Share

Kabanata 07: Call Me Daddy

Author: VERZOLAKRAM02
last update Last Updated: 2025-10-24 07:38:53

Masayang natapos ang unang araw ni Vanessa sa Verde Valle sapagkat iginala siya ni Manang Conchita sa buong hacienda. Naranasan niyang sumakay sa kabayo, maglaro ng golf, magpakain ng mga hayop, mag-ani ng mga tanim, at higit sa lahat, sa unang pagkakataon ay naranasan niyang sumakay sa helicopter kaya mula sa himpapawid, tanaw na tanaw niya ang kagandahan ng naturang hacienda. Ang mga nangyari nang araw na ito ay kailanma'y hindi niya makakalimutan.

“Vanessa, anong ginagawa mo riyan?”

Nang balingan ni Vanessa ang pinanggagalingan ng tinig, ngumiti siya nang makita si Manang Conchita. Kasalukuyan pala siyang nakaupo sa gilid ng fountain sa harap ng mansyon habang nakatingin sa kalangitang pinagniningning ng bilyong-bilyong mga bituin.

“Nagpapahangin lang po, kayo po, anong ginagawa niyo rito? Hindi po ba dapat ay magpahinga na kayo?”

Bumuntong-hininga ang matanda bago umupo sa tabi niya. “Maaga pa, Vanessa. At isa pa, wala pa si Señor Hector. Hindi kami maaaring magpahinga hanggat wala pa siya,” tugon nito bago sinapo ang likod niya. “May iniisip ka ba, Vanessa? Kita ko sa mga mata mo ang kalungkutan. Magsabi ka sa ‘kin, baka makatulong ako.”

Binasa ni Vanessa ang mga labi gamit ang dila bago humarap sa matanda. “Bago po kasi ako dalhin ni Tito Hector dito, may… may nangyari po sa ‘kin. ‘Yong boyfriend ko po kasi, niloko ako.”

“Napakaganda mong bata para lokohin ka, Vanessa. Hay naku, huwag mo nang isipin ang lalaking ‘yon. Huwag mong hayaan ang sarili mo na lamunin ng kalungkutan dahil sa nangyari, kasi sa huli, mas may karapat-dapat para sa ‘yo. At ‘yong taong ‘yon ang magbibigay sa ‘yo ng pambihirang kasiyahan. Malay mo, malapit na siyang dumating,” malapad ang ngiting saad nito bago nanunuksong sinundot ang tagiliran niya.

Natawa na lang siya sa inakto ng matanda nang mga oras na iyon. Kahit paano, naging panatag ang loob niya, lalo na ang puso niya sa sinaad ni Manang Conchita.

“Kung sino man po ‘yon, nawa'y siya na lang ang makasama ko habang-buhay…”

“Isasama kita sa panalangin ko, Vanessa. Basta ha, huwag mo nang isipin ang lalaking ‘yon.”

Ngumiti si Vanessa bago wala sa sariling tumango. Nagpatuloy pa sila sa pagkukuwentuhan nang biglang dumating ang isang binata. Guwapo ito, tila kaedaran lang din niya.

“Stefano, anong ginagawa mo rito? Gabi na, ah.”

Stefano… kay gandang pangalan…

Ngumiti ang binata sabay kamot ng batok. “Pasensya na po, Manang Conchita, gusto ko lang sana ibalik itong porselas ni—”

“Vanessa ang pangalan niya, Stefano…” putol ng matanda rito.

Napatingin si Vanessa sa kanan niyang pulso at napatayo siya nang hindi makita roon ang bracelet na regalo sa kaniya ng ama niya. Nang siyasatin niya ang nasa kamay ni Stefano, gumaan ang loob niya nang mapagtantong iyon ang porselas niya.

“Saan mo ‘yan nakita? Hindi ko pa malalaman na nawawala ‘yan kung hindi dahil sa ‘yo. Salamat, ah, Stefano.”

“Sa kuwadra ng mga kabayo. Wala ‘yon, Señora Vanessa.” At kinuha nito ang kanan niyang kamay bago isinuot doon ang bracelet niya.

“Anong Señora Vanessa? Maghunos-dili ka nga, Stefano. Señorita Vanessa, ‘yan ang tama.”

“Ibig-sabihin, hindi po siya asawa ni Señor Hector?” Pagak na natawa ang binata. “Buong akala ko, asawa po siya ni Señor Hector, h-hindi pala…”

“Masyadong bata si Vanessa para ipares sa amo natin, Stefano. Ika'y umuwi na, gabi na, baka hinahanap ka na ng pamilya mo,” masuyong pagtataboy ni Manang Conchita sa binata.

Tumango naman ito bago sumulyap sa kaniya. Nakataas ang sulok ng labi nito nang sandaling iyon habang nagniningning ang mga mata sa kaniya. Yumuko pa ito bago nagpatiuna.

“Pogi niya, ‘di ba?” untag ni Manang Conchita na ikinaharap ni Vanessa rito.

“Mas pogi pa po siya kay Lander. Nga po pala, anong trabaho niya po rito sa Verde Valle?”

“Si Stefano ay isang hardinero, Vanessa. Siya ang nag-aalaga nang napalawak na hardin dito sa ating kinatatayuan. Interesado ka ba sa kaniya?” Sabay ngisi nito na tila tinutukso siya.

Mabilis na umiling si Vanessa. “Hindi po, ah. Ayoko po munang magmahal, mas gusto ko pong mag-aral na lang muna.”

May pagmamalaking ngumiti ang matanda. “Hindi nagkamali si Señor Hector na isinama ka niya rito, Vanessa. At nasabi mo ang pangalan na Lander, ‘yan ba ang lalaking nagtaksil sa ‘yo?”

“Siyang tunay, Manang Conchita. B-Bakit po?”

Kumunot ang noo nito. “Para kasing narinig ko na ‘yang pangalan na ‘yan habang kausap ni Señor Hector ang unica hija niya. Pero baka namamaliktainga lang ako.”

Naningkit ang mga mata ni Vanessa sa sinaad ng matanda. Gusto pa niya sanang usisain ang tinutukoy nito pero biglang sumulpot ang Tito Hector niya. Kinuha ni Manang Conchita ang bag nito bago nagpaalam upang ipaghanda ang pagkain nito.

“What are you doing here, Vanessa?” nakapamulsang tanong ng Tito Hector niya habang naglalakad ito palapit sa kaniya.

“Nagmumuni-muni lang po, Tito Hector.”

“That's good to know, Vanessa,” tatango-tangong turan nito bago ngumiti kaya muli na naman niyang nakita ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. “Vanessa, you don't need to call me Tito Hector. Hindi naman sa ayaw ko, gusto ko lang na… na mas higit pa roon. I already welcomed you here last night, no need to be shy. Call me daddy, I'd love that,” sambit pa nito.

“S-Sigurado po kayo? Parang nakakahiya naman po kung tatawagin ko kayo niyan, eh hindi niyo naman po ako tunay na—”

“It doesn't matter, Vanessa. Parte ka na rin ng pamilyang ‘to. And you're my daughter, right? Dahil alam mo, Vanessa, hindi ang koneksyon natin ang magdudugtong sa ‘ting dalawa. We may not be blood-related. I may not be your real father, and you may not be my real daughter, pero mahal kita… mahal kita bilang anak kaya umaasa ako na ituturing mo na ako na parang sarili mong ama,” malumanay nitong saad na ikinaubos ng salita sa lalamunan ni Vanessa.

Sabagay, may punto naman ito. Ano pang saysay nang pagtira niya rito kung hindi niya ito ituturing na sariling ama kahit ang totoo, ang namayapa niyang ama ang kaisa-isang ama sa buhay niya. Gayunpaman, ngumiti pa rin si Vanessa.

“S-Sige po, d-daddy…” nauutal niyang wika.

“Thank you, my daughter.” At niyakap siya nito nang mahigpit. Nang humiwalay ito, abot-tainga na ang ngiti nito. “Gusto mo bang makita at makilala ang stepsister mo?”

“Talaga po? Opo, Ti—daddy, gustong-gusto ko na po siyang makita at makilala.”

“Alright, ipapasundo ko siya sa Linggo para maka-bond mo naman siya. For now, halika na sa loob. Malamok na rito sa labas, baka kung ano ang mangyari ‘yo,” may pag-aalalang wika nito bago hinawakan ang kamay niya.

Hindi na niya nagawang bawiin ang kamay niya. Hinayaan na lang niyang hawakan siya ng ama niya bago siya nito hinila papasok sa loob. Saktong pagkapasok nila sa loob ng mansyon, bumungad ang nanay-nanayan niya. Pagkatingin pa lang ni Vanessa rito, natakot agad siya dahil halos magsalubong ang mga kilay nito, na parang anumang oras ay susugurin na siya nito habang may tangan na bolo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 08: Ako Ang Reyna

    “Handa na ang hapunan mo, babe,” sambit ng stepmother niya sa asawa nito bago hinila palayo sa kaniya. “Pumunta ka na sa kusina, babe, susunod ako,” anito pa bago hinimas ang braso nito.Tumango lamang ang Tito Hector niya bago ito nagpatiuna. Abot-tainga ang ngiti ng nanay-nanayan niya nang sandaling iyon, ngunit nang tuluyang mawala ang asawa nito, biglang nabasag ang ngiti nito—napalitan ng inis at iritasyon ang mukha.“Nilálandi mo ba si Hector, Vanessa?!” singhal nito, sabay irap sa kaniya.“Ano po bang sinasabi niyo, tita? H-Hindi ko po ‘yan magagawa. Walang rason para làndiin ko si Ti—si daddy…” Ngumiwi ang nanay-nanayan niya bago ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Daddy? Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha para tawaging daddy ang asawa ko? Hoy, Vanessa, mahiya ka naman sa sarili mo. Hindi ka namin tunay na anak ni Hector kaya kahit kailan, hindi mo siya puwedeng—”“Siya po ang may gusto no’n, tita. Gusto po ni Tito Hector na tawagin ko siyang daddy dahil… dahil anak na n

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 07: Call Me Daddy

    Masayang natapos ang unang araw ni Vanessa sa Verde Valle sapagkat iginala siya ni Manang Conchita sa buong hacienda. Naranasan niyang sumakay sa kabayo, maglaro ng golf, magpakain ng mga hayop, mag-ani ng mga tanim, at higit sa lahat, sa unang pagkakataon ay naranasan niyang sumakay sa helicopter kaya mula sa himpapawid, tanaw na tanaw niya ang kagandahan ng naturang hacienda. Ang mga nangyari nang araw na ito ay kailanma'y hindi niya makakalimutan.“Vanessa, anong ginagawa mo riyan?” Nang balingan ni Vanessa ang pinanggagalingan ng tinig, ngumiti siya nang makita si Manang Conchita. Kasalukuyan pala siyang nakaupo sa gilid ng fountain sa harap ng mansyon habang nakatingin sa kalangitang pinagniningning ng bilyong-bilyong mga bituin. “Nagpapahangin lang po, kayo po, anong ginagawa niyo rito? Hindi po ba dapat ay magpahinga na kayo?” Bumuntong-hininga ang matanda bago umupo sa tabi niya. “Maaga pa, Vanessa. At isa pa, wala pa si Señor Hector. Hindi kami maaaring magpahinga hanggat

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 06: First Day at the Verde Valle

    Hindi pa man sumisikat ang haring araw, gising na si Vanessa. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng silid niya—tinatanaw ang napakalawak na lupain sa harap niya. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap, nagbago ang buhay niya. Kailanma'y hindi niya hinangad ang ganitong buhay, pero ito ang ipinagkaloob sa kaniya.Halos hindi na siya nakatulog sa kasiyahan dahil sa naganap kagabi—kung saan binigyan siya ng Tito Hector niya ng black card—na maaari niyang gamitin kung saan at kahit kailan. Namangha siya rito sa angking kabaitan nito sa kaniya kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. Ramdam niya ang kabutihan nito sa kaniya—sa kanila ng démonya niyang nanay-nanayan. Pero hindi maiwasan ni Vanessa ang mapaisip—makakayanan kaya ng Tito Hector niya ang ugali ng stepmother niya?Marahas na lang na napabuntong-hininga si Vanessa nang sandaling iyon. At sakto namang pagsilip ng araw, ay siyang pagdating ni Manang Conchita.“Magandang umaga, Vanessa. Kumusta ang tul

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 05: Welcome to the Family

    Pagkabukas ng malaki at matayog na pinto ng mansyon, bumungad sa kanila ang mga nakahilerang kasambahay. Sa gitna nila, nakatayo naman ang isang matandang babae na naiiba ang uniporme sa kanila. Ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanila.“Maligayang pagdating sa Verde Valle!” bati nito. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito,” sambit pa nito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Manang Conchita, I'd like you to meet my new wife, Clarisse. And she's Vanessa, my stepdaughter…” pakilala sa kanila ni Hector sa matanda.Malapad na ngumiti si Vanessa. “Magandang gabi po sa inyo.”“Magandang gabi rin, señorita.” Tango nito sa kaniya bago binalingan ang nanay-nanayan niyang kung makalingkis sa asawa akala mo nama'y aagawin ito sa kaniya. “At magandang gabi rin sa ‘yo, señora. Ako si Conchita, ako ang nagsisilbing mayordoma ng mansyong ‘to. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala!” sabi pa nito bago humarap sa mga nakahilerang kasambahay. “Mga anak, kunin ang kanilang mga g

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 04: Bagong Asawa, Bagong Ama

    “D-D-Daugther?” naguguluhang usal ni Vanessa sa sinaad ng lalaki.Malapad itong ngumiti sa kaniya bago lumapit. “I am Hector, and I'll be your stepfather,” pakilala nito bago inilahad ang kamay sa harap niya.Mariin siyang napalunok nang sandaling iyon habang nakatitig sa kamay ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin, bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Una, tinawag siya nitong daughter, tapos ngayon, stepfather niya ito? Paano nangyari iyon?Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ni Vanessa nang mga oras na iyon kaya naman inangat niya ang kaniyang mukha rito, kung saan awtomatikong nagtama ang mga mata nila. Malapad pa ring nakangiti ang lalaki—lumantad pa sa kaniya ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Kakaiba rin ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong uri ng tingin iyon, pero sigurado siya—may kakaiba talaga rito.“Did I surprise you?” natatawang tanong ni Hector bago ibinaba ang kamay.“Bakit niyo po ako tinawag na daughter? At… at bakit niyo po sinab

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 03: Hi, My Daughter

    Hindi matukoy ni Vanessa kung saan siya paparoon, mawala lang ang sakit na pinagdaraanan niya. Gusto niyang makalimot, ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang si Lander pa rin ang laman ng kaniyang puso’t isip. Ilang araw na ang nakakalipas nang makita niya itong kasama si Natasha, ilang araw na rin siyang umiiyak, kaya halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Ganito pala kasakit ang lokohin. Si Lander ang kauna-unahan niyang nobyo, ito rin pala ang kauna-unahang magpapawasak sa puso niya.“Pinaglaruan ka lang ng lalaking ‘yon, Vane. Kalimutan mo na nga siya, ‘di naman siya kaguwapuhan,” usal ni Fatima habang nagluluto ito ng umagahan.Dito niya ito pinatulog sa bahay nila dahil sa kalungkutang nararamdaman niya. Natatakot siyang mag-isa, lalo pa't hanggang ngayon ay wala nang paramdam ang nanay-nanayan niya sa kaniya. Ni text o tawag, wala siyang natatanggap dito. “Sa loob ng tatlong buwan, nakita ko ang sinseridad ni Lander sa ‘kin. Mahal niya ‘ko, Fatima. H-Hindi ko lang mawari

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status