Home / Romance / My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG) / Kabanata 06: First Day at the Verde Valle

Share

Kabanata 06: First Day at the Verde Valle

Author: VERZOLAKRAM02
last update Last Updated: 2025-10-23 16:07:17

Hindi pa man sumisikat ang haring araw, gising na si Vanessa. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng silid niya—tinatanaw ang napakalawak na lupain sa harap niya.

Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap, nagbago ang buhay niya. Kailanma'y hindi niya hinangad ang ganitong buhay, pero ito ang ipinagkaloob sa kaniya.

Halos hindi na siya nakatulog sa kasiyahan dahil sa naganap kagabi—kung saan binigyan siya ng Tito Hector niya ng black card—na maaari niyang gamitin kung saan at kahit kailan. Namangha siya rito sa angking kabaitan nito sa kaniya kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. Ramdam niya ang kabutihan nito sa kaniya—sa kanila ng démonya niyang nanay-nanayan. Pero hindi maiwasan ni Vanessa ang mapaisip—makakayanan kaya ng Tito Hector niya ang ugali ng stepmother niya?

Marahas na lang na napabuntong-hininga si Vanessa nang sandaling iyon. At sakto namang pagsilip ng araw, ay siyang pagdating ni Manang Conchita.

“Magandang umaga, Vanessa. Kumusta ang tulog mo rito sa silid mo? Komportable ka naman ba?”

Malapad na ngumiti si Vanessa. “Ayos naman po, Manang Conchita, kahit ang totoo ay medyo hindi po ako nakatulog nang maayos kasi sobrang saya ko po. Ang bait po ni Tito Hector, ‘no?”

“Naunawaan kita, Vanessa. Natutuwa rin ako at masaya kang nandito ka. At oo, napakabait talaga ni Señor Hector hindi lang sa ‘tin, pati na rin sa lahat ng mga kilala at nakakakilala sa kaniya,” masayang lintaya sa kaniya ng matanda bago nito bahagyang inayos ang buhok niya. “Handa na ang umagahan, halika na't bumaba ka na, naghihintay na sa ‘yo ang mga magulang mo,” anito kapagkuwan.

Nakangiting tumango si Vanessa kaya naman nagpatianod na sila ni Manang Conchita pababa sa unang palapag. At nang makarating sa kusina, nandoon na nga ang nanay-nanayan niya at ang Tito Hector niya na abala sa pagbabasa ng dyaryo.

“Good morning, Vanessa, how's your sleep?” salubong agad ng Tito Hector niya sa kaniya.

Malapad siyang ngumiti bago umupo sa bakanteng upuan sa gilid nito. “Ayos lang naman po, Tito Hector.”

“Good to know that. Let's have breakfast then.” Sabay tiklop nito ng hawak.

Tumango si Vanessa. Nagsimula na sila sa pagkain ng umagahan at habang abala, pasimple niyang sinulyapan ang stepmother niya na pasimple ring nakatingin sa kaniya pero matalim ang mga mata nito. Sa klase ng tingin nito, parang gusto siya nitong durugin.

Sana alam ng Tito Hector niya na ganito ang ugali nito—na nagkamali ito ng babaeng pinakasalan.

“Huminto ka sa pag-aaral, right, Vanessa?” mayamaya pa'y tanong ng Tito Hector niya sa kaniya nang matapos silang mag-umagahan.

“Opo, Ti—”

“Hikahos na kasi kami sa buhay kaya napilitang huminto si Vanessa. Hindi ko na rin kasi kayang pag-aralin pa siya simula nang mamatay ang ama niya,” biglang singit ng nanay-nanayan niya.

Sinungaling! Kahit ang totoo ay pinahinto siya nito upang magtinda ng mga gulay sa palengke.

Wala sa sariling napangiti si Vanessa nang mga oras na iyon. “T-Tama po si tita,” sang-ayon naman niya.

“Well, gusto mo bang mag-aral? Pag-aaralin kita…”

Agad namilog ang mga mata ni Vanessa sa tinuran ng Tito Hector niya. “T-Talaga po?” hindi makapaniwala niyang usal.

“Oo naman. Dahil alam kong may pangarap ka, at hayaan mo akong tulungan kang tuparin mo ‘yon.”

Mabilis na naging emosyonal si Vanessa nang sandaling iyon. Namalayan na lang niyang tumayo ang kaniyang sarili, lumapit sa Tito Hector niya, at walang pag-aalinlangan itong niyakap nang mahigpit.

“Salamat po, Tito Hector…” nanunubig ang mga mata niyang saad nang humiwalay siya rito.

Ngumiti ito bago inipit sa kaniyang tainga ang ilang hibla ng buhok niya. “Don't mention it, Vanessa. As your stepfather, I want to make and see you happy all the time. I will do everything for you…” malambing nitong wika bago sinapo ang pisngi niya.

Muli na naman itong niyakap ni Vanessa. Emosyonal siya, pinipigilan lang niya ang luha niya. Pagkatapos ng tagpong iyon, bumalik na siya sa upuan niya. Nagpaalam naman ang Tito Hector niya sa kanila dahil papasok na ito sa trabaho nito. Hinalikan muna nito sa ulo ang stepmother niya bago ito lumisan sakay ng helicopter patungo sa Maynila kung nasaan ang kumpanyang pinapamahalaan nito.

“Paborito ka na ni Hector, dinaig mo pa ako na asawa niya!” masungit na lintaya ng nanay-nanayan niya habang magkakrus ang mga braso sa dibdib.

Ganoon pa rin ang tingin nito sa kaniya—matalim pa rin.

“Ano pong sinasabi niyo, ti—”

“Tánga ka ba, Vanessa? Binigyan ka ni Hector ng black card, ako, wala! Tapos ngayon, pag-aaralin ka pa niya? Sobrang kapal naman talaga ng mukha mong babae ka! Chïnvpa mo ba siya kagabi habang tulog ako?”

Natulala si Vanessa sa narinig, pagdakay napatayo. “Hindi ko gagawin ‘yan, Tita Clarisse! Hindi po ako pinalaki nina papa at mama para—”

“Lahat ng tao ay nagbabago, Vanessa!” Tumayo ito, nanlilisik ang tingin sa kaniya. “Sa oras na malaman ko na inaakit mo si Hector para agawin siya sa ‘kin, ako ang makakalaban mo. Pasalamat ka at pumayag ako na isama ka niya rito kahit hindi kita anak. At kahit kailan, hindi kita ituturing na tunay na anak, háliparot ka!” mariin nitong asik bago lumisan ng kusina.

Napailing na lang si Vanessa. Bakit ganoon mag-isip ang babaeng iyon? Lahat na lang ng bagay, kinagagalitan! Nakakainis man, pero wala siyang ibang nagawa kundi hayaan ito. Nirerespeto niya pa ito ngayon, pero hindi niya alam kung magtatagal ba iyon sa mga ugaling ipinapakita nito sa kaniya.

“Masamang damo pala ang babaeng ‘yon, Vanessa. Ramdam ko na kagabi na gano’n siya. Ayaw kitang masaktan ha, Vanessa, pero sa daming babae, bakit siya pa?” usal ni Manang Conchita habang iginagaya siya nito palabas ng mansyon.

“Mabait si Tito Hector, Manang Conchita. Kabaliktaran ng ugali niya si Tita Clarisse. Kaya ngayon pa lang po, humihingi na ako ng pasensya kung pakitaan niya po kayo ng masamang ugali niya,” tugon ni Vanessa sa matanda.

Bumuntong-hininga ito. “Bilang respeto na rin kay Señor Hector, rerespetuhin ko—namin ang nanay-nanayan mo.”

Napatango si Vanessa. “Salamat po. Nga pala po, may tanong po ako. M-May anak po ba si Tito Hector?” Kunot-noo niya.

“Meron, Vanessa. Nasa Maynila siya, nag-aaral. Alam kong natanong mo ‘yan kasi ni isang larawan, wala siya rito. May bahay kasi siya sa Maynila, iniregalo ng ama niya.”

“Pero bumibisita po ba siya rito?”

“Oo, pero madalang lang.”

Napatango si Vanessa. Kung gayon, may stepsister pala siya. Sana ay makilala niya ito—at nawa'y mabait ito, katulad ng ama nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 06: First Day at the Verde Valle

    Hindi pa man sumisikat ang haring araw, gising na si Vanessa. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng silid niya—tinatanaw ang napakalawak na lupain sa harap niya. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap, nagbago ang buhay niya. Kailanma'y hindi niya hinangad ang ganitong buhay, pero ito ang ipinagkaloob sa kaniya.Halos hindi na siya nakatulog sa kasiyahan dahil sa naganap kagabi—kung saan binigyan siya ng Tito Hector niya ng black card—na maaari niyang gamitin kung saan at kahit kailan. Namangha siya rito sa angking kabaitan nito sa kaniya kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. Ramdam niya ang kabutihan nito sa kaniya—sa kanila ng démonya niyang nanay-nanayan. Pero hindi maiwasan ni Vanessa ang mapaisip—makakayanan kaya ng Tito Hector niya ang ugali ng stepmother niya?Marahas na lang na napabuntong-hininga si Vanessa nang sandaling iyon. At sakto namang pagsilip ng araw, ay siyang pagdating ni Manang Conchita.“Magandang umaga, Vanessa. Kumusta ang tul

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 05: Welcome to the Family

    Pagkabukas ng malaki at matayog na pinto ng mansyon, bumungad sa kanila ang mga nakahilerang kasambahay. Sa gitna nila, nakatayo naman ang isang matandang babae na naiiba ang uniporme sa kanila. Ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanila.“Maligayang pagdating sa Verde Valle!” bati nito. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito,” sambit pa nito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Manang Conchita, I'd like you to meet my new wife, Clarisse. And she's Vanessa, my stepdaughter…” pakilala sa kanila ni Hector sa matanda.Malapad na ngumiti si Vanessa. “Magandang gabi po sa inyo.”“Magandang gabi rin, señorita.” Tango nito sa kaniya bago binalingan ang nanay-nanayan niyang kung makalingkis sa asawa akala mo nama'y aagawin ito sa kaniya. “At magandang gabi rin sa ‘yo, señora. Ako si Conchita, ako ang nagsisilbing mayordoma ng mansyong ‘to. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala!” sabi pa nito bago humarap sa mga nakahilerang kasambahay. “Mga anak, kunin ang kanilang mga g

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 04: Bagong Asawa, Bagong Ama

    “D-D-Daugther?” naguguluhang usal ni Vanessa sa sinaad ng lalaki.Malapad itong ngumiti sa kaniya bago lumapit. “I am Hector, and I'll be your stepfather,” pakilala nito bago inilahad ang kamay sa harap niya.Mariin siyang napalunok nang sandaling iyon habang nakatitig sa kamay ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin, bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Una, tinawag siya nitong daughter, tapos ngayon, stepfather niya ito? Paano nangyari iyon?Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ni Vanessa nang mga oras na iyon kaya naman inangat niya ang kaniyang mukha rito, kung saan awtomatikong nagtama ang mga mata nila. Malapad pa ring nakangiti ang lalaki—lumantad pa sa kaniya ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Kakaiba rin ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong uri ng tingin iyon, pero sigurado siya—may kakaiba talaga rito.“Did I surprise you?” natatawang tanong ni Hector bago ibinaba ang kamay.“Bakit niyo po ako tinawag na daughter? At… at bakit niyo po sinab

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 03: Hi, My Daughter

    Hindi matukoy ni Vanessa kung saan siya paparoon, mawala lang ang sakit na pinagdaraanan niya. Gusto niyang makalimot, ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang si Lander pa rin ang laman ng kaniyang puso’t isip. Ilang araw na ang nakakalipas nang makita niya itong kasama si Natasha, ilang araw na rin siyang umiiyak, kaya halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Ganito pala kasakit ang lokohin. Si Lander ang kauna-unahan niyang nobyo, ito rin pala ang kauna-unahang magpapawasak sa puso niya.“Pinaglaruan ka lang ng lalaking ‘yon, Vane. Kalimutan mo na nga siya, ‘di naman siya kaguwapuhan,” usal ni Fatima habang nagluluto ito ng umagahan.Dito niya ito pinatulog sa bahay nila dahil sa kalungkutang nararamdaman niya. Natatakot siyang mag-isa, lalo pa't hanggang ngayon ay wala nang paramdam ang nanay-nanayan niya sa kaniya. Ni text o tawag, wala siyang natatanggap dito. “Sa loob ng tatlong buwan, nakita ko ang sinseridad ni Lander sa ‘kin. Mahal niya ‘ko, Fatima. H-Hindi ko lang mawari

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 02: Eskandalosang Nanay-nanayan

    “Punong-puno ng pasa ‘yang mukha mo, Vanessa, anong nangyari?” may pag-aalalang tanong ni Aling Rosa, isa sa mga tindera ng mga gulay sa palengke.Yumuko si Vanessa upang itago ang kaniyang mukha. “W-Wala po, Aling Rosa. O-Okay—”“Palagi na lang ‘yan ang sinasabi mo, eh. Halos araw-araw, may pasa ka. Hindi pa gumagaling, may panibago na naman. Ang nanay-nanayan mo ba ang may dahilan niyan?” Bakas pa rin ang pag-aalala sa tinig ng matanda.Kung puwede niya lang sabihin na ang stepmother niya nga ang may gawa ng mga pasa niya, nasabi na niya. Subalit sa takot dito, mas pinili na lang niyang manahimik. Bunga nang pagmamaltrato nito ang mga bakas sa kaniyang mukha. Kagabi, nakatikim na naman siya rito. Kulang daw ang benta niya, nangupin daw siya. Wala iyong katotohanan—hinding-hindi niya iyon magagawa. Sa huli, pinagbuntunan siya nito ng galit. Namamaga rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak buong magdamag.“H-Hindi po, Aling Rosa. Wala pong kinalaman si tita rito. Nahulog lang po ako s

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 01: Kalupitan sa Buhay ni Vanessa

    Tumutulo ang ilang butil ng luha sa magkabilang mata ni Vanessa habang prenteng nakaupo sa bangko—ang kaniyang mga palad ay nakakuyom dala ng matinding galit. Mula sa silid na hindi kalayuan sa kaniya, umaalingawngaw ang mga ingay na puno ng init, tûkso, at pàgnanasa. Sa lakas, maski pag-uumpugan ng mga katawan nila ay naririnig din niya, at pakiwari niya'y mabubuwal na siya sa kinauupuan niya sa diri at pagkasuklam na nararamdaman niya. “Ohhh, ayan… pagsawaan mo ‘ko, Alfred! Ohhh… ahhh… yeahhhh… ibibigay ko ang lahat ng nais mo, paligayahin mo lang ako ng pera mo…!” Natutop na lang ni Vanessa ang mga labi nang marinig ang sinabi ng kaniyang stepmother na si Clarisse. “Oo, Clarisse! Kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa ‘yo. Nàpakasarap mo—mas màsarap ka pa sa asawa ko!” wika naman ng kàtalik nito, si Alfred. Hindi na alam ni Vanessa ang gagawin nang mga oras na iyon. Itinaklob na lang niya sa kaniyang magkabilang tainga ang mga palad, ng sa gayon ay hindi niya marinig ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status