Stella's POV Nakasunod lang si Randall sa akin mula sa sasakyan hanggang sa malamig na marmol na hagdanan ng Garcia Elite Builders and Development Corporation. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang ko. Ngayon gaganapin ang formal launching ko bilang bagong CEO, isang posisyong ipinataw lang sa akin ng mga magulang ko. Wala akong choice. Kailangan ko rin mapatunayang hindi ako adik. "Sandali lang, Stella," ani Randall habang nakapasok na kami sa loob ng malawak na lobby. Huminto ako at tiningnan siya. "Breathe. Naka-standby na lahat ng security." Agad kong nakita ang mga magulang ko, sina Mommy at Daddy, na nakatayo malapit sa malaking logo ng kompanya. Nakangiti sila sa mga importanteng tao, pero ramdam ko ang pagiging seryoso sa kanilang mga mata. "Stella, darling!" bati ni Mommy nang makalapit na ako. Niyakap niya ako, isang mahigpit na yakap na puno ng babala. "Mommy. Daddy," bati ko, hinalikan ko siya sa pisngi at saka si Daddy. "Maganda ang itsura mo, anak," sabi ni Daddy, p
Last Updated : 2025-11-22 Read more