Tumayo kaagad si Gabriel para lapitan si Mia. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko. Wala akong pakialam sa pag-uusapan nilang dalawa. Huwag na nila akong idamay pa dahil sila ang nagkasala sa akin.“Ano ba! Bitiwan mo nga ako. Kanina pa ako tawag nang tawag sayo pero hindi mo sinasagot tapos ito ang maaabutan ko? Inaayos mo ba ang relasyon niyong dalawa habang wala ako, ha?!” galit na sigaw ni Mia kay Gabriel. Napapailing na lang ako. Hindi ko akalain na ang matalino kong kapatid, ang paborito ng mga magulang ko ay masasangkot sa ganitong gulo.“Claire, don’t just sit there!” nanggagalaiting sigaw ni Mia sa akin. Nang mabusog na ako ay saka ako tumayo.“Thank you sa dinner, Gab.” Malambing kong wika para asarin ang kapatid ko. Hindi ko alam kung ano bang nagawa ko sa kaniya para gawin niya sa akin ito.“Fuck it, Claire! Answer me!” nilapitan ko si Mia. Nag-aapoy sa galit ang mga mata niya. Akala mo kung sinong naagawan ng asawa, siya naman ang kabit.“Huwag kang mag-alala, Mia. Huli
Terakhir Diperbarui : 2025-10-23 Baca selengkapnya