THIRD PERSON POVSeryosong nakaupo si Mia sa sofa, hinihintay na makauwi si Gabriel. Gusto niya itong makausap. Nang marinig niya ang pagbukas ng pintuan ay tiningnan niya iyun. Dumating naman na si Gabriel na kanina pa niya hinihintay.Nilapitan siya ni Gabriel at hinalikan sa noo.“Bakit ganiyan ang itsura mo? May nangyari ba?” malambing na tanong ni Gabriel. Masama naman siyang tiningnan ni Mia. Natahimik si Gabriel dahil alam niyang galit na naman si Mia sa kaniya.“Pinuntahan mo na naman ba si Claire? Anong sinabi mo sa kaniya? Hiwalay na kayo, Gabriel, pero bakit pinupuntahan mo pa rin siya?” galit na sambit ni Mia. Napapahilamos naman si Gabriel sa mukha niya saka niya ibinaba ang bag niya.“Pag-aawayan na naman ba natin ‘to? Pwede bang magpahinga muna ako bago ka magalit?”“Gusto mo ng pahinga sa pagbubunganga ko pero ayaw mong tigilan si Claire?! Sabihin mo nga sa akin, gusto mo pa rin ba siya? Mahal mo pa rin ba? Gusto mong magkaroon ng kompletong pamilya ang anak niyo? Paan
Last Updated : 2025-11-28 Read more