Damien's POV Pinagmasdan ko si Flora habang mahimbing siyang natutulog sa kama. Pareho kaming hingal kanina, pero ngayon, tahimik na ang mukha niya. Nakapikit, kalmado. Halatang napagod sa lima naming round. Hindi ko alam kung paano ko nagawa, pero sigurado ako na siya ang dahilan kung bakit hindi ako napapagod. Dahan-dahan kong inabot ang bedside drawer at kinuha ang maliit na kahon na ilang buwan ko nang tinatago. Inangat ko ng kaunti at binuksan. Kumislap ang singsing. Simple lang, pero pinili ko ito dahil alam kong bagay kay Flora. Hindi niya gusto ng magarbo, mas gusto niya ng maayos, elegante, at hindi halata. Kagaya ng ugali niya. “Sa wakas,” bulong ko sa sarili ko. Ito ang singsing na dapat noon ko pa ibinigay. Pero dahil pareho pa kaming magulo noong mga panahong iyon, wala akong nagawa kundi sumabay sa takbo ng sitwasyon. Secret wedding, walang engrandeng celebration, walang magulang, walang kaibigan, walang kahit sino. Kami lang. Papers lang. Walang moment na lumuhod ak
Huling Na-update : 2025-11-19 Magbasa pa