Isabela POV"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo, Liam," pilit na pakalma kong sagot. Ngunit kahit anong pigil ko, ang boses ko ay parang marupok na sinulid, isang hila lang, mapuputol na."Talaga ba?" Isang tipid na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, ngunit ang kanyang mga mata ay nanatiling malamig at mapanuri. "We'll see, Isabela. We'll see."Hindi pa ako nakakabawi sa talim ng kanyang mga salita nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Ang tunog na iyon ay parang isang pagsabog sa gitna ng aming katahimikan. Muntik ko na itong mabitawan nang makita ko ang pangalan ni Mommy. Hindi tumatawag si Mommy sa ganitong oras, lalo na’t alam niyang nasa gitna ako ng isang mahalagang meeting. Maliban na lang kung..."Excuse me," mabilis kong paalam. Lumayo ako ng ilang hakbang, ang bawat segundo ng paglalakad ay parang isang taon."Hello, My? May problema ba?""Nasa ospital kami ngayon, Isa! Isinugod namin si Maeva. Biglang tumaas ang lagnat niya, ang bilis, hindi
Read more