Stella’s POV Pagkatapos ng meeting, agad kong kinuha ang phone ko. Nanlamig ang mga daliri ko nang makita ko ang 30 missed calls from Mom. Sunod kong nakita ang 10 missed calls from Randall. May mga tawag din sina Sevi, Steve, Summer, at Shakira, pero wala kahit isang text mula sa kanila. Mas lalo akong kinabahan. Hindi nila ugali ang tumawag nang sunod-sunod na walang kasamang mensahe. Tumawag uli si Mommy. Sinagot ko agad. “Hello, Mom?” “Ste—Stella…” Nanginginig ang boses niya. Parang naghahabol siya ng hininga. Parang umiiyak. “Mom? Bakit ganyan ang boses mo? May nangyari ba?” “Pwede ka bang pumunta sa ospital?” halos pabulong niyang tanong. “Ospital? Bakit? Anong nangyari?” “Just come here, anak. May kailangan kang makita… may kailangan kang malaman.” “Mom, ano—” Pero binaba na niya ang tawag. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makahinga nang maayos. Tumawag ako agad kay Ynez. “Ynez, ikansela mo lahat ng meeting ko today. May emergency ako. As in ngayon
Last Updated : 2025-12-04 Read more