Nakatayo lang ako habang nakatingin kay uncle Asher. Isa-isa niya talagang tiningnan ang mga stock kong pagkain. Ang mga malapit ng mabulok ay inilabas niya at inilagay sa basurahan. Nilinis niya rin ang fridge ko dahil nangangamoy na ang isdang binili ko noong mga nakaraang araw pa. Hindi naman ako nakakapagluto dahil everytime sinusubukan kong magluto, nasusuka ako sa amoy lalo na kapag pinainit na ang kawali.Nang matapos siya ay inilabas niya na ang mga basura ko. Seryoso ba talaga siyang aalagaan niya ako habang buntis ako? Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa. Nitong mga nakaraang araw, pakiramdam ko mag-isa lang ako. Gusto ko ng may makakasama ako. Dininig nga ng langit pero bakit si uncle Asher pa? Bakit ang uncle pa ng asawa ko?Makalipas ang ilang minuto ay bumalik na siya.“Sumama ka sa akin, mamimili tayo ng mga pagkain mo.
Last Updated : 2025-11-02 Read more