sa kusina, babe, susunod ako,” anito pa bago hinimas ang braso nito.Tumango lamang ang Tito Hector niya bago ito nagpatiuna. Abot-tainga ang ngiti ng nanay-nanayan niya nang sandaling iyon, ngunit nang tuluyang mawala ang asawa nito, biglang nabasag ang ngiti nito—napalitan ng inis at iritasyon ang mukha.“Nilálandi mo ba si Hector, Vanessa?!” singhal nito, sabay irap sa kaniya.“Ano po bang sinasabi niyo, tita? H-Hindi ko po ‘yan magagawa. Walang rason para làndiin ko si Ti—si daddy…” Ngumiwi ang nanay-nanayan niya bago ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Daddy? Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha para tawaging daddy ang asawa ko? Hoy, Vanessa, mahiya ka naman sa sarili mo. Hindi ka namin tunay na anak ni Hector kaya kahit kailan, hindi mo siya puwedeng—”“Siya po ang may gusto no’n, tita. Gusto po ni Tito Hector na tawagin ko siyang daddy dahil… dahil anak na n
Masayang natapos ang unang araw ni Vanessa sa Verde Valle sapagkat iginala siya ni Manang Conchita sa buong hacienda. Naranasan niyang sumakay sa kabayo, maglaro ng golf, magpakain ng mga hayop, mag-ani ng mga tanim, at higit sa lahat, sa unang pagkakataon ay naranasan niyang sumakay sa helicopter kaya mula sa himpapawid, tanaw na tanaw niya ang kagandahan ng naturang hacienda. Ang mga nangyari nang araw na ito ay kailanma'y hindi niya makakalimutan.“Vanessa, anong ginagawa mo riyan?” Nang balingan ni Vanessa ang pinanggagalingan ng tinig, ngumiti siya nang makita si Manang Conchita. Kasalukuyan pala siyang nakaupo sa gilid ng fountain sa harap ng mansyon habang nakatingin sa kalangitang pinagniningning ng bilyong-bilyong mga bituin. “Nagpapahangin lang po, kayo po, anong ginagawa niyo rito? Hindi po ba dapat ay magpahinga na kayo?” Bumuntong-hininga ang matanda bago umupo sa tabi niya. “Maaga pa, Vanessa. At isa pa, wala pa si Señor Hector. Hindi kami maaaring magpahinga hanggat
Hindi pa man sumisikat ang haring araw, gising na si Vanessa. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng silid niya—tinatanaw ang napakalawak na lupain sa harap niya. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap, nagbago ang buhay niya. Kailanma'y hindi niya hinangad ang ganitong buhay, pero ito ang ipinagkaloob sa kaniya.Halos hindi na siya nakatulog sa kasiyahan dahil sa naganap kagabi—kung saan binigyan siya ng Tito Hector niya ng black card—na maaari niyang gamitin kung saan at kahit kailan. Namangha siya rito sa angking kabaitan nito sa kaniya kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. Ramdam niya ang kabutihan nito sa kaniya—sa kanila ng démonya niyang nanay-nanayan. Pero hindi maiwasan ni Vanessa ang mapaisip—makakayanan kaya ng Tito Hector niya ang ugali ng stepmother niya?Marahas na lang na napabuntong-hininga si Vanessa nang sandaling iyon. At sakto namang pagsilip ng araw, ay siyang pagdating ni Manang Conchita.“Magandang umaga, Vanessa. Kumusta ang tul
Pagkabukas ng malaki at matayog na pinto ng mansyon, bumungad sa kanila ang mga nakahilerang kasambahay. Sa gitna nila, nakatayo naman ang isang matandang babae na naiiba ang uniporme sa kanila. Ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanila.“Maligayang pagdating sa Verde Valle!” bati nito. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito,” sambit pa nito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Manang Conchita, I'd like you to meet my new wife, Clarisse. And she's Vanessa, my stepdaughter…” pakilala sa kanila ni Hector sa matanda.Malapad na ngumiti si Vanessa. “Magandang gabi po sa inyo.”“Magandang gabi rin, señorita.” Tango nito sa kaniya bago binalingan ang nanay-nanayan niyang kung makalingkis sa asawa akala mo nama'y aagawin ito sa kaniya. “At magandang gabi rin sa ‘yo, señora. Ako si Conchita, ako ang nagsisilbing mayordoma ng mansyong ‘to. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala!” sabi pa nito bago humarap sa mga nakahilerang kasambahay. “Mga anak, kunin ang kanilang mga g
“D-D-Daugther?” naguguluhang usal ni Vanessa sa sinaad ng lalaki.Malapad itong ngumiti sa kaniya bago lumapit. “I am Hector, and I'll be your stepfather,” pakilala nito bago inilahad ang kamay sa harap niya.Mariin siyang napalunok nang sandaling iyon habang nakatitig sa kamay ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin, bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Una, tinawag siya nitong daughter, tapos ngayon, stepfather niya ito? Paano nangyari iyon?Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ni Vanessa nang mga oras na iyon kaya naman inangat niya ang kaniyang mukha rito, kung saan awtomatikong nagtama ang mga mata nila. Malapad pa ring nakangiti ang lalaki—lumantad pa sa kaniya ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Kakaiba rin ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong uri ng tingin iyon, pero sigurado siya—may kakaiba talaga rito.“Did I surprise you?” natatawang tanong ni Hector bago ibinaba ang kamay.“Bakit niyo po ako tinawag na daughter? At… at bakit niyo po sinab
Hindi matukoy ni Vanessa kung saan siya paparoon, mawala lang ang sakit na pinagdaraanan niya. Gusto niyang makalimot, ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang si Lander pa rin ang laman ng kaniyang puso’t isip. Ilang araw na ang nakakalipas nang makita niya itong kasama si Natasha, ilang araw na rin siyang umiiyak, kaya halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Ganito pala kasakit ang lokohin. Si Lander ang kauna-unahan niyang nobyo, ito rin pala ang kauna-unahang magpapawasak sa puso niya.“Pinaglaruan ka lang ng lalaking ‘yon, Vane. Kalimutan mo na nga siya, ‘di naman siya kaguwapuhan,” usal ni Fatima habang nagluluto ito ng umagahan.Dito niya ito pinatulog sa bahay nila dahil sa kalungkutang nararamdaman niya. Natatakot siyang mag-isa, lalo pa't hanggang ngayon ay wala nang paramdam ang nanay-nanayan niya sa kaniya. Ni text o tawag, wala siyang natatanggap dito. “Sa loob ng tatlong buwan, nakita ko ang sinseridad ni Lander sa ‘kin. Mahal niya ‘ko, Fatima. H-Hindi ko lang mawari


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




