Masuk“D-D-Daugther?” naguguluhang usal ni Vanessa sa sinaad ng lalaki.
Malapad itong ngumiti sa kaniya bago lumapit. “I am Hector, and I'll be your stepfather,” pakilala nito bago inilahad ang kamay sa harap niya. Mariin siyang napalunok nang sandaling iyon habang nakatitig sa kamay ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin, bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Una, tinawag siya nitong daughter, tapos ngayon, stepfather niya ito? Paano nangyari iyon? Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ni Vanessa nang mga oras na iyon kaya naman inangat niya ang kaniyang mukha rito, kung saan awtomatikong nagtama ang mga mata nila. Malapad pa ring nakangiti ang lalaki—lumantad pa sa kaniya ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Kakaiba rin ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong uri ng tingin iyon, pero sigurado siya—may kakaiba talaga rito. “Did I surprise you?” natatawang tanong ni Hector bago ibinaba ang kamay. “Bakit niyo po ako tinawag na daughter? At… at bakit niyo po sinabi na stepfather kita?” litong-litong tanong ni Vanessa rito. Napakamot sa batok si Hector. “Puwede ba muna kitang makilala bago ko sabihin sa ‘yo kung bakit?” anito, mahinahon ang tinig. Muling lumunok si Vanessa. “Ako po si Vanessa Cruzado, at dito po ako nakatira—dito po mismo sa inaapakan niyo…” “Vanessa, what a nice name.” Sabay ngisi nito. “Ako na ang magiging stepfather mo dahil—” “Halika na, Hector. Umalis na tayo sa impyernong ‘to!” bulalas ng isang pamilyar na tinig. Nang tingnan ito ni Vanessa, nakita niya ang stepmother niya habang may dalang mga bag, na sa hinuha niya'y mga damit ang laman. “Tita? Bumalik ka na. Saan ka pu—” “Anak ng teteng naman, oh, Vanessa! Akala ko lumayas ka na, bakit ka pa bumalik?!” asik agad nito bago ibinagsak ang mga hawak. Napamulagat si Vanessa. “H-Hindi po ako lumayas, tita… nagtrabaho po ako,” paliwanag agad niya rito. Ngumisi ito sabay irap sa kaniya. “Aalis—” “Hindi mo sinabi sa ‘kin na may anak ka, Clarisse,” may bahid ng gulat na sambit ni Hector. Ngumisi ang stepmother niya bago ito pagkendeng-kendeng na naglakad palapit kay Hector saka ipinulupot ang braso sa baywang nito. “Anak-anakan ang tamang termino, Hector. Hindi ko tunay na anak si Vanessa, anak siya ng dati kong asawa. At paano mo naman nasabing may anak ako?” “Nakita ko sa mga nakasabit sa pader. You're with her.” Turo sa kaniya ni Hector. “Ah, huwag mo nang isipin ‘yan, Hector. Halika na, lumayas na tayo rito,” aya ng stepmother niya kay Hector. Nang kukunin na nito ang mga bag sa lapag, bigla itong pinigilan ni Hector. “Isasama natin si Vanessa, Clarisse. I won't let her stay here alone!” may paninindigang saad nito bago lumapit sa kaniya. “Mag-impake ka na, Vanessa, at isasama kita sa magiging bagong bahay mo.” “B-Bakit po?” “Kasal kami, Vanessa!” tila may inis na sambit ng stepmother niya bago inangat ang kamay kung saan nakita niya ang kumikinang na singsing doon. Ngayon, malinaw na sa kaniya kung bakit siya nito tinawag na daughter, at kung bakit nito ipinakilala ang sarili bilang stepfather niya. Kahit bakas sa mukha ang gulat, nagawa niya pa ring ngumiti. “Hindi na po ako sasama. Kaya ko na naman pong mag-isa, eh. At isa pa, hindi ko po iiwan ‘tong bahay ni papa. Ayoko po siyang biguin, Sir. Hector,” magalang na wika ni Vanessa. “Tama nga naman si Vanessa, Hector. Itong bahay na ‘to, para sa kaniya talaga. At bakit naman natin siya isasama, eh ni hindi ko siya kadugo? Stepdaughter ko lang siya,” malamig na wika ng stepmother niya habang tila nandidiring nakatingin sa kaniya. Alam niya, una pa lang, na hindi talaga ito papayag na sumama siya. Sino ba siya sa buhay nito? Anak-anakan lang naman siya nito kaya anong magiging papel niya sa buhay nito kasama ang bago nitong asawa? Wala rin naman siyang planong sumama—pabor pa nga sa kaniya ang pag-alis ng malupit niyang nanay-nanayan upang hindi na siya makaranas dito nang pang-aabuso—pisikal man o emosyonal. “Hindi ako papayag, Clarisse!” tutol ni Hector sa nanay-nanayan niya. “Iniwan siya sa ‘yo ng tunay niyang ama, ibig-sabihin, she's your responsibility,” anito pa. “Responsibilidad ko ang babaeng ‘yan? Neknek n—” “Mag-impake ka na, Vanessa. Hihintayin kita sa sasakyan!” mariing wika ni Hector bago nito kinuha ang mga bag sa lapag kapagkuwan ay naglakad palabas. Nang mawala ito, isang malakas na sampal ang natanggap ni Vanessa sa démonya niyang stepmother. “Congrats, bruhilda! Nakuha mo ang simpatya ni Hector. Paawa epek ka pa kasi! Ano pang hinihintay mo, mag-impake ka na!” bulyaw nito sa kaniya. “Hindi po ako sasama, ti—” “Gusto mo bang makatikim na naman ng sampal sa akin?” At pinanlakihan siya nito ng mga mata. “Dito lang po ako, tita. Hindi po ako aalis sa bahay ni papa!” may paninindigang saad ni Vanessa bago lumapit sa sofa. Ngunit hindi pa man siya nakakaupo, muli na namang tumama ang palad ng nanay-nanayan niya sa kaniyang mukha. Sa pagkakataong iyon, hindi siya nakapaghanda kaya napasalampak siya sa sahig. “At nagmamatigas ka na sa ‘kin, ha, Vanessa? Mag-impake ka na bago pa magbago ang desisyon ni Hector na isama niya ako sa hacienda niya. Hindi puwede mabulilyaso ang pangarap ko nang dahil lang sa ‘yo. Ano pang ginagawa mo, tumayo ka na!” gigil na gigil nitong lintaya, halos lumabas na ang mga ugat nito sa leeg dahil sa matinding galit. Nanunubig ang mga matang tumayo si Vanessa sa kinalalagyan. Ilang segundo niyang tinitigan ang mga mata ng stepmother niya bago walang nagawa kundi sundin ang nais nito. Kumuha siya ng bag, at doon inilagay ang mga damit at ilang mahahalagang gamit niya. Nang akmang isasarado na niya ang bag, bigla niyang nakita ang larawan ng papa niya. Kinuha niya iyon bago inilagay sa dala niyang bag. At sa isang iglap, namataan na lang ni Vanessa ang sarili na lulan ng mamahaling sasakyan ni Hector. Bago sila makalayo, tinanaw niya pa ang bahay nila kung saan siya lumaki at nagkaisip—ang bahay na minsan nang naging masaya, ngayo'y balot na ng kadiliman at kalungkutan. Tahimik lang si Vanessa sa buong byahe, at makalipas ang ilang oras, nakarating na sila sa destinasyon—sa hacienda na pagmamay-ari ni Hector. Sa harapan niya, nakatayo ang mala-mansyong bahay, malinaw kahit sa gitna ng gabi. Kitang-kita niya ang bawat sulok nito, pinapatingkad ng mga ilaw na nakapalibot sa paligid. “Dito na ba ako titira, Hector ko?” hindi makapaniwalang tanong ng stepmother niya sa asawa nito. Pumamulsa si Hector bago malapad na ngumiti. “Yes, babe, dito na kayo titira ni Vanessa.” Sabay baling nito sa kaniya, kinindatan pa siya nito na halos ikabuwal ni Vanessa sa kinatatayuan.“Handa na ang hapunan mo, babe,” sambit ng stepmother niya sa asawa nito bago hinila palayo sa kaniya. “Pumunta ka na sa kusina, babe, susunod ako,” anito pa bago hinimas ang braso nito.Tumango lamang ang Tito Hector niya bago ito nagpatiuna. Abot-tainga ang ngiti ng nanay-nanayan niya nang sandaling iyon, ngunit nang tuluyang mawala ang asawa nito, biglang nabasag ang ngiti nito—napalitan ng inis at iritasyon ang mukha.“Nilálandi mo ba si Hector, Vanessa?!” singhal nito, sabay irap sa kaniya.“Ano po bang sinasabi niyo, tita? H-Hindi ko po ‘yan magagawa. Walang rason para làndiin ko si Ti—si daddy…” Ngumiwi ang nanay-nanayan niya bago ipinagkrus ang mga braso sa dibdib. “Daddy? Saan ka kumukuha ng kakapalan ng mukha para tawaging daddy ang asawa ko? Hoy, Vanessa, mahiya ka naman sa sarili mo. Hindi ka namin tunay na anak ni Hector kaya kahit kailan, hindi mo siya puwedeng—”“Siya po ang may gusto no’n, tita. Gusto po ni Tito Hector na tawagin ko siyang daddy dahil… dahil anak na n
Masayang natapos ang unang araw ni Vanessa sa Verde Valle sapagkat iginala siya ni Manang Conchita sa buong hacienda. Naranasan niyang sumakay sa kabayo, maglaro ng golf, magpakain ng mga hayop, mag-ani ng mga tanim, at higit sa lahat, sa unang pagkakataon ay naranasan niyang sumakay sa helicopter kaya mula sa himpapawid, tanaw na tanaw niya ang kagandahan ng naturang hacienda. Ang mga nangyari nang araw na ito ay kailanma'y hindi niya makakalimutan.“Vanessa, anong ginagawa mo riyan?” Nang balingan ni Vanessa ang pinanggagalingan ng tinig, ngumiti siya nang makita si Manang Conchita. Kasalukuyan pala siyang nakaupo sa gilid ng fountain sa harap ng mansyon habang nakatingin sa kalangitang pinagniningning ng bilyong-bilyong mga bituin. “Nagpapahangin lang po, kayo po, anong ginagawa niyo rito? Hindi po ba dapat ay magpahinga na kayo?” Bumuntong-hininga ang matanda bago umupo sa tabi niya. “Maaga pa, Vanessa. At isa pa, wala pa si Señor Hector. Hindi kami maaaring magpahinga hanggat
Hindi pa man sumisikat ang haring araw, gising na si Vanessa. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng silid niya—tinatanaw ang napakalawak na lupain sa harap niya. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap, nagbago ang buhay niya. Kailanma'y hindi niya hinangad ang ganitong buhay, pero ito ang ipinagkaloob sa kaniya.Halos hindi na siya nakatulog sa kasiyahan dahil sa naganap kagabi—kung saan binigyan siya ng Tito Hector niya ng black card—na maaari niyang gamitin kung saan at kahit kailan. Namangha siya rito sa angking kabaitan nito sa kaniya kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. Ramdam niya ang kabutihan nito sa kaniya—sa kanila ng démonya niyang nanay-nanayan. Pero hindi maiwasan ni Vanessa ang mapaisip—makakayanan kaya ng Tito Hector niya ang ugali ng stepmother niya?Marahas na lang na napabuntong-hininga si Vanessa nang sandaling iyon. At sakto namang pagsilip ng araw, ay siyang pagdating ni Manang Conchita.“Magandang umaga, Vanessa. Kumusta ang tul
Pagkabukas ng malaki at matayog na pinto ng mansyon, bumungad sa kanila ang mga nakahilerang kasambahay. Sa gitna nila, nakatayo naman ang isang matandang babae na naiiba ang uniporme sa kanila. Ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanila.“Maligayang pagdating sa Verde Valle!” bati nito. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito,” sambit pa nito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Manang Conchita, I'd like you to meet my new wife, Clarisse. And she's Vanessa, my stepdaughter…” pakilala sa kanila ni Hector sa matanda.Malapad na ngumiti si Vanessa. “Magandang gabi po sa inyo.”“Magandang gabi rin, señorita.” Tango nito sa kaniya bago binalingan ang nanay-nanayan niyang kung makalingkis sa asawa akala mo nama'y aagawin ito sa kaniya. “At magandang gabi rin sa ‘yo, señora. Ako si Conchita, ako ang nagsisilbing mayordoma ng mansyong ‘to. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala!” sabi pa nito bago humarap sa mga nakahilerang kasambahay. “Mga anak, kunin ang kanilang mga g
“D-D-Daugther?” naguguluhang usal ni Vanessa sa sinaad ng lalaki.Malapad itong ngumiti sa kaniya bago lumapit. “I am Hector, and I'll be your stepfather,” pakilala nito bago inilahad ang kamay sa harap niya.Mariin siyang napalunok nang sandaling iyon habang nakatitig sa kamay ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin, bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Una, tinawag siya nitong daughter, tapos ngayon, stepfather niya ito? Paano nangyari iyon?Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ni Vanessa nang mga oras na iyon kaya naman inangat niya ang kaniyang mukha rito, kung saan awtomatikong nagtama ang mga mata nila. Malapad pa ring nakangiti ang lalaki—lumantad pa sa kaniya ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Kakaiba rin ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong uri ng tingin iyon, pero sigurado siya—may kakaiba talaga rito.“Did I surprise you?” natatawang tanong ni Hector bago ibinaba ang kamay.“Bakit niyo po ako tinawag na daughter? At… at bakit niyo po sinab
Hindi matukoy ni Vanessa kung saan siya paparoon, mawala lang ang sakit na pinagdaraanan niya. Gusto niyang makalimot, ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang si Lander pa rin ang laman ng kaniyang puso’t isip. Ilang araw na ang nakakalipas nang makita niya itong kasama si Natasha, ilang araw na rin siyang umiiyak, kaya halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Ganito pala kasakit ang lokohin. Si Lander ang kauna-unahan niyang nobyo, ito rin pala ang kauna-unahang magpapawasak sa puso niya.“Pinaglaruan ka lang ng lalaking ‘yon, Vane. Kalimutan mo na nga siya, ‘di naman siya kaguwapuhan,” usal ni Fatima habang nagluluto ito ng umagahan.Dito niya ito pinatulog sa bahay nila dahil sa kalungkutang nararamdaman niya. Natatakot siyang mag-isa, lalo pa't hanggang ngayon ay wala nang paramdam ang nanay-nanayan niya sa kaniya. Ni text o tawag, wala siyang natatanggap dito. “Sa loob ng tatlong buwan, nakita ko ang sinseridad ni Lander sa ‘kin. Mahal niya ‘ko, Fatima. H-Hindi ko lang mawari







