Home / Romance / My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG) / Kabanata 02: Eskandalosang Nanay-nanayan

Share

Kabanata 02: Eskandalosang Nanay-nanayan

Author: VERZOLAKRAM02
last update Last Updated: 2025-10-15 13:44:12

“Punong-puno ng pasa ‘yang mukha mo, Vanessa, anong nangyari?” may pag-aalalang tanong ni Aling Rosa, isa sa mga tindera ng mga gulay sa palengke.

Yumuko si Vanessa upang itago ang kaniyang mukha. “W-Wala po, Aling Rosa. O-Okay—”

“Palagi na lang ‘yan ang sinasabi mo, eh. Halos araw-araw, may pasa ka. Hindi pa gumagaling, may panibago na naman. Ang nanay-nanayan mo ba ang may dahilan niyan?” Bakas pa rin ang pag-aalala sa tinig ng matanda.

Kung puwede niya lang sabihin na ang stepmother niya nga ang may gawa ng mga pasa niya, nasabi na niya. Subalit sa takot dito, mas pinili na lang niyang manahimik. Bunga nang pagmamaltrato nito ang mga bakas sa kaniyang mukha. Kagabi, nakatikim na naman siya rito. Kulang daw ang benta niya, nangupin daw siya. Wala iyong katotohanan—hinding-hindi niya iyon magagawa. Sa huli, pinagbuntunan siya nito ng galit. Namamaga rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak buong magdamag.

“H-Hindi po, Aling Rosa. Wala pong kinalaman si tita rito. Nahulog lang po ako sa kama ko kaya—puwede po bang huwag na natin siyang pag-usapan? B-Baka marinig niya po tayo,” ninenerbyos na saad ni Vanessa at luminga-linga pa dahil baka biglang sumulpot ang démonya niyang stepmother.

“Vanessa naman, bakit ka ba nagtitiis kay Clarisse? Alam ko—namin ang relasyon niyong dalawa. Nakita namin dati pa kung paano ka niya tratuhin. Magsumbong ka kaya sa pulis para—”

“Para ano, tanda? Para mawalan ng kasama si Vanessa? Hoy, tanda, kilalanin mo ang binabangga mo, ha! Sobrang tanda mo na nga, napakatabil pa ng dila mo!”

At sa isang iglap, biglang sumulpot ang stepmother niya. Matalim ang tingin nito kay Aling Rosa, tila dinudurog na nito ang matanda sa tingin pa lang nito rito.

Napuno agad ng takot ang kaibuturan ni Vanessa nang sandaling iyon. Pakiramdam niya'y napako siya sa kinatatayuan dahil hindi niya magawang makakibo.

“Clarisse naman, iniisip ko lang si Vanessa. Halos patayin mo na ang bata, oh. Pinatigil mo na nga sa pag-aaral para lang makapagbenta ng mga gulay rito. Hindi ‘yan magugustuhan ni Viktor kapag nalaman niyang ganiyan mo tratuhin ang anak niya…” lintaya naman ni Aling Rosa.

Humalakhak ang stepmother niya bago ibinaba ang backpack na nakasakbit sa likod nito. “Anong sabi mo?” At tumakbo ito palapit sa matanda bago hinawakan ito sa buhok. “Ulitin mo nga ang sinabi mo!” bulyaw pa nito sa mukha ni Aling Rosa.

“Hindi magugustuhan ni Vik—”

Hindi na natapos ng matanda ang iba pang sasabihin nang tumama sa magkabila nitong pisngi ang palad ng nanay-nanayan niya. Nanlaki ang mga mata ni Vanessa sa nakita, maski ang mga nakikiusyoso ay nagulat din.

“Hindi porke matanda ka na, hindi na kita papatulan! Huwag mong idamay si Viktor dito dahil matagal na siyang patay. At wala kang pakialam kung anong gawin ko kay Vanessa dahil anak ko siya. Ako ang magdedesisyon, hindi ikaw!” bulyaw ng stepmother niya kay Aling Rosa bago mariing hinila ang buhok nito.

Nagpangbuno ang dalawa nang sandaling iyon na ikinagulat nilang lahat. At kahit matanda na si Aling Rosa, nagawa pa rin nitong patulan ang nanay-nanayan niyang walang pinapalampas.

“Tumawag kayo ng tulong!”

“Awatin niyo sila!”

“Tumawag kayo ng pulis at ipakulong niyo ang eskandalosang ‘yan!”

Hindi na nakapagpigil si Vanessa nang mga oras na iyon. Kahit puno ng takot ang kaibuturan, lumapit na siya sa dalawa at walang ano-ano'y hinila ang stepmother niya palayo sa matandang nakahandusay na sa sahig.

“Tama na po, ti—” Isang malakas na sampal ang natamo niya rito.

“Isa ka pa, Vanessa! Ikaw ang puno’t dulo nito. Nagawa mo pa talaga akong ipagtsismis sa mga tao rito? Gaga ka! Anong tingin mo sa ‘kin, tanga?” At tumama na naman sa mukha niya ang makapal nitong palad.

“P-Pasensya na po, tita. H-Hindi—”

“Lintek ka! Palagi kang pasensya! May magagawa ba ‘yang pasensya mo, aber? Mana ka talaga sa totoo mong ina, matapang lang pag nakatalikod! Hindi pa tayo tapos, Vanessa! Babalik ako, at sa pagbalik ko, sisiguraduhin kong ibabasura na kita! Tandaan mo ‘yan!” Duro nito bago kinuha ang bag sa lapag kapagkuwan ay nagmartsa palayo.

Natulala na lang si Vanessa nang mga oras na iyon habang namamalisbis sa mga mata ang luha.

“Vane, ayos ka lang?” tanong ng isang pamilyar na tinig.

Agad itong hinarap ni Vanessa. “Fatima, anong ginagawa mo rito? Kanina ka pa—”

“Kanina pa, sapat na para makita ko ang ginawa ng bruha mong nanay-nanayan!” sambit ni Fatima bago siya mahigpit na niyakap.

Si Fatima ang tangi niyang kaibigan. Ito ang kaisa-isang pinagkakatiwalaan niya ngayon, wala nang iba.

“Sabi ko naman kasi sa ‘yo, iwan mo na ‘yang stepmother mo. Kahit kailan, hindi ka nakinig sa ‘kin. ‘Yan tuloy, sinasaktan ka,” wika ng kaibigan nang humiwalay sa kaniya.

Bumuntong-hininga si Vanessa. “Hindi puwede, Fatima. Hindi ko puwedeng iwanan na lang basta ang bahay ni papa. Kay papa ‘yong bahay, mahal ko—”

“Kahit kapalit nang pananatili mo ro’n ay gan’yan, pasa?” Sabay nguso nito sa mukha niya.

Napalunok na lang siya bago naiiling na bumalik sa kaniyang puwesto. “Hindi magtatagal, magsisisi rin siya sa mga ginagawa niya,” saad niya bago wala sa sariling napatingin sa kawalan.

Nang sumapit ang kinahapunan, umuwi na rin si Vanessa dahil maaga niyang naubos ang mga tinda niyang gulay. Hindi niya natagpuan sa bahay ang stepmother niya kaya pansamantala siyang nakaramdam ng ginhawa. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kaniya kung saan ito pupunta. Pero dalangin niya'y sana hindi na ito bumalik para tuluyang maging payapa ang buhay niya.

Naglinis muna siya ng bahay bago kumain at naligo upang kitain sa parke ang nobyo niyang si Lander. Ngayong araw kasi ang third monthsary nila kaya gusto niyang mag-celebrate sila. Subalit umabot na ng ilang oras, walang Lander ang nagpakita sa kaniya.

Pero hindi siya sumuko. Hinintay niya pa rin ito. Nakaupo siya sa bench at lumilinga-linga, baka sakaling makita niya ito. Pero unti-unti nang lumalalim ang gabi nang mga oras na iyon. Pasuko na sana siya nang makita niya sa hindi kalayuan si Lander. Agad na gumihit ang ngiti sa mga labi ni Vanessa bago ito nilapitan.

Ngunit nakakailang hakbang pa lang siya, biglang gumuho ang mundo niya. Mula sa likod ni Lander, sumulpot si Natasha—ang kaaway niya noong high school. Hinalikan nito sa mga labi ang nobyo niya at yumakap pa. Tuwang-tuwa pa si Lander nang sandaling iyon.

Agad nagkapira-piraso ang puso ni Vanessa. Bumuhos ang luha sa mga mata niya. At imbes na komprontahin ang dalawa, mas minabuti na lang niya na lumayo upang walang mangyaring gulo. Tumakbo siya nang tumakbo, hanggang sa biglang bumuhos ang malakas na ulan. Imbes na sumilong, hinayaan niya lang na m*****d sa ulan ang katawan niya. At nang sandaling iyon, tila nakikisama ang kalangitan sa kaniyang pagdurusa. Kasabay ng bawat patak ng ulan ay ang pag-alulong ng kulog at ang paghatak ng kidlat na pumupunit sa madilim na kalangitan—parang salamin ng nagngangalit niyang damdamin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 06: First Day at the Verde Valle

    Hindi pa man sumisikat ang haring araw, gising na si Vanessa. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng silid niya—tinatanaw ang napakalawak na lupain sa harap niya. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap, nagbago ang buhay niya. Kailanma'y hindi niya hinangad ang ganitong buhay, pero ito ang ipinagkaloob sa kaniya.Halos hindi na siya nakatulog sa kasiyahan dahil sa naganap kagabi—kung saan binigyan siya ng Tito Hector niya ng black card—na maaari niyang gamitin kung saan at kahit kailan. Namangha siya rito sa angking kabaitan nito sa kaniya kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. Ramdam niya ang kabutihan nito sa kaniya—sa kanila ng démonya niyang nanay-nanayan. Pero hindi maiwasan ni Vanessa ang mapaisip—makakayanan kaya ng Tito Hector niya ang ugali ng stepmother niya?Marahas na lang na napabuntong-hininga si Vanessa nang sandaling iyon. At sakto namang pagsilip ng araw, ay siyang pagdating ni Manang Conchita.“Magandang umaga, Vanessa. Kumusta ang tul

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 05: Welcome to the Family

    Pagkabukas ng malaki at matayog na pinto ng mansyon, bumungad sa kanila ang mga nakahilerang kasambahay. Sa gitna nila, nakatayo naman ang isang matandang babae na naiiba ang uniporme sa kanila. Ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanila.“Maligayang pagdating sa Verde Valle!” bati nito. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito,” sambit pa nito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Manang Conchita, I'd like you to meet my new wife, Clarisse. And she's Vanessa, my stepdaughter…” pakilala sa kanila ni Hector sa matanda.Malapad na ngumiti si Vanessa. “Magandang gabi po sa inyo.”“Magandang gabi rin, señorita.” Tango nito sa kaniya bago binalingan ang nanay-nanayan niyang kung makalingkis sa asawa akala mo nama'y aagawin ito sa kaniya. “At magandang gabi rin sa ‘yo, señora. Ako si Conchita, ako ang nagsisilbing mayordoma ng mansyong ‘to. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala!” sabi pa nito bago humarap sa mga nakahilerang kasambahay. “Mga anak, kunin ang kanilang mga g

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 04: Bagong Asawa, Bagong Ama

    “D-D-Daugther?” naguguluhang usal ni Vanessa sa sinaad ng lalaki.Malapad itong ngumiti sa kaniya bago lumapit. “I am Hector, and I'll be your stepfather,” pakilala nito bago inilahad ang kamay sa harap niya.Mariin siyang napalunok nang sandaling iyon habang nakatitig sa kamay ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin, bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Una, tinawag siya nitong daughter, tapos ngayon, stepfather niya ito? Paano nangyari iyon?Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ni Vanessa nang mga oras na iyon kaya naman inangat niya ang kaniyang mukha rito, kung saan awtomatikong nagtama ang mga mata nila. Malapad pa ring nakangiti ang lalaki—lumantad pa sa kaniya ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Kakaiba rin ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong uri ng tingin iyon, pero sigurado siya—may kakaiba talaga rito.“Did I surprise you?” natatawang tanong ni Hector bago ibinaba ang kamay.“Bakit niyo po ako tinawag na daughter? At… at bakit niyo po sinab

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 03: Hi, My Daughter

    Hindi matukoy ni Vanessa kung saan siya paparoon, mawala lang ang sakit na pinagdaraanan niya. Gusto niyang makalimot, ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang si Lander pa rin ang laman ng kaniyang puso’t isip. Ilang araw na ang nakakalipas nang makita niya itong kasama si Natasha, ilang araw na rin siyang umiiyak, kaya halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Ganito pala kasakit ang lokohin. Si Lander ang kauna-unahan niyang nobyo, ito rin pala ang kauna-unahang magpapawasak sa puso niya.“Pinaglaruan ka lang ng lalaking ‘yon, Vane. Kalimutan mo na nga siya, ‘di naman siya kaguwapuhan,” usal ni Fatima habang nagluluto ito ng umagahan.Dito niya ito pinatulog sa bahay nila dahil sa kalungkutang nararamdaman niya. Natatakot siyang mag-isa, lalo pa't hanggang ngayon ay wala nang paramdam ang nanay-nanayan niya sa kaniya. Ni text o tawag, wala siyang natatanggap dito. “Sa loob ng tatlong buwan, nakita ko ang sinseridad ni Lander sa ‘kin. Mahal niya ‘ko, Fatima. H-Hindi ko lang mawari

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 02: Eskandalosang Nanay-nanayan

    “Punong-puno ng pasa ‘yang mukha mo, Vanessa, anong nangyari?” may pag-aalalang tanong ni Aling Rosa, isa sa mga tindera ng mga gulay sa palengke.Yumuko si Vanessa upang itago ang kaniyang mukha. “W-Wala po, Aling Rosa. O-Okay—”“Palagi na lang ‘yan ang sinasabi mo, eh. Halos araw-araw, may pasa ka. Hindi pa gumagaling, may panibago na naman. Ang nanay-nanayan mo ba ang may dahilan niyan?” Bakas pa rin ang pag-aalala sa tinig ng matanda.Kung puwede niya lang sabihin na ang stepmother niya nga ang may gawa ng mga pasa niya, nasabi na niya. Subalit sa takot dito, mas pinili na lang niyang manahimik. Bunga nang pagmamaltrato nito ang mga bakas sa kaniyang mukha. Kagabi, nakatikim na naman siya rito. Kulang daw ang benta niya, nangupin daw siya. Wala iyong katotohanan—hinding-hindi niya iyon magagawa. Sa huli, pinagbuntunan siya nito ng galit. Namamaga rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak buong magdamag.“H-Hindi po, Aling Rosa. Wala pong kinalaman si tita rito. Nahulog lang po ako s

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 01: Kalupitan sa Buhay ni Vanessa

    Tumutulo ang ilang butil ng luha sa magkabilang mata ni Vanessa habang prenteng nakaupo sa bangko—ang kaniyang mga palad ay nakakuyom dala ng matinding galit. Mula sa silid na hindi kalayuan sa kaniya, umaalingawngaw ang mga ingay na puno ng init, tûkso, at pàgnanasa. Sa lakas, maski pag-uumpugan ng mga katawan nila ay naririnig din niya, at pakiwari niya'y mabubuwal na siya sa kinauupuan niya sa diri at pagkasuklam na nararamdaman niya. “Ohhh, ayan… pagsawaan mo ‘ko, Alfred! Ohhh… ahhh… yeahhhh… ibibigay ko ang lahat ng nais mo, paligayahin mo lang ako ng pera mo…!” Natutop na lang ni Vanessa ang mga labi nang marinig ang sinabi ng kaniyang stepmother na si Clarisse. “Oo, Clarisse! Kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa ‘yo. Nàpakasarap mo—mas màsarap ka pa sa asawa ko!” wika naman ng kàtalik nito, si Alfred. Hindi na alam ni Vanessa ang gagawin nang mga oras na iyon. Itinaklob na lang niya sa kaniyang magkabilang tainga ang mga palad, ng sa gayon ay hindi niya marinig ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status