SA KABILANG dako naman, dali-daling pumasok si Jade sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Kahit humahangos, hindi pa rin niya nakalimutan na batiin si Kuya Nestor, ang guwardiyang ka-close niya rito.
At habang naglalakad patungo sa palapag kung nasaan ang station niya, nakasalubong niya ang mga katrabaho niyang kakatapos lang kanilang shift. “Good evening, Jade. Pauwi na kami, papasok ka pa lang,” natatawang saad ng isa sa mga ka-close niya sa kumpanya. “Oo nga, e. Ingat kayo sa pag-uwi niyo,” tugon ni Jade. Nagtanguan ang mga ito kaya naman nagpatuloy na si Jade sa paglalakad hanggang sa makarating na siya sa palapag kung saan sila nagtatrabaho. Dali-dali niyang dinako ang kaniyang posisyon at umupo roon. “Magandang gabi, Jade,” bati ni Wenny, isa sa mga ka-officemate niya. “Magandang gabi rin, Wenny,” pabalik na bati ni Jade kapagkuwan ay isinuot na ang headset sa ulo niya. Ilang segundo pa lang ang nakakalipas, may tumawag na aagad sa kaniya. Bumuntong-hininga muna si Jade, sunod-sunod na lumunok ng laway, at malapad na ngumiti bago sinagot ang tawag. “Thank you for calling 24/7 customer service. This is Jade. How may I help you today?” Nagtatrabaho bilang isang call center agent si Jade sa isang kilalang courier company rito sa Metro Manila na kung tawagin ay 24/7 Express. Magdadalawang taon na rin sa serbisyo si Jade at kahit mahirap, kinakaya niya para sa pamilya niya. Graveyard shift ang tawag sa oras nang pagtatrabaho ni Jade. Simula alas-onse ng gabi hanggang alas-siyete ng umaga ang trabaho niya. Mahirap sapagkat puyat ang kalaban niya kaya kapag sa umaga at tanghali, natutulog siya para naman makabawi siya sa mga oras na hindi siya natulog. Risky. Oo. Pero para sa pamilya niya, gagawin niya ang lahat lalo pa’t may kinakaharap sila ngayong isang malaking problema. Nakasangla sa bangko ang kanilang bahay at kailangan nila iyong matubos sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, kukunin na iyon ng bangko. Kaya nagpupursige si Jade para makaipon nang malaking halaga ng pera sapagkat hindi niya maaatim ang sarili na tumira sila sa kalsada o kung saan man sila dalhin ng mga paa nila. May naipon na naman sila, subalit hindi pa iyon sapat kaya nagpupursige si Jade makaipon lang ng sapat na pera para mabawi ang ari-arian nila. “Gusto kong makausap ang supervisor mo!” nanggagalaiting sambit ng kausap ni Jade sa kabilang linya. Galit na galit ito ngayon. Hindi na bago para kay Jade ang ganoong sitwasyon. Sa katunayan, normal na sa kanila ang masigawan ng mga tumatawag sa kanila, at imbes na magpa-apekto, mas pinili na lang nilang maging kalmado kahit maski sila’y gusto na ring manggalaiti. Respeto sa isa’t-isa ang isa sa mga bagay na kailangan nilang sundin sa kumpanyang ito. Nagpatuloy lang sa pagtatrabaho si Jade hanggang sa matapos na rin ang shift niya. Nag-ayos na siya at nagpaalam sa mga katrabaho niya bago pumanaog para makauwi na. Sa Cubao nagtatrabaho si Jade at sa Makati pa sila nakatira kaya para mabilis ang byahe ay sa MRT na siya sumakay. Habang tahimik na nakaupo, bigla na lang tumunog ang cellphone niya kaya kaagad niya iyong kinuha. Nang makitang tumatawag ang mama niya, agad niya iyong sinagot. “Anak…” umiiyak na bungad ng mama niya. “Ano pong nangyari, mama? B-Bakit po kayo umiiyak?” nag-aalala at ninenerbyos na tanong ni Jade sa mama niya. “Anak, nawala na iyong pera natin.” Patuloy pa rin ito sa pag-iyak. “Ho? Ano pong nangyari?!” Tumaas na ang boses ni Jade ng sandaling iyon at dumating na sa punto na may tumitingin ng mga tao sa gawi niya at isa na roon si Oliver na nakatayo sa harap ng babae. Palihim na nakababa ang tingin ni Oliver kay Jade habang pinapakinggan ang mga sinasabi nito. “Anak, na-scam tayo. Nangako si Bestie na papalaguin niya iyong pera natin pero… pero hindi ko na siya makontak. Wala nang paramdam si Bestie, anak…” “Ano po? Nag-invest po kayo nang hindi niyo sinasabi sa akin? Magkano po ang ibinigay niyo?” “Limang milyon, anak…” “Po?” Halos bumagsak ang panga ni Jade nang marinig iyon. “Nag-invest po kayo ng limang milyon tapos sasabihin niyo po sa akin na hindi niyo na po makontak iyang kaibigan niyo? Mama naman…” “Pasensya na, anak. Gusto ka lang naman naming tulungan, e. Hindi namin inisip ng papa mo ang maaaring mangyari. Pasensya ka na talaga, Jade. Sana’y mapatawad mo kami…” Unti-unting rumagasa sa mga mata ni Jade ang luha. Imbes na sagutin pa ang mama niya, pinatay na lang niya ang linya. Hindi niya kinaya ang nalaman niya, pakiramdam niya ay unti-unting nadurog ang puso niya nang malamang naglaho na lang na parang bula ang perang inipon nila para pangtubos sana sa bahay nila. Samantala, halos maestatwa si Oliver nang marinig ang lahat ng iyon. Nakaramdam siya ng awa sa babae dahil kitang-kita niya sa mga mata nito ang pagkadismaya habang patuloy na umiiyak. Gusto niyang i-comfort ito pero baka kung ano ang isipin nito sa kaniya. Nanatili na lang siya sa kinatatayuan habang tinititigan ang babae. Sa ilang segundong pagtitig dito, biglang may naisip na ideya si Oliver. Maganda ang babae. At mukhang tama si Dave. Kailangan na niya sigurong maghanap ng mapapangasawa. Pero anak ang gusto niya—hindi asawa. Kung papayag ang babae na dalhin nito sa sinapupunan nito ang anak niya, bibigyan niya ito ng limang milyon. Habang malalim ang iniisip, hindi na namalayan ni Oliver na tumayo na ang babae at naglakad na palabas. Kahit siksikan sa loob ng tren, sinundan niya pa rin ang babae. Hindi niya inalis ang mga mata niya rito kahit hanggang sa makalabas na sila. Sinundan niya lang nang sinundan ang babae hanggang sa bigla na lang itong tumigil at bumaling sa kaniya. Walang emosyon ang mukha nito ngayon, pero ang mga mata nito’y balot ng kalungkutan. “Wala akong maibibigay sa iyo,” walang buhay na tugon ng babae at nagpatuloy sa paglalakad. Pero dahil makulit si Oliver, sinundan niya pa rin ang babae. “Can we talk?” Habol niya rito. Humarap ang babae sa kaniya. “Ikaw iyong nakatayo sa harap ko kanina. Anong kailangan mo?” Walang kakulay-kulay ang boses nito—dama ni Oliver ang pinagdadaanan nito. “Hindi ako holdaper, snatcher, o kung ano man. Sinundan kita dahil may gusto lang akong ialok sa iyo.” Napakunot-noo agad si Jade. “Ano iyon?” “Narinig ko na na-scam kayo ng limang milyon. Gusto kitang tulungan. Kung papayag kang dalhin ang anak ko sa sinapupunan mo, bibigyan kita ng limang milyon.” Natawa si Jade. “Huwag mo nga akong pinagbibiro. Hindi ka nakakatuwa!” iritadong anas ni Jade. “Seryoso ako!” saad ni Oliver. Determinado talaga siya. “Gusto mo akong buntisin, ganoon ba?” Tumango si Oliver. “Oo, ganoon na nga. Dadalhin mo lang. After nine months, you can leave. Puwede mo nang iwan sa akin ang bata. Please, I’m begging you. Dodoblehin ko ang bayad ko, pumayag ka lang.” Sandaling nag-isip si Jade. Tiningnan niya mula paa hanggang ulo ang lalaki. Para kasing too good too be true ang alok nito. Pero base naman sa mukha ng lalaki, mukhang nagsasabi talaga ito ng totoo.Huling Kabanata Sunod-sunod ang palakpakan ng sandaling iyon. At nang matapos ang halikan nina Jade at Oliver, humarap sila sa mga tao. Kita nila sa mukha ng mga ito ang kasiyahan. Hindi mapigilang maging emosyonal ni Jade ng sandaling iyon. Napaiyak na siya dahil hindi niya inaasahan na mangyayari ito sa buhay niya. Hindi niya inasahan na sa alok ni Oliver, mahahanap nila ang pag-ibig sa isa’t-isa.Matapos ang kasal, imbes na dumiretso sa reception, lumipad sina Jade at Oliver patungo sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Doon nila ginawa ang magiging kapatid ni Elijah.“Sana babae naman…” sambit ni Oliver.Nakahiga sila ngayon sa kama habang may nakatabing na kumot sa kanilang mga hubad na katawan.“Sana nga. Kung babae, anong ipapangalanan mo?” tanong ni Jade sa asawa.“Olivia. Olivia ang gusto kong ipangalan sa kaniya.”“Ha? Hindi mo man lang ba siya hahaluan ng pangalan ko?” nakabusangot na tanong ni Jade.“Don’t worry, sa pangatlo nating anak, ikaw na ang masusunod sa pangalan
“Suportahan niyo lang ang bawat isa at ipakita niyo ang affection niya sa isa’t-isa. I swear, magtatagal kayo. If may problema naman kayo, huwag kayong mahiyang magsabi sa amin.”“Opo, dad,” tatango-tangong sagot ni Jade rito.Isang mahigpit na yakap ang natanggap niya mula sa biyenan at makalipas ang ilang segundo, humiwalay na rin ito.“Nakalimutan kong sabihin. Welcome to our clan, Jade. You’re now a Santibañez.”“Ako na nga po si Jade D. Santibañez.”“It fits on you,” ang sabi ng kakarating lang na si Laura. Niyakap nito si Jade. “Congratulations sa inyong dalawa ni Oliver. Masaya ako para sa inyo,” anito pa.“Salamat po, mom,” puno ng galak na bulalas ni Jade.Magaan ang pakiramdam niya dahil tanggap na tanggap na talaga siya sa pamilyang ito. At hindi sasayangin ni Jade ang tiwalang ipinagkaloob ng mga ito sa kaniya. Habang-buhay niya iyong panghahawakan at iingatan.Sa kabilang dako naman, emosyonal na niyakap ni Oliver ang papa ni Jade nang bigyan siya nito ng karapatan kay Ja
“MATAGAL na naming itinutulak si Oliver na mag-asawa na. Siya lang kasi ang anak namin kaya ganoon kaming mag-asawa. At masaya kami ngayon dahil sa wakas, nakahanap na rin siya ng tamang babae…” sambit ng ama ni Oliver.Kasalukuyan silang nasa bahay ng mga Santibañez at nagtatanghalian. Nasa dining area sila at kasama ni Oliver ang mommy at daddy niya samantalang kasama naman ni Jade ang mama at papa niya. Ilang araw na rin ang nakalipas magmula nang iluwal ni Jade ang anak nilang dalawa ni Oliver na si Elijah. Nang malaman ng pamilya niya ang katotohanan, sumugod agad ang mga ito sa ospital kung saan siya naka-admit at doon na sinabi ng dalawa ang lahat. Kabaliktaran ang nangyari sa inaasahan ni Jade noon dahil imbes na makatanggap siya ng sermon o panghuhusga, masaya pa ang magulang niya sa kaniya—sa kanilang dalawa ni Oliver at kay Elijah. Ganoon din ang mag-asawang Santibañez. Maluwag na tinanggap ng mag-asawa sa pamilya nila si Jade. Walang naging hadlang sa kanilang dalawa kaya
NANG sumapit ang kinabukasan, nagpaalam na si Oliver kay Jade. Subalit hindi pa man nakakaalis ang lalaki, bakas na agad ang kalungkutan sa mukha ng babae.“Bakit malungkot ka, Jade?” nag-aalalang tanong ni Oliver sa babae. “Are you okay?” aniya pa.“Aalis ka na?” Dama ni Oliver ang kalungkutan sa tinig ng babae ng sandaling iyon.“Yeah, I will,” tugon ni Oliver. “Kailangan kong pamahalaan ang kumpanya ni dad, Jade, kaya kailangan kong umalis,” aniya pa.Pero mas lalong naging malungkot si Jade ng oras na iyon. Tumayo siya sa kaniyang kinauupuan at naglakad palabas ng bahay habang si Oliver naman ay sumunod sa kaniya.“What’s wrong?” Mas lalong nag-alala si Oliver dahil sa inakto ni Jade.“Wala, sige na, umalis ka na.”“Ayaw mo ba akong umalis? Puwede naman.”“Ayokong abalahin ka, Oliver. Kaya sige na, umalis ka na. Mas mahalaga pa iyong kumpanya kaysa sa akin.”Walang kakulay-kulay ang tagpong iyon. Balot na balot iyon ng kadiliman. Hindi mawari ni Oliver kung bakit ganito ang inaakt
MABILIS na lumipas ang araw, linggo, at buwan. Namalayan na lang ni Jade na pitong buwan na siyang buntis. At dahil may kalakihan na ang tiyan niya, napagdesisyunan ni Oliver na patirahin muna siya sa farmhouse ng pamilya nito kasama ang mayordomang si Manang Sonya.Pansamantala munang tumigil si Jade sa pagtatrabaho at babalik na lang siya kapag naipanganak na niya ang anak ni Oliver. Ilang buwan na siyang nasa probinsya at sa katunayan ay nami-miss na ni Jade ang pamilya niya. Nagpaalam siya sa mga ito na magbabakasyon lang siya dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagdesisyon si Jade. Wala pa siyang lakas na sabihin ang katotohanan sa mga ito dahil natatakot siyang mahusgahan ng mga taong nakapaligid sa kanila.Malapit na niyang iluwal ang anak ni Oliver. Pagkatapos, kakalimutan na lang nila ang isa’t-isa. Masakit para kay Jade iyon pero iyon ang napag-usapan nila at wala siyang balak na sirain iyon. Sa loob ng maraming buwan, inalagaan siya ni Oliver na parang asawa na
SA kabilang dako naman, halos hindi makaimik si Oliver nang sabihin ng dad niya na ibibigay nito sa kaniya ang kumpanya nito. “I’m 55, Oliver. Sa tingin ko, oras na para ibigay ko sa iyo ang kumpanya. Alam ko naman na kaya mong pamahalaanan iyon. Matalino ka…” anang dad niya. Nasa living area sila ng sandaling iyon. “Are you sure about that, dad?” paninigurado pa ni Oliver. “Yes, matagal ko nang plano ito. Kanino ko pa ba ibibigay ang kumpanya? Ikaw lang naman ang anak namin ng mommy mo.” “Thanks, dad. I will take care of your company. I will not disappoint you. I can multitask. Hindi ko pa rin iiwan ang pagiging architect ko.” “That’s good. Kung may oras ka, puwede kang bumisita.” Tumango si Oliver. Nagpaalam na rin siya sa dad niya dahil may kailangan siyang asikasuhin sa isang niyang kliyente. Ngunit hindi pa man siya nakakahakhang palayo rito nang bigla nitong tawagan ang pangalan niya. Nakakunot-noong hinarap ni Oliver ang dad niya. “Bakit, dad?” Sandali