Randall’s POV Pinilit kong huwag puntahan si Stella. Araw-araw, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na kailangan kong mag-focus sa mas mahalagang bagay—sa plano, sa paghihiganti, sa pagbubunyag ng lahat ng baho ng mga taong sumira sa buhay naming lahat. Hindi madali. Lalo na kapag alam kong ilang kilometro lang ang layo niya, kasama ang anak namin. Si Anastasia ang tumulong sa akin sa lahat. Siya ang utak ng plano. Siya ang nagsabi kung paano namin lalabas sa publiko, kung paano kami kikilos, kung anong mga salita ang dapat naming bitawan sa harap ng media at ng business world. Aminado ako—nakakairita, nakakahiya, at minsan gusto ko na lang umatras. Pero tiniis ko. Kailangan kong malaman kung may epekto pa rin ba ako kay Stella. Kung may pakialam pa rin ba siya. “Hold my hand tighter,” bulong ni Anastasia habang naglalakad kami papasok sa building. “Relax,” sagot ko. “Hindi ito fashion show, Anas.” “Hindi, pero this is García Elite Builders,” sabi niya. “Maraming mata. Maraming
Last Updated : 2026-01-11 Read more