Stella’s POV "Happy Fifth Birthday, Elijah Reed!" masayang bati ko sa anak ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Kagigising niya lang, pero agad siyang ngumiti. Halatang excited siyang mag-birthday. "Good morning, Mommy," sabi niya, pero agad nag-iba ang mukha niya. "I need a daddy." Parang tinamaan ako. Hindi ko agad nasagot. Napahinto rin si Mommy Flora sa pagkanta, at pati mga kapatid ko na sina Sevi, Steve, Summer, at Shakira ay sabay-sabay na napatingin sa akin. Si Sevi ang unang nagsalita. "Matagal nang patay ang Daddy mo, Eli. You don't need to think about him anymore." Agad umirap si Elijah. "But I want a dad. We should help Mommy in finding me a new dad. We can put a signage or billboard that my mom is looking for a husband." "Elijah…" bulong ko, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa. Bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Will Cortez, suot pa ang corporate attire niya. Ngumiti siya nang makita kami. "Good morning. Good morning, Elijah.
최신 업데이트 : 2025-12-06 더 보기