Flora’s POV Madalas na ngayon si Conrad sa bahay. Halos araw-araw, siya ang kasama ko—sa grocery, sa mga check-up ni Stella, kahit simpleng paglalakad sa park. Alam kong may mga matang nakamasid sa amin. At isa lang ang nasa isip ko: gusto kong magselos si Damien. Hindi naman kasi siya tumigil sa kakasunod. Kahit ilang beses ko nang sabihin na ayokong makita siya, parati pa rin siyang sumusulpot. Sa tuwing dumadaan kami ni Conrad sa labas ng condo, nandoon siya, nakatayo lang, nakamasid, parang nagbabantay. “Flora,” tawag ni Conrad habang iniaabot ang diaper bag ni Stella. “Sure ka ba talaga sa ginagawa mo? Kasi parang mas lalong umiinit ang ulo ni Damien, ha.” Ngumiti ako habang nilalagay ang bote ng gatas sa bag. “Hayaan mo siya. Wala naman akong ginagawang masama. Friends lang naman tayo, ‘di ba?” “Friends, oo,” sabay tawa ni Conrad, “pero kung titingnan sa malayo, parang mag-asawa tayo. Lalo na ‘pag buhat-buhat ko si Stella.” “E ‘di mas maganda,” sabi ko, may halong biro. “At
Huling Na-update : 2025-11-14 Magbasa pa