Inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin pero mahigpit niya akong hinawakan.“May gusto ka pang sabihin? Ako kasi wala na kaya bitiwan mo na ako.” May diin kong sambit.“I’m sorry, inaamin ko naman yung kasalanan ko. Inaamin ko naman na gago ako pero hayaan mo namang mag-usap tayong dalawa. Sa totoo lang nalilito na ako sa nararamdaman ko para sayo. Sinabi ko sayo na hindi kita minahal pero hindi ko alam kung bakit namimiss kita simula nang umalis ka sa bahay natin. Ngayong napatunayan ko ng akin nga ang pinagbubuntis mo, gusto kong panagutan ka, gusto kong maging ama ng anak natin.” Hilaw akong natawa sa sinabi niya.“Sa tingin mo papayagan ka ni Mia sa binabalak mo. Kahit na gusto mong magpakaama na sa anak natin, ayaw ko naman na. Paulit-ulit mo akong tinaboy, paulit-ulit mong pinamukha sa akin na hindi ako
Last Updated : 2025-11-24 Read more