Stella’s POV Pagmulat ko ng mata, si Randall agad ang nakita ko. Nakaupo siya sa gilid ng kama, nakasandal ang ulo niya sa braso ko, hawak pa rin ang kamay ko na parang hindi niya binitawan buong gabi. Pagtingin ko sa wall clock, lagpas alas-onse na ng umaga. Napansin ko ang bahagyang pagkagalaw ni Randall. Gumalaw ang balikat niya, tapos bigla siyang bumangon nang makita niya akong gising. “Baby,” mabilis niyang sabi, agad niyang hinawakan ang pisngi ko. “Hey… gising ka na. Can you see me clearly? Masakit pa ulo mo?” Huminga ako nang malalim. “Hindi na masyado. Medyo masakit pa rin, pero mas gumaan.” Para siyang ni-release mula sa pagkakaposas. Napahawak siya sa dibdib niya, halatang sobrang nabawasan ang kaba. “Thank God,” sabi niya, sabay haplos ng buhok ko. “Kanina ko pa hinihintay na magising ka.” Bumukas ang pintuan. Pumasok ang doktor at isang nurse. “Good morning, Miss Garcia,” bati ng doktor. “Glad to see you awake.” “Good morning,” sagot ko, medyo paos ang boses ko.
Last Updated : 2025-11-30 Read more