Tumutulo ang ilang butil ng luha sa magkabilang mata ni Vanessa habang prenteng nakaupo sa bangko—ang kaniyang mga palad ay nakakuyom dala ng matinding galit. Mula sa silid na hindi kalayuan sa kaniya, umaalingawngaw ang mga ingay na puno ng init, tûkso, at pàgnanasa. Sa lakas, maski pag-uumpugan ng mga katawan nila ay naririnig din niya, at pakiwari niya'y mabubuwal na siya sa kinauupuan niya sa diri at pagkasuklam na nararamdaman niya.
“Ohhh, ayan… pagsawaan mo ‘ko, Alfred! Ohhh… ahhh… yeahhhh… ibibigay ko ang lahat ng nais mo, paligayahin mo lang ako ng pera mo…!” Natutop na lang ni Vanessa ang mga labi nang marinig ang sinabi ng kaniyang stepmother na si Clarisse. “Oo, Clarisse! Kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa ‘yo. Nàpakasarap mo—mas màsarap ka pa sa asawa ko!” wika naman ng kàtalik nito, si Alfred. Hindi na alam ni Vanessa ang gagawin nang mga oras na iyon. Itinaklob na lang niya sa kaniyang magkabilang tainga ang mga palad, ng sa gayon ay hindi niya marinig ang mga isinasaad nila. Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha sa mga mata niya nang sandaling iyon. Iniisip niya na hindi mangyayari ang lahat ng ito—lahat ng nararanasan niya kung hindi lamang nàmatay ang pinakamamahal niyang ama. Magmula nang mawala ito at nang maiwan siya sa malupit niyang stepmother, nagkandaletse-letse na ang buhay niya. Ilang taon na siyang nakakaranas ng kàlupitan sa stepmother niya. Ni gatiting na pagmamahal ay hindi niya naranasan mula rito kaya lumaki siyang takot dito. Gayunpaman, kahit nakakaranas nang pang-àapi mula rito, ginagawa pa rin niya ang lahat ng makakaya niya upang maging matatag, sapagkat umaasa siya na ang mga nangyayari sa kaniya ngayon ay may hangganan—hangganan na siya mismo ang magpaparanas sa babaeng sumira ng buhay niya. Mayamaya pa, nakita na lang niya ang paglabas ng lalaking kàkiniig ng stepmother niya. Kasunod nito ay ang pagdating nito sa kusina—gulo-gulo ang buhok, at sa mukha nito'y halata ang pagod at ang make-up na halos burado na. Isama pa ang suot nito—tanging pànty at brà lang, animo'y tinamad nang magbihis. “Anong iniiyak-iyak mo riyan?!” asik nito sa kaniya bago binuklat ang mga pagkain sa lamesa. “W-Wala po, ma—” “Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na huwag na huwag mo na ako tatawaging mama?” Nanlisik ang mga mata nito sa kaniya—kitang-kita niya ang matindi nitong galit, halos mag-apoy ang mga mata nito nang sandaling iyon. Mariing napalunok si Vanessa. “P-Pasensya na po, tita. H-Hindi ko na po ulit uulitin,” aniya, bakas ng takot ang tinig niya. “Madali ka naman pa lang pagsabihan, pero bakit kailangan ko pang ipaulit-ulit sa ‘yo?!” hiyaw nito pagdakay umupo sa bangko. “Ikuha mo ako ng plato at kutsara, sandukan mo ako ng pagkain!” utos pa nito sa kaniya. “Opo,” tanging nasabi ni Vanessa bago dali-daling tumayo at kumuha ng plato at kutsara. Nang makabalik siya sa stepmother niya, ipinatong niya sa harap nito ang plato at kutsara bago naglagay ng sapat na kanin at ulam sa plato nito, saka tahimik na pumosisyon sa gilid nito. “Anong ginagawa mo, bruhilda? Umupo ka at panoorin mo ‘kong kumain!” asik na naman nito. Wala nang nagawa si Vanessa kundi ang sumunod. Taimtim siyang umupo sa kinauupuan kanina at pinanood itong kumain. Kahit sunod-sunod ang paglunok ng laway sa gutom, nanatili pa rin siyang kalmado. Hindi siya maaaring kumain hanggat hindi nakakakain ang stepmother niya. Kailangan ay mauna muna ito bago siya. “Nga pala, naubos mo ba ‘yong mga tinda mo sa palengke?” tanong nito sa gitna nang pagnguya. “Opo, tita. Nasa drawer niyo na po ‘yong napagbentahan ko.” “Hindi ka kumupit? Bilang ko ang mga gulay na itininda mo.” “Hindi po, tita. Kumpleto po ‘yon. H-Hindi ko naman po gawain ang kumu—” “Daming satsat, naninigurado lang naman ako! Alam mo, kapag ang tao'y maraming paliwanag, isa lang ang ibig-sabihin noon, guilty sila. Ikaw ba, guilty ka? Magnanakaw ka, ‘no?!” “H-Hindi po, tita. Pangako po, hindi po ako nangupit. Kahit bilangin niyo pa po ‘yong pinagbentahan ko, kumpleto po ‘yon,” depensa ni Vanessa habang nanginginig ang ibabang labi. “Siguraduhin mo lang, ha, at kapag nalaman kong nagsisinungaling ka sa ‘kin, ibibitin kita patiwarik! Kilala mo ‘ko, Vanessa! Hindi lang ako basta-basta kung sino. Démonya ako, at ako ang makakalaban mo!” nagngingitngit na bulalas nito bago isinubo ang huling pagkain sa plato nito. Wala nang imik si Vanessa. Nanahimik na lang siya bago tuluyang tumayo ang stepmother niya. “Huwag mo ‘kong artihan diyan, Vanessa. Hindi bagay sa ‘yo. Namatay lang ang ama mo, nag-iinaso ka na riyan. Bakit, maganda ka ba?” Halakhak nito, nang-aasar. “Alam mo, kung hindi ka lang anak ng lalaking pinakamamahal ko, baka matagal na kitang pinalayas sa pamamahay na i—” “Kay papa po ang bahay na ito kaya hindi niyo po ako puwedeng palayasin. Dito ako nabuhay, nakaramdam ng kasiyahan at pagmamahal sa tunay kong mga magulang.” Tuluyan na siyang sumabog, hindi na napigilan pa ni Vanessa ang sarili kahit kapalit nito'y hindi kanaisnais na pànanakit. “Sinasagot mo na ako?!” Panlalaki nito sa kaniya ng mga mata. “Hindi ang isang katulad mo ang uubos ng pasensya ko! Lintek kang babae ka!” hiyaw nito bago hinila ang buhok niya—gigil na gigil at galit na galit. Napaiyak na lamang si Vanessa nang mga oras na iyon sa sakit na nararamdaman niya. Halos mapunit na ang anit niya sa madiing paghigit ng démonya niyang stepmother sa kaniyang buhok. Kahit subukan niyang magpumiglas, wala pa ring saysay iyon sapagkat lubusan itong malakas sa kaniya. Mayamaya pa, itinulak siya nito sa lapag kaya bumagsak siya at tumama ang likod niya sa cabinet na nasa ilalim ng lababo. “Hoy, Vanessa! Kilalanin mo ang binabangga mo! Hindi lang ‘yan ang aabutin mo sa ‘kin kapag patuloy mo akong sasagutin. Anong sinasabi mo, hindi kita minahal? Hindi ka nakaramdam ng kasiyahan sa akin? Bakit ko naman ipaparamdam ‘yon sa ‘yo, tunay ba kitang anak? Isáksak mo sa baga mo na hindi tayo màgkadugo kaya huwag ka nang umasa na ituturing kita bilang sarili kong anak. Letse ka!” nangigigil nitong sambit bago dali-daling nagmartsa palayo. Tahimik na lang na umiyak si Vanessa. Niyakap niya ang sariling mga tuhod sa sakit na nararamdaman niya. Hindi sa sakit nang pagsabunot nito, kundi sa sakit sa mga salitang binitiwan nito sa kaniya. Ilang taon na niyang nararansan ito, kailan kaya ito matitigil? Disi-otso pa lamang siya, ngunit ito na ang reyalidad na kinahaharap niya. Kailan niya kaya mararanasan ang payapang buhay, na wala ang nag-iisang kontrabida sa buhay niya?Hindi pa man sumisikat ang haring araw, gising na si Vanessa. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng silid niya—tinatanaw ang napakalawak na lupain sa harap niya. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap, nagbago ang buhay niya. Kailanma'y hindi niya hinangad ang ganitong buhay, pero ito ang ipinagkaloob sa kaniya.Halos hindi na siya nakatulog sa kasiyahan dahil sa naganap kagabi—kung saan binigyan siya ng Tito Hector niya ng black card—na maaari niyang gamitin kung saan at kahit kailan. Namangha siya rito sa angking kabaitan nito sa kaniya kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. Ramdam niya ang kabutihan nito sa kaniya—sa kanila ng démonya niyang nanay-nanayan. Pero hindi maiwasan ni Vanessa ang mapaisip—makakayanan kaya ng Tito Hector niya ang ugali ng stepmother niya?Marahas na lang na napabuntong-hininga si Vanessa nang sandaling iyon. At sakto namang pagsilip ng araw, ay siyang pagdating ni Manang Conchita.“Magandang umaga, Vanessa. Kumusta ang tul
Pagkabukas ng malaki at matayog na pinto ng mansyon, bumungad sa kanila ang mga nakahilerang kasambahay. Sa gitna nila, nakatayo naman ang isang matandang babae na naiiba ang uniporme sa kanila. Ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanila.“Maligayang pagdating sa Verde Valle!” bati nito. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito,” sambit pa nito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Manang Conchita, I'd like you to meet my new wife, Clarisse. And she's Vanessa, my stepdaughter…” pakilala sa kanila ni Hector sa matanda.Malapad na ngumiti si Vanessa. “Magandang gabi po sa inyo.”“Magandang gabi rin, señorita.” Tango nito sa kaniya bago binalingan ang nanay-nanayan niyang kung makalingkis sa asawa akala mo nama'y aagawin ito sa kaniya. “At magandang gabi rin sa ‘yo, señora. Ako si Conchita, ako ang nagsisilbing mayordoma ng mansyong ‘to. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala!” sabi pa nito bago humarap sa mga nakahilerang kasambahay. “Mga anak, kunin ang kanilang mga g
“D-D-Daugther?” naguguluhang usal ni Vanessa sa sinaad ng lalaki.Malapad itong ngumiti sa kaniya bago lumapit. “I am Hector, and I'll be your stepfather,” pakilala nito bago inilahad ang kamay sa harap niya.Mariin siyang napalunok nang sandaling iyon habang nakatitig sa kamay ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin, bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Una, tinawag siya nitong daughter, tapos ngayon, stepfather niya ito? Paano nangyari iyon?Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ni Vanessa nang mga oras na iyon kaya naman inangat niya ang kaniyang mukha rito, kung saan awtomatikong nagtama ang mga mata nila. Malapad pa ring nakangiti ang lalaki—lumantad pa sa kaniya ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Kakaiba rin ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong uri ng tingin iyon, pero sigurado siya—may kakaiba talaga rito.“Did I surprise you?” natatawang tanong ni Hector bago ibinaba ang kamay.“Bakit niyo po ako tinawag na daughter? At… at bakit niyo po sinab
Hindi matukoy ni Vanessa kung saan siya paparoon, mawala lang ang sakit na pinagdaraanan niya. Gusto niyang makalimot, ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang si Lander pa rin ang laman ng kaniyang puso’t isip. Ilang araw na ang nakakalipas nang makita niya itong kasama si Natasha, ilang araw na rin siyang umiiyak, kaya halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Ganito pala kasakit ang lokohin. Si Lander ang kauna-unahan niyang nobyo, ito rin pala ang kauna-unahang magpapawasak sa puso niya.“Pinaglaruan ka lang ng lalaking ‘yon, Vane. Kalimutan mo na nga siya, ‘di naman siya kaguwapuhan,” usal ni Fatima habang nagluluto ito ng umagahan.Dito niya ito pinatulog sa bahay nila dahil sa kalungkutang nararamdaman niya. Natatakot siyang mag-isa, lalo pa't hanggang ngayon ay wala nang paramdam ang nanay-nanayan niya sa kaniya. Ni text o tawag, wala siyang natatanggap dito. “Sa loob ng tatlong buwan, nakita ko ang sinseridad ni Lander sa ‘kin. Mahal niya ‘ko, Fatima. H-Hindi ko lang mawari
“Punong-puno ng pasa ‘yang mukha mo, Vanessa, anong nangyari?” may pag-aalalang tanong ni Aling Rosa, isa sa mga tindera ng mga gulay sa palengke.Yumuko si Vanessa upang itago ang kaniyang mukha. “W-Wala po, Aling Rosa. O-Okay—”“Palagi na lang ‘yan ang sinasabi mo, eh. Halos araw-araw, may pasa ka. Hindi pa gumagaling, may panibago na naman. Ang nanay-nanayan mo ba ang may dahilan niyan?” Bakas pa rin ang pag-aalala sa tinig ng matanda.Kung puwede niya lang sabihin na ang stepmother niya nga ang may gawa ng mga pasa niya, nasabi na niya. Subalit sa takot dito, mas pinili na lang niyang manahimik. Bunga nang pagmamaltrato nito ang mga bakas sa kaniyang mukha. Kagabi, nakatikim na naman siya rito. Kulang daw ang benta niya, nangupin daw siya. Wala iyong katotohanan—hinding-hindi niya iyon magagawa. Sa huli, pinagbuntunan siya nito ng galit. Namamaga rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak buong magdamag.“H-Hindi po, Aling Rosa. Wala pong kinalaman si tita rito. Nahulog lang po ako s
Tumutulo ang ilang butil ng luha sa magkabilang mata ni Vanessa habang prenteng nakaupo sa bangko—ang kaniyang mga palad ay nakakuyom dala ng matinding galit. Mula sa silid na hindi kalayuan sa kaniya, umaalingawngaw ang mga ingay na puno ng init, tûkso, at pàgnanasa. Sa lakas, maski pag-uumpugan ng mga katawan nila ay naririnig din niya, at pakiwari niya'y mabubuwal na siya sa kinauupuan niya sa diri at pagkasuklam na nararamdaman niya. “Ohhh, ayan… pagsawaan mo ‘ko, Alfred! Ohhh… ahhh… yeahhhh… ibibigay ko ang lahat ng nais mo, paligayahin mo lang ako ng pera mo…!” Natutop na lang ni Vanessa ang mga labi nang marinig ang sinabi ng kaniyang stepmother na si Clarisse. “Oo, Clarisse! Kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa ‘yo. Nàpakasarap mo—mas màsarap ka pa sa asawa ko!” wika naman ng kàtalik nito, si Alfred. Hindi na alam ni Vanessa ang gagawin nang mga oras na iyon. Itinaklob na lang niya sa kaniyang magkabilang tainga ang mga palad, ng sa gayon ay hindi niya marinig ang mga