Randall's POV Maaga pa lang, alerto na ako habang pinagmamasdan ko si Stella sa likuran ng van. Tahimik siya habang tinitingnan ang tablet niya, puro schedule, puro reports, puro kailangan niyang ayusin. Kita ko sa balikat niya na pagod na siya, pero pilit niyang itinatayo ang sarili niya. CEO siya—kahit ayaw niya, kailangan niyang kumilos na parang sanay na. “Randall,” tawag niya bigla. “Mamaya, ikaw ang bahala sa crowd control sa site. Ayoko ng biglang may lumalapit na hindi ko kilala.” Tumango lang ako. “Oo. Ako bahala.” Hindi siya tumingin, pero tumaas ang kilay niya na parang nag-a-assume na susundin ko. “And don’t be weirdly strict ha? Hindi ako mamamatay kung may lalapit.” “Depende,” sagot ko. “Kung mukhang may balak, hindi ko papalapitin.” “Grabe ka. Hindi ako Presidente ng bansa.” “You’re important,” sagot kong diretso. Napahinto siya, pero hindi niya pinansin. Ayokong isipin niya na may iba akong ibig sabihin, kahit alam kong may mali na sa nararamdaman ko. Pagdatin
Last Updated : 2025-11-23 Read more