“Jade.” Inangat ni Jade ang kamay niya. “Jade ang pangalan ko, ikaw, anong pangalan mo?”
“I’m Oliver.” At tinanggap ni Oliver ang kamay niya. “Tinatanggap mo na ba ang alok ko?” tanong niya pa. “Gusto kong pag-usapan natin nang masinsinan iyan. Ayoko ng ganito lang.” “Sure. Puwede tayong mag-usap sa isang coffee shop.” Tumango lang si Jade bilang tugon kay Oliver. Samantalang si Oliver naman ay inaya na si Jade sa pinakamalapit na coffee shop. Um-order muna sila ng kape bago ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap. “Bakit hindi ka na lang mag-asawa?” tanong ni Jade matapos s******p sa kaniyang kape. “Ayokong mag-asawa,” kaagad na tugon ni Oliver. “I hate women,” anito pa. Mabilis na napakunot-noo si Jade sa tinuran ng lalaki. “Bakit naman?” Nagkaroon tuloy siya ng interes kay Oliver. “I am traumatized.” Bumuntong-hininga si Oliver bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Niloko ako ng ex ko, at natatakot akong magmahal muli. Paano kung masaktan ulit ako?” “Syempre, kailangan mong piliin iyong babaeng mahal ka rin. Iyong babaeng hindi ka lolokohin. Marami namang babae na hindi katulad ng ex mo,” wika ni Jade. Sunod-sunod na umiling si Oliver. “Mas okay nga sa akin ang tumandang walang asawa. All I want now is to have my own child.” Muling s******p si Jade sa kaniyang kape at halos isang minutong pinasadahan ng tingin si Oliver bago nagsalita. “Tinatanggap ko na ang alok mo. Kailan natin sisimulan?” Pikit-matang tinanggap ni Jade ang alok ni Oliver dahil sa matinding pangangailangan. Kailangan na nilang matubos ang bahay nila sa lalong madaling panahon kaya kahit ano ay handa siyang tanggapin. Tapos na-scam pa sila kaya halos pagsakluban ng langit at lupa si Jade kanina. Nanghina siya. “May tanong lang ako. May boyfriend ka na ba? Ayokong magkaroon ng conflict itong gagawin natin.” Bahagyang natawa si Jade. “Wala akong boyfriend at…” Napakagat-labi si Jade. “At virgin pa ako…” Namilog agad ang mga mata ni Oliver sabay sunod-sunod na napalunok. “Oh, I-I didn’t ask that part…” “Virgin pa ako kaya hindi mo kailangang mag-alala. Wala pang nakakagalaw sa akin. Hindi ko kasi priority ang magkaroon ng boyfriend ngayon dahil busy ako sa pagtatrabaho.” “Puwede na tayong magsimula mamayang gabi. We can do it in my condo. Pagkatapos, iaabot ko na rin sa iyo ang bayad ko.” “Mamayang gabi na agad?” gulat na tanong ni Jade. “Kailan mo ba gusto?” “Puwede namang bukas o sa makalawa. Kailangan ko munang magpahinga, kakagaling ko lang kasi sa shift ko.” “Sure, we can do it tomorrow night. Puwede bang makuha ang cellphone number mo?” Kaagad na tumango si Jade kaya naman mabilis na dinukot ni Oliver ang cellphone sa kaniyang bulsa. Nang abutin niya iyon kay Jade, tinipa nito agad ang numero sa cellphone niya bago ibinalik sa kaniya. “One last question, sigurado ka na ba?” paninigurado ni Oliver kay Jade. “Kailangan naming matubos ang bahay namin kaya kahit ano, tatanggapin ko na. Wala na ang pera namin, hindi ko alam kung paano pa ako makakapagsimula.” It’s a yes. Sunod-sunod na tumango si Oliver. Sandali pa silang nag-usap ni Jade bago tuluyang nagpaalam ang babae sa kaniya. Sinundan ng mga mata niya ang papalayong bulto nito hanggang sa tuluyan na itong mawala. Malapad ang ngiti sa mga labi ni Oliver ng sandaling iyon. Hindi na siya makapaghintay para bukas. Gusto na niyang matapos ang araw na ito. Ilang minuto pang nanatili si Oliver sa coffee shop bago niya napagdesisyunan na umuwi. “PASENSYA na talaga, Jade. Hindi namin inakala na lolokohin kami ni Bestie.” Pagkapasok pa lang ni Jade sa bahay nila, bumungad agad sa kaniya ang mama niyang hilam ang mga mata. “Ma, wala na po tayong magagawa. Ang kailangan po nating gawin ngayon ay ipademanda iyang kaibigan niyo. Nakagawa na po ako ng paraan, matutubos na rin po natin itong bahay natin.” “Saan ka nakadelihensya, anak?” nagtatakang tanong ng mama niya. Bumuga nang marahas na hangin sa bibig si Jade bago sinagot ang mama, “Nangutang po ako. Huwag niyo na pong itanong kung kanino. Sige po, aakyat na po ako sa kuwarto ko at para makapagpahinga na po ako. May shift pa po ako mamaya.” Hindi na hinintay ni Jade na makasagot ang mama niya. Pumanhik na siya sa kaniyang silid sa ikalawang palapag. Nang makarating, kaagad ibinagsak ni Jade ang sarili sa kama at tumitig sa kisame. Iniisip niya kung tama bang tinanggap niya ang alok ni Oliver. Sampung milyon. Saan ka makakakuha ng sampung milyon ngayon? Kailangan lang niyang magbuntis sa anak ni Oliver, at dalhin iyon sa sinapupunan niya sa loob ng siyam na buwan. Wala nang pagpipilian si Jade ngayon. Bahala na kung ano ang mangyayari. HINDI na namalayan ni Jade ang oras. Dumating na naman ang oras nang pagtatrabaho niya. Pumasok siya ng gabi, samantala ang iba niyang katrabaho ay pauwi na. At dahil sa napagkasunduan nilang dalawa ni Oliver, nagpaalam siya sa supervisor niya na hindi siya makakapasok sa susunod na gabi. Pumayag naman kaagad ito kaya naging smooth ang pagtatrabaho ni Jade hanggang sa matapos ang shift niya. Kaagad siyang umuwi sa kanilang bahay at nagpahinga. Nang magising siya, hapon na. Sakto namang nag-ingay ang cellphone niya kaya kinuha niya iyon at nang makitang may tumatawag, sinagot niya agad iyon. “Hello, sino ito?” Bungad niya. “It’s Oliver, Jade.” “Oliver, ikaw pala.” “Magkita tayo sa Ayala Triangle Gardens. I’ll see you there at exactly 8 P.M.” “Sige-sige.” “See you there, Jade,” malambing na wika ni Oliver bago nito pinatay ang tawag. Natatawang napailing si Jade. Ibinaba niya ang kaniyang cellphone at humikab. Kahit maaga pa, naghanda na siya. At dahil ito ang kauna-unahan niyang pakikipagtalik, sinigurado ni Jade na malinis ang buo niyang katawan. Nagkudkod siya para maganda at presentable siya sa paningin ni Oliver.Huling Kabanata Sunod-sunod ang palakpakan ng sandaling iyon. At nang matapos ang halikan nina Jade at Oliver, humarap sila sa mga tao. Kita nila sa mukha ng mga ito ang kasiyahan. Hindi mapigilang maging emosyonal ni Jade ng sandaling iyon. Napaiyak na siya dahil hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa buhay niya. Hindi niya inasahan na sa alok ni Oliver, mahahanap nila ang pag-ibig sa isa’t-isa.Matapos ang kasal, imbes na dumiretso sa reception, lumipad sina Jade at Oliver patungo sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Doon nila ginawa ang magiging kapatid ni Elijah.“Sana babae naman…” sambit ni Oliver.Nakahiga sila ngayon sa kama habang may nakatabing na kumot sa kanilang mga hubad na katawan.“Sana nga. Kung babae, anong ipapangalanan mo?” tanong ni Jade sa asawa.“Olivia. Olivia ang gusto kong ipangalan sa kaniya.”“Ha? Hindi mo man lang ba siya hahaluan ng pangalan ko?” nakabusangot na tanong ni Jade.“Don’t worry, sa pangatlo nating anak, ikaw na ang masusunod sa pangalan
“Suportahan niyo lang ang bawat isa at ipakita niyo ang affection niya sa isa’t-isa. I swear, magtatagal kayo. If may problema naman kayo, huwag kayong mahiyang magsabi sa amin.”“Opo, dad,” tatango-tangong sagot ni Jade rito.Isang mahigpit na yakap ang natanggap niya mula sa biyenan at makalipas ang ilang segundo, humiwalay na rin ito.“Nakalimutan kong sabihin. Welcome to our clan, Jade. You’re now a Santibañez.”“Ako na nga po si Jade D. Santibañez.”“It fits on you,” ang sabi ng kakarating lang na si Laura. Niyakap nito si Jade. “Congratulations sa inyong dalawa ni Oliver. Masaya ako para sa inyo,” anito pa.“Salamat po, mom,” puno ng galak na bulalas ni Jade.Magaan ang pakiramdam niya dahil tanggap na tanggap na talaga siya sa pamilyang ito. At hindi sasayangin ni Jade ang tiwalang ipinagkaloob ng mga ito sa kaniya. Habang-buhay niya iyong panghahawakan at iingatan.Sa kabilang dako naman, emosyonal na niyakap ni Oliver ang papa ni Jade nang bigyan siya nito ng karapatan kay Ja
“MATAGAL na naming itinutulak si Oliver na mag-asawa na. Siya lang kasi ang anak namin kaya ganoon kaming mag-asawa. At masaya kami ngayon dahil sa wakas, nakahanap na rin siya ng tamang babae…” sambit ng ama ni Oliver.Kasalukuyan silang nasa bahay ng mga Santibañez at nagtatanghalian. Nasa dining area sila at kasama ni Oliver ang mommy at daddy niya samantalang kasama naman ni Jade ang mama at papa niya. Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang iluwal ni Jade ang anak nilang dalawa ni Oliver na si Elijah. Nang malaman ng pamilya niya ang katotohanan, sumugod agad ang mga ito sa ospital kung saan siya naka-admit at doon na sinabi ng dalawa ang lahat. Kabaliktaran ang nangyari sa inaasahan ni Jade noon dahil imbes na makatanggap siya ng sermon o panghuhusga, masaya pa ang magulang niya sa kaniya—sa kanilang dalawa ni Oliver at kay Elijah. Ganoon din ang mag-asawang Santibañez. Maluwag na tinanggap ng mag-asawa sa pamilya nila si Jade. Walang naging hadlang sa kanilang dalawa kaya
NANG sumapit ang kinabukasan, nagpaalam na si Oliver kay Jade. Subalit hindi pa man nakakaalis ang lalaki, bakas na agad ang kalungkutan sa mukha ng babae.“Bakit malungkot ka, Jade?” nag-aalalang tanong ni Oliver sa babae. “Are you okay?” aniya pa.“Aalis ka na?” Dama ni Oliver ang kalungkutan sa tinig ng babae ng sandaling iyon.“Yeah, I will,” tugon ni Oliver. “Kailangan kong pamahalaan ang kumpanya ni dad, Jade, kaya kailangan kong umalis,” aniya pa.Pero mas lalong naging malungkot si Jade ng oras na iyon. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at naglakad palabas ng bahay habang si Oliver naman ay sumunod sa kaniya.“What’s wrong?” Mas lalong nag-alala si Oliver dahil sa inakto ni Jade.“Wala, sige na, umalis ka na.”“Ayaw mo ba akong umalis? Puwede naman.”“Ayokong abalahin ka, Oliver. Kaya sige na, umalis ka na. Mas mahalaga pa iyong kumpanya kaysa sa akin.”Walang kakulay-kulay ang tagpong iyon. Balot na balot iyon ng kadiliman. Hindi mawari ni Oliver kung bakit ganito ang inaakt
MABILIS na lumipas ang araw, linggo, at buwan. Namalayan na lang ni Jade na pitong buwan na siyang buntis. At dahil may kalakihan na ang tiyan niya, napagdesisyunan ni Oliver na patirahin muna siya sa farmhouse ng pamilya nito kasama ang mayordomang si Manang Sonya.Pansamantala munang tumigil si Jade sa pagtatrabaho at babalik na lang siya kapag naipanganak na niya ang anak ni Oliver. Ilang buwan na siyang nasa probinsya at sa katunayan ay nami-miss na ni Jade ang pamilya niya. Nagpaalam siya sa mga ito na magbabakasyon lang siya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagdesisyon si Jade. Wala pa siyang lakas na sabihin ang katotohanan sa mga ito dahil natatakot siyang mahusgahan ng mga taong nakapaligid sa kanila.Malapit na niyang iluwal ang anak ni Oliver. Pagkatapos, kakalimutan na lang nila ang isa’t-isa. Masakit para kay Jade iyon pero iyon ang napag-usapan nila at wala siyang balak na sirain iyon. Sa loob ng maraming buwan, inalagaan siya ni Oliver na parang asawa na
SA kabilang dako naman, halos hindi makaimik si Oliver nang sabihin ng dad niya na ibibigay nito sa kaniya ang kumpanya nito. “I’m 55, Oliver. Sa tingin ko, oras na para ibigay ko sa iyo ang kumpanya. Alam ko naman na kaya mong pamahalaanan iyon. Matalino ka…” anang dad niya. Nasa living area sila ng sandaling iyon. “Are you sure about that, dad?” paninigurado pa ni Oliver. “Yes, matagal ko nang plano ito. Kanino ko pa ba ibibigay ang kumpanya? Ikaw lang naman ang anak namin ng mommy mo.” “Thanks, dad. I will take care of your company. I will not disappoint you. I can multitask. Hindi ko pa rin iiwan ang pagiging architect ko.” “That’s good. Kung may oras ka, puwede kang bumisita.” Tumango si Oliver. Nagpaalam na rin siya sa dad niya dahil may kailangan siyang asikasuhin sa isang niyang kliyente. Ngunit hindi pa man siya nakakahakhang palayo rito nang bigla nitong tawagan ang pangalan niya. Nakakunot-noong hinarap ni Oliver ang dad niya. “Bakit, dad?” Sandali