Share

Kabanata 03: Hi, My Daughter

Author: VERZOLAKRAM02
last update Last Updated: 2025-10-15 22:12:08

Hindi matukoy ni Vanessa kung saan siya paparoon, mawala lang ang sakit na pinagdaraanan niya. Gusto niyang makalimot, ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang si Lander pa rin ang laman ng kaniyang puso’t isip.

Ilang araw na ang nakakalipas nang makita niya itong kasama si Natasha, ilang araw na rin siyang umiiyak, kaya halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Ganito pala kasakit ang lokohin. Si Lander ang kauna-unahan niyang nobyo, ito rin pala ang kauna-unahang magpapawasak sa puso niya.

“Pinaglaruan ka lang ng lalaking ‘yon, Vane. Kalimutan mo na nga siya, ‘di naman siya kaguwapuhan,” usal ni Fatima habang nagluluto ito ng umagahan.

Dito niya ito pinatulog sa bahay nila dahil sa kalungkutang nararamdaman niya. Natatakot siyang mag-isa, lalo pa't hanggang ngayon ay wala nang paramdam ang nanay-nanayan niya sa kaniya. Ni text o tawag, wala siyang natatanggap dito.

“Sa loob ng tatlong buwan, nakita ko ang sinseridad ni Lander sa ‘kin. Mahal niya ‘ko, Fatima. H-Hindi ko lang mawari kung bakit ginawa niya ‘yon sa ‘kin, si Natasha pa talaga.” Buntong-hininga ni Vanessa bago sumimsim sa kaniyang kape.

Masakit na nga ang ginawa ni Lander, mas lalo pa siyang nasaktan nang si Natasha pa ang bago nitong nobya—si Natasha na palaging nambu-bully sa kaniya noon. Hindi na niya naranasan ang pangbu-bully nito dahil nga huminto na siya nang pag-aaral upang magtinda ng mga gulay sa palengke. Grade 12 na dapat siya ngayon—pa-graduate na ng high school, subalit dahil sa mahadera niyang nanay-nanayan, Grade 10 lang ang natapos niya.

“Hindi kaya plano ni Natasha na saktan ka? Kasi sa daming lalaki sa mundo, bakit si Lander pa?”

Mahinang natawa si Vanessa. “Ano ‘yon, hindi pa siya maka-move on sa ‘kin? Hindi na nga kami magkasama sa iisang paaralan, gusto na naman niya akong saktan?”

“Posible! At ‘di ba mayaman sina Natasha? Malaki ang posibilidad na ginamit niya ang karangyaan niya para makuha si Lander.”

Natigilan siya bigla sa sinaad ng kaibigan. Parang may punto ito. Ang totoo, hindi naman kagandahan si Natasha, kumbaga average lang ang mukha nito kaya sigurado siya na hindi ito nagustuhan ni Lander sa mukha. Paano kung… sa pera nito nakuha si Lander? Doon pa lang, talo na siya. Anong panama niya kay Natasha, eh halos isang kahig, isang tuka ang buhay niya ngayon simula nang mawala ang ama niya.

Napabuntong-hininga na naman si Vanessa nang sandaling iyon bago sunod-sunod na umiling upang iwaglit ang mga nasa isip niya. Hindi na niya pinansin ang kaibigan, nanahimik na lang siya. At nang matapos itong magluto, kumain na rin sila.

“Nga pala, hindi ba uuwi ‘yong evil stepmother mo?” Sabay tawa ni Fatima.

“Hindi ko alam, ilang araw na nga siyang hindi umuuwi, eh. Ni hindi nagpaparamdam. Pero sabi niya, babalik daw siya at…” Napahinto siya nang maalala ang tinuran nito nang araw na iyon.

“At ano, Vane?” singit ni Fatima.

“Ah, wala-wala. Kumain na lang tayo. Subukan mong isawsaw ‘yang okra sa bagoong, masarap,” suhestiyon niya pa sa kaibigan.

Tumango naman ang kaibigan at sinunod siya. At natawa na lang siya nang maduak ito. Maalat daw. Naghalakhakan tuloy sila nang umagang iyon at nang sumapit ang tanghalian, umalis na rin si Vanessa sa bahay nila upang pumasok sa trabahong kasalukuyan niyang pinapasukan.

Hindi muna siya nagtinda ng mga gulay sapagkat ang nanay-nanayan niya lang ang may kontak sa supplier nila. Ayaw naman niyang magmarunong kaya mas minabuti na lang niyang isarado ang tindahan nila, at pumasok sa trabahong alam niyang magugustuhan niya, sa isang milk tea shop.

Maayos naman nagsimula ang araw niya ngunit nang dumating ang kinahapunan, tila gusto na lang magpalamon ni Vanessa sa lupa nang mapagtanto niyang si Natasha ang kustomer niya, at kasama nito si Lander, magkahawak-kamay pa. Kalmado lang siya nang sandaling iyon pero sa loob ng dibdib niya, muling nagdugo ang puso niya.

“How about you, baby? What do you want? I'll buy it for you,” wika ni Natasha kay Lander.

“Kahit ano, baby. Ang dami, hindi ako makapili,” tugon naman ni Lander dito.

Baby? Baby ang tawagan nila? Hindi bagay! Ano bang pinakain ng babaeng ito kay Lander at parang patay na patay ito rito?

“Okay, baby. Can I have oreo cheese cake for my boyfriend? Large size, please…” Baling nito sa kaniya.

Mapait siyang ngumiti bago tumango. “Sure, ma'am. Anything else po?”

“Hmmm… alisin mo ‘yang mukha mo sa harap ko, naaalibadbaran ako,” tawang-tawa bulalas ni Natasha. “I'm just kidding, Vanessa. Baka ma-offend ka, ha? Well, okay lang din sa ‘kin. Tell your manager na inaaway kita. Go on, magsumbong ka.”

“Hindi ako bata para magsumbong!” At nagsimula na siyang gawin ang order ng mga ito.

“Bata lang ba ang puwedeng magsumbong? Opps, baka naman gusto mong magsumbong sa papa mong patay na?” Halakhak nito, animo'y sasabog na ang tiyan nito sa kakatawa.

Napatiim si Vanessa. “Iniinsulto mo ba ako, Natasha? Nagtatrabaho ako ng marangal dito tapos—”

“I don't give a fûck about you, Vanessa. You're just a little piece of shít. At ang isang katulad mo ay dapat inaapakan ang pagkatao,” nakangisi nitong asik bago dinukot ang pitaka sa bag. Kumuha ito ng isang libo, ginusumot bago ibinato sa kaniya. “Ayoko na ng milk tea mo, baka malagyan pa ng ka-cheap-an mo. Let's go, baby, umalis na tayo.” Sabay hila nito kay Lander palayo.

Nanubig ang mga mata ni Vanessa nang mga oras na iyon. Puno ng galit, inis, at kalungkutan ang buong pagkatao niya nang sandaling iyon. Galit at naiinis siya kay Natasha. Nalulungkot naman siya para kay Lander dahil wala man lang itong ginawa. Nakatitig lang, na parang wala silang pinagsamahan.

Nasira agad ang araw niya kaya maghapon siyang hindi nakapag-focus sa pagtatrabaho. At nang sumapit ang kinagabihan, napagpasyahan na niyang umuwi. Ngunit malayo pa lang sa bahay, napakunot-noo agad siya nang makita niyang may nakahintong sasakyan sa harap ng bahay nila.

Dali-dali siyang tumakbo at pumasok sa loob, at napasinghap siya nang makita ang isang lalaki sa loob. Abala ito sa pagtingin ng mga larawan nila.

“Sino ka?!” bulyaw niya rito.

Agad niyang nakuha ang atensyon nito. Dahan-dahan itong bumaling sa kaniya, at bumungad sa kaniya ang mukha nitong hindi niya kayang baliwalain. Kahit halatang maraming taon ang agwat nito sa kaniya, nangingibabaw pa rin dito ang kaguwapuhan nito na sinuman ay mapapatigil kapag nakita.

“Hi, my daughter…” sambit nito na ikinabagsak ng panga niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 06: First Day at the Verde Valle

    Hindi pa man sumisikat ang haring araw, gising na si Vanessa. Kasalukuyan siyang nasa balkonahe ng silid niya—tinatanaw ang napakalawak na lupain sa harap niya. Magpahanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala na sa isang iglap, nagbago ang buhay niya. Kailanma'y hindi niya hinangad ang ganitong buhay, pero ito ang ipinagkaloob sa kaniya.Halos hindi na siya nakatulog sa kasiyahan dahil sa naganap kagabi—kung saan binigyan siya ng Tito Hector niya ng black card—na maaari niyang gamitin kung saan at kahit kailan. Namangha siya rito sa angking kabaitan nito sa kaniya kahit hindi pa sila ganoon magkakilala. Ramdam niya ang kabutihan nito sa kaniya—sa kanila ng démonya niyang nanay-nanayan. Pero hindi maiwasan ni Vanessa ang mapaisip—makakayanan kaya ng Tito Hector niya ang ugali ng stepmother niya?Marahas na lang na napabuntong-hininga si Vanessa nang sandaling iyon. At sakto namang pagsilip ng araw, ay siyang pagdating ni Manang Conchita.“Magandang umaga, Vanessa. Kumusta ang tul

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 05: Welcome to the Family

    Pagkabukas ng malaki at matayog na pinto ng mansyon, bumungad sa kanila ang mga nakahilerang kasambahay. Sa gitna nila, nakatayo naman ang isang matandang babae na naiiba ang uniporme sa kanila. Ngumiti ito bago naglakad palapit sa kanila.“Maligayang pagdating sa Verde Valle!” bati nito. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito,” sambit pa nito habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.“Manang Conchita, I'd like you to meet my new wife, Clarisse. And she's Vanessa, my stepdaughter…” pakilala sa kanila ni Hector sa matanda.Malapad na ngumiti si Vanessa. “Magandang gabi po sa inyo.”“Magandang gabi rin, señorita.” Tango nito sa kaniya bago binalingan ang nanay-nanayan niyang kung makalingkis sa asawa akala mo nama'y aagawin ito sa kaniya. “At magandang gabi rin sa ‘yo, señora. Ako si Conchita, ako ang nagsisilbing mayordoma ng mansyong ‘to. Ikinagagalak ko kayong makita at makilala!” sabi pa nito bago humarap sa mga nakahilerang kasambahay. “Mga anak, kunin ang kanilang mga g

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 04: Bagong Asawa, Bagong Ama

    “D-D-Daugther?” naguguluhang usal ni Vanessa sa sinaad ng lalaki.Malapad itong ngumiti sa kaniya bago lumapit. “I am Hector, and I'll be your stepfather,” pakilala nito bago inilahad ang kamay sa harap niya.Mariin siyang napalunok nang sandaling iyon habang nakatitig sa kamay ng lalaki. Hindi niya alam ang gagawin, bakas pa rin sa mukha niya ang gulat. Una, tinawag siya nitong daughter, tapos ngayon, stepfather niya ito? Paano nangyari iyon?Napuno ng pagtataka ang buong pagkatao ni Vanessa nang mga oras na iyon kaya naman inangat niya ang kaniyang mukha rito, kung saan awtomatikong nagtama ang mga mata nila. Malapad pa ring nakangiti ang lalaki—lumantad pa sa kaniya ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. Kakaiba rin ang tingin nito sa kaniya. Hindi niya mawari kung anong uri ng tingin iyon, pero sigurado siya—may kakaiba talaga rito.“Did I surprise you?” natatawang tanong ni Hector bago ibinaba ang kamay.“Bakit niyo po ako tinawag na daughter? At… at bakit niyo po sinab

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 03: Hi, My Daughter

    Hindi matukoy ni Vanessa kung saan siya paparoon, mawala lang ang sakit na pinagdaraanan niya. Gusto niyang makalimot, ngunit hindi niya magawa sa kadahilanang si Lander pa rin ang laman ng kaniyang puso’t isip. Ilang araw na ang nakakalipas nang makita niya itong kasama si Natasha, ilang araw na rin siyang umiiyak, kaya halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Ganito pala kasakit ang lokohin. Si Lander ang kauna-unahan niyang nobyo, ito rin pala ang kauna-unahang magpapawasak sa puso niya.“Pinaglaruan ka lang ng lalaking ‘yon, Vane. Kalimutan mo na nga siya, ‘di naman siya kaguwapuhan,” usal ni Fatima habang nagluluto ito ng umagahan.Dito niya ito pinatulog sa bahay nila dahil sa kalungkutang nararamdaman niya. Natatakot siyang mag-isa, lalo pa't hanggang ngayon ay wala nang paramdam ang nanay-nanayan niya sa kaniya. Ni text o tawag, wala siyang natatanggap dito. “Sa loob ng tatlong buwan, nakita ko ang sinseridad ni Lander sa ‘kin. Mahal niya ‘ko, Fatima. H-Hindi ko lang mawari

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 02: Eskandalosang Nanay-nanayan

    “Punong-puno ng pasa ‘yang mukha mo, Vanessa, anong nangyari?” may pag-aalalang tanong ni Aling Rosa, isa sa mga tindera ng mga gulay sa palengke.Yumuko si Vanessa upang itago ang kaniyang mukha. “W-Wala po, Aling Rosa. O-Okay—”“Palagi na lang ‘yan ang sinasabi mo, eh. Halos araw-araw, may pasa ka. Hindi pa gumagaling, may panibago na naman. Ang nanay-nanayan mo ba ang may dahilan niyan?” Bakas pa rin ang pag-aalala sa tinig ng matanda.Kung puwede niya lang sabihin na ang stepmother niya nga ang may gawa ng mga pasa niya, nasabi na niya. Subalit sa takot dito, mas pinili na lang niyang manahimik. Bunga nang pagmamaltrato nito ang mga bakas sa kaniyang mukha. Kagabi, nakatikim na naman siya rito. Kulang daw ang benta niya, nangupin daw siya. Wala iyong katotohanan—hinding-hindi niya iyon magagawa. Sa huli, pinagbuntunan siya nito ng galit. Namamaga rin ang mga mata niya dahil sa kakaiyak buong magdamag.“H-Hindi po, Aling Rosa. Wala pong kinalaman si tita rito. Nahulog lang po ako s

  • My Secret Lover is My Billionaire Stepfather (SPG)   Kabanata 01: Kalupitan sa Buhay ni Vanessa

    Tumutulo ang ilang butil ng luha sa magkabilang mata ni Vanessa habang prenteng nakaupo sa bangko—ang kaniyang mga palad ay nakakuyom dala ng matinding galit. Mula sa silid na hindi kalayuan sa kaniya, umaalingawngaw ang mga ingay na puno ng init, tûkso, at pàgnanasa. Sa lakas, maski pag-uumpugan ng mga katawan nila ay naririnig din niya, at pakiwari niya'y mabubuwal na siya sa kinauupuan niya sa diri at pagkasuklam na nararamdaman niya. “Ohhh, ayan… pagsawaan mo ‘ko, Alfred! Ohhh… ahhh… yeahhhh… ibibigay ko ang lahat ng nais mo, paligayahin mo lang ako ng pera mo…!” Natutop na lang ni Vanessa ang mga labi nang marinig ang sinabi ng kaniyang stepmother na si Clarisse. “Oo, Clarisse! Kahit kailan ay hindi ako magsasawa sa ‘yo. Nàpakasarap mo—mas màsarap ka pa sa asawa ko!” wika naman ng kàtalik nito, si Alfred. Hindi na alam ni Vanessa ang gagawin nang mga oras na iyon. Itinaklob na lang niya sa kaniyang magkabilang tainga ang mga palad, ng sa gayon ay hindi niya marinig ang mga

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status