Isabela’s POVApat na araw na ang nakalipas simula nang umalis si Liam para sa kanyang business trip sa Paris. Sa loob ng apat na araw na iyon, ang tanging tulay na nag-uugnay sa aming dalawa ay si Maeva. Naging maingat si Liam, bawat tawag niya ay seryoso, direkta, at walang bahid ng pangungulit. Walang "Mhine," walang matatamis na salita, at walang pagtatangkang kontrolin ako.Mukhang naging epektibo ang pananakot ko sa kanya sa parking lot. Pero bakit ganoon? Sa tuwing ibinababa ko ang telepono matapos niyang makausap ang anak namin, may bahagi ng puso ko na tila hungkak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sinasabi ko sa utak ko na hindi na ako muling magpapaloko, pero ang katahimikan niya ay tila mas maingay pa sa mga sigaw ni
Mehr lesen