“Paano mo nagawa sa akin ‘to, Gabriel?” nanghihina kong tanong sa asawa ko.“Wala naman ng dahilan para itago ko pa sayo, Claire. Makontento ka na lang dahil ikaw ang asawa ko, ikaw ang inuuwian ko, ikaw ang kasama ko sa bahay na ‘to. Alam mo naman hindi ba? Una pa lang sinabi ko na sayo, si Mia ang mahal ko at Mia pa rin hanggang ngayon.” Walang bahid ng pagsisisi niyang sagot sa akin saka siya umalis. Naiwan akong mag-isa sa loob ng kwarto. Gulo gulo pa ang kamang ginamit nila at nangangamoy pa ang amoy zonrox sa buong kwarto.Nakatulala na lang akong nakatingin sa kawalan. Pakiramdam ko namanhid na ang buong katawan ko. Hindi na nila ako nirespeto. Nahuli ko na sila pero pinagpatuloy pa rin nila ang pagsesex nila? Natawa na lang ako. Masyado ba akong naging mabait? Wala man lang ba akong gagawin?Naalala ko ang anak ko. Hinaplos ko ang tiyan ko dahil naaawa ako sa magiging buhay niya. Siguradong maaapektuhan siya kapag lumaki na siya. Ano na lang sasabihin sa kaniya ng mga tao?Hin
Last Updated : 2025-10-22 Read more