Napapataas ako ng kilay sa kaniya. Tiningnan ko siya, noong huling kita namin okay pa naman siya. Para bang nanalo siya sa lotto dahil masaya siya pero bakit ibang iba siya ngayon?“Wala na tayong dapat pag-usapan pa, Gabriel. Katulad ng paulit-ulit kong sinasabi sayo, hindi kita pipilitin na panagutan ako. Katahimik lang ang hinihiling ko pero bakit hirap na hirap ka pang ibigay yun?” malumanay kong sambit sa kaniya. Napahilamos naman siya sa mukha niya saka siya nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang laki ng problema niya. Natawa naman ako sa isip ko, malaking problema talaga ang kinakaharap niya. Hindi niya magagawang ilabas sa publiko si Mia dahil babatikusin lang sila ng mga tao.“Claire,” usal niya sa pangalan ko saka niya ako tiningnan ng diretso sa mga mata ko. “Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko i
최신 업데이트 : 2025-11-21 더 보기