Magkatitigan lang kaming dalawa, hinihintay ko ang sagot niya. Para bang pinag-iisipan niya kung anong ipapaliwanag niya. Ano ba talagang dahilan bakit niya ako nilapitan? Sinisigurado niya bang wala akong maaalala sa nangyari sa aming dalawa?Hindi ko maiwasang hindi magalit. Naging kampante ako na kasama siya, alam niya ang nangyayari sa amin ni Gabriel pero paano niya ako nagagawang kausapin at harapin na para bang walang nangyari?Bakit ko ba sinisisi? Kasalanan ko naman lahat dahil ako ang lumapit sa kaniya, ako ang nagpumilit na halikan siya. Lalaki siya kaya paano niya tatanggihan kung ako na mismo ang naghain ng sarili ko sa kaniya?“Hindi nagkataon lang ang lahat, hindi ba? Nilapitan mo ako dahil may dahilan ka. I want to know your reason, please.” Saad ko. Tumango naman siya.“Noon
Huling Na-update : 2025-11-16 Magbasa pa