Liam’s POVNapako ang tingin ko sa pulang ilaw ng traffic light. Humihinga ako nang malalim, pero ang bawat singhap ko ay tila lason na nagpapakulo sa dugo ko. Isang pangalan lang ang paulit-ulit na bumubutas sa utak ko. Maeva."Maeva... ang anak ni Isabela," bulong ko. Ang boses ko ay naging kasing-talim ng labaha, malamig at walang emosyon. "Gusto ko ng DNA test. Sa kahit anong paraan, Jared. Suwayin mo lahat ng protocol. Kumuha ka ng sample ng buhok, gamit na tissue, o kahit anong galing sa batang 'yun sa loob ng ospital. I want the results on my desk before I step foot back in Singapore.""Liam, seryoso ka ba?! Ospital 'yan, baka mapahamak si Isabela!" sigaw ni Hudson sa tabi ko, bakas ang pangamba sa boses niya.Hindi ko siya nilingon. Nanatiling diretso ang tingin ko sa kalsada. "Gawin mo ang utos ko, Jared. At ihanda mo ang lahat ng records sa mansyon anim na taon na ang nakalipas. CCTV, logs, lahat. Gusto kong malaman kung sino ang pumasok at lumabas sa kwarto ko nung gabin
Read more