Mag-log inItzael’s POV
HALOS kalahating oras na akong naghihintay dito sa labas ng church kung saan nagsisimba si Anaiah. Ganito naman lagi ang duty ko sa kanya tuwing linggo, ang maghintay sa pamangkin kong anghel na hintayin sa labas ng church. Akalain mo ‘yun! Lahat kami sa pamilya ay demonyo may isang anghel na ipinanganak. Ang laking himala talaga! Kaya dito na ako sa labas ng church naghihintay dahil noong huli kong encounter sa pagpasok ko d'yan sa loob ng simbahan ay nahilo ako at pakiramdam ko nalalaplos balat ko. That's why demons really can't enter the church because they would literally melt. The only reason my niece is that close to the church and God is that ever since her mother was pregnant with her, Anaiah was already being exposed to church. And as she grew older, she always wanted to be in church. Maski nang mamatay ang Mom niya dahil sa car accident ay naging comfort zone ni Anaiah yung church dahil tinuring niya na rin itong pamilya. Masaya ako na napalaki siya ng maayos ni ate Fioryl na mabuting bata at hindi maluho dahil ganun din naman siya, na mana niya lang talaga. Kaya nga ingat na ingat ako magsalita sa tuwing kasama siya dahil kapag nakakapagmura ako ay nagtatampo siya sa akin. *Tok-tok-tok* Napabalik na lang ako sa katinuan ko nang marinig ko ang pagkatok ng maliit na kamay ng prinsesa ko sa bintana ng kotse sa bandang passenger seat. Ka agad ko binuksan yung open bottom at inalalayan ko naman itong makapasok sa loob. Maliit kasi yung binti kaya hindi siya makahakbang para makapasok. Nang makapasok na siya nang kotse ay ni-lock ko na yung pintuan ng passenger seat. “Uncle, bakit po tulala ka?”bungad na tanong niya at kumunot pa ang noo. “Natulala ba naman ako dahil 30 minutes na akong naghihintay sa’ yo dito sa labas!”singhal ko. “Bakit po kasi hindi kayo pumasok? Always welcome naman po kayo pumasok sa church.”sagot niya. I let out a deep sigh, started the car engine, and began driving. “Alam mo naman yung dati kong karanasan noong pumasok ako d’yan sa church, hindi ba?” sagot ko kay Anaiah sa tanong niya kanina. “I know deep down that I'm a bad person, so I don't want to dissolve... I'm really sorry, baby girl, but I really can't go into that church.”I let out a deep sigh. “Alam mo po ba kanina ay tinaniman ko po sa offering na magkaroon ka na po ng love life at bigyan ka ni Lord ng mabait at magandang asawa,”nakangiting sambit ng pamangkin ko sa akin. Nilingon ko naman ang bibo kong pamangkin dahil napaiwang yung bibig ko sa sinabi ng makulit na batang ‘to. “Coming from you!”walang preno kong sambit. “Ikaw na 8 years old pa lang?!”singhal ko. Para talaga akong kumakausap ng matanda minsan kapag kausap ang pamangkin kong ‘to. “Alam mo, Uncle... Hindi ka bibigyan ng mabait at magandang asawa kapag hindi mo binawasan pagiging masungit at suplado mo.”parang matanda na panenermon sa akin ni Anaiah. Hinilot ko na lang yung tungke ng ilong ko para hindi na ako makapagsalita nang iba pang mga words na makakasakit sa kanya. “Uncle, I'm craving jolibee chicken joy, spaghetti, ice cream, fries, float!”nanabik na sambit sa akin ni Anaiah at nag puppy eyes pa. “Sige, We'll buy you the whole jolibee restaurant at ikaw na ang magiging owner non.”sagot ko habang nagda-drive. “You're so OA, uncle... Ang sabi ko po ay gusto ko pong kumain at hindi yung bilin mo yung buong Jolibee restaurant.”sagot niya pa sa akin. “Hay nako... Kung hindi lang kita mahal ay tiniris na kita na parang kuto,” nagpipigil kong sambit. “I love you, uncle kong gwapo,”nakangiting labas ngipin niyang sambit. *** NAGPASYA akong pumunta ngayon sa Stride Coffee Shop kung saan nagta-trabaho si Martina. I’m planning to talk to her about our marriage contract. I won’t leave here until I convince her to marry me. Wala na akong ibang pagpipilian na babae kung hindi siya papayag. Dahil siya lang naman kilala kong matinong babae kasi maski mga ka-trabaho niya dito ay malalandi. Every time I come to this shop, her co-waitresses rush to ask for my order, while Martina just keeps herself busy wiping tables whenever customers leave. Tsaka magkakasundo sila ni Anaiah kung maging asawa ko man siya. Pagpasok ko ay tumungo agad ako sa paborito kong pwesto dito sa shop, yung table malapit sa window glass. Napabuntong hininga na lang ako nang biglang nagsilabasan lahat ng mga co-waitress ni Martina at may kanya-kanyang mga dalang sticky notes at ballpen at lumapit sa table ko. “Mr. Volcov, Ano pong order niyo?” “Yung dati pa rin ba?” “O balak mo mag explore ng ibang flavors?” “Coffee macchiato?” “Matcha?” “Coffee caramel?” Ayun ang sunod-sunod na tanong nilang lahat sa akin dahilan para mairita ako at takpan ko yung tenga ko. “I want peace and quiet. Can you give me that?”I answered sarcastically. When I said that, they all fell silent and bowed their heads. “I need to speak with your manager. Bring him to me, now!”I commanded them. They immediately walked toward the office of their manager. Moments later, their manager, Mr. Arnold, walked over to my table. “Why you calling me, Mr. Volcov?”Mr. Arnold asked with a furrowed brow. “Where’s Martina? I've noticed she's not here today,”I asked curiously. I saw his eyebrow raise slightly. “Siya kasi ang pinag delivery ko sa food Panda ng mga omorder online dito sa shop namin, kaya wala siya ngayon.”sagot ni Mr. Arnold. “May gusto sana akong sabihin sa kanya ng personal, pakisabi na lang po.”hiling ko. “Sige, makakarating.” “At isa pa, I also want it so that when I arrive, she will be the only waitress who will take and serve my order.”pahabol ko. “Pwede ko ba malaman kung bakit?”curious na tanong ng matandang Manager. “Naiirita kasi ako sa kalandian ng mga waitress niyo kanina, mga malalandi sila... Si Ms. Martina lang yata ang nakikita kong matino sa mga waitress dito.”deristsahan kong sagot. “Sige, sasabihin ko sila.” I took a deep breath.“They're all annoying,”iritado kong sagot. “Pero pwede ko ba malaman kung bakit mo gustong makausap ng personal si Ms. Martina?”kunot noong tanong ni Mr. Arnold. “I'm just interested to her,”I said to him and I leaned my business card on the table. He grabbed my business card. “Pakibigay ‘yan sa kanya.”matipid kong sambit. Tumayo na ako at inayos ang coat ko at naglakad palabas ng shop. *** Martina’s POV NAG-AAYOS ako ng gamit ko dito sa locker ko dahil nililigpit ko na kasi out na namin sa trabaho. Habang nag-aayos ay may kanya-kanyang topic mga co-waitress ko. “Sheesh... Napaka gwapo talaga ni Mr. Volcov.”–Carla “Ang gwapo talaga niya!”–Jenna “Kaso lang na inis siya sa atin kanina.” –Kim “Kasi kayo inunahan niyo ako na kunin yung order niya, ayan tuloy na irita siya.” –Flora “Ako kaya yung na unang bumungad sa kanya pero nakisali lang kayo,”taas kilay na sambit ni Freetzy. “Hoii! Ako yung pinaka maganda sa atin kaya ako dapat ang mapansin niya,” kompyang sambit ni Flora sabay hawi ng buhok. “Edi ikaw na! Sa’ yo na ang korona!” mataray na sambit ni Freetzy. Hindi ko alam na pumunta pala dito sa shop si Mr. Volcov? Ano kaya kailangan niya? Si Mr. Volcov ang pinaka mayaman naming loyal customers dito sa shop. Tatlong buwan na siyang panay ang punta dito kapag gusto niya magkape at minsan dito siya nakikipag meet sa mga business partner niya. “Ano nangyari sa delivery mo kanina, Tin?”biglang tanong ni Flora. Kinandado ko muna locker ko bago sagutin ang tanong ni Flora.“Ayun... Nakakapagod kasi ang lalayo ng mga lugar ng mga umorder,”sagot ko sa tanong niya sabay buntong hininga nang malalim. “Kamusta na pala yung pagpunta dito ni Mr. Volcov?” tanong ko sa kanila. “Nainis siya kasi nakulitan siya sa amin,”nakanguso na sambit ni Flora. “Literal naman talaga kay Mr. Volcov ang maging masungit at moody.”puntong sambit ko. Maya-maya ay biglang dumating si Sir Arnold dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon namin. Bumuntong hininga muna siya bago tumingin sa mga co-waitress ko. “Hindi ko nagustuhan yung asal niyo kanina kay Mr. Volcov... Nakakahiya para sa kanya yung mahaharot niyong mga asal!”panenenermon ni Sir Arnold sa kanila dahilan para magsi yukuan sila. Kahit wala ako kanina ay mukhang alam ko na hindi naging maganda yung nangyari. Bakas ang pagka dismaya sa mukha at pananalita ni Sir Arnold. “Sabi ni Mr. Volcov sa akin na-iirita raw siya sa ka kaharutan niyo.”deritsahan na sambit ni Sir Arnold sa mga co-waitress ko. Tila tunog lang ng aircon ang naririnig sa buong locker room dahil sa panenermon ni Sir Arnold sa kanila. “And you, Miss Martina...”biglang tawag sa akin ni Sir Arnold. “About po sa mga delivery ay na deliver ko po nang maayos.”ulat ko kay Sir Arnold. “Hindi naman ‘yun ang gusto kong sabihin,”kita ko may inilabas siyang business card sa bulsa niya at naglakad palapit sa akin tsaka inabot ito Nagtataka ko naman itong hinawakan. “Para po saan ‘to?”kunot na takang tanong ko. “Kanina nang kausapin ako ni Mr. Volcov ay hinahanap ka niya sa akin dahil gusto ka raw niya makausap ng personal pero wala ka.”paliwanag sa akin ni Sir Arnold. Kita kong napalingon sa akin mga co-waitress ko. “Ako po? Bakit?”takang tanong ko habang nakaturo sa sarili ko. “Hindi ko alam, pero sabi niya kapag may free time ka ay tawagan mo raw siya sa number na ‘yan.”sagot ni Sir Arnold sa akin. “At isa pa... Kapag daw pupunta siya dito ay ikaw lang ang kukuha at mag-aabot ng order niya, wala ng iba... Naiirita raw kasi siya sa kaharutan at kalandian ng mga co-waitress mo.”karagdagan niya Ka agad naman na naglakad palabas si Sir Arnold palabas ng locker room samantalang ako ay naguguluhan pa rin kung bakit ako gustong kausapin ni Mr. Volcov. Ano kaya ang pakay niya? *** INABOT na ako nang madaling araw nang mapatay ko yung kliyente na inutos sa akin na patayin ni Master. Bumalik ako sa Eden Vorguz, ang hide-out namin. Kung titignan ay isa itong napaka gandang hardin pero pagmamay-ari ito ng isa sa magaling na assassin dito sa organisasyon, siya ang nag train sa akin. Bigla kong naalala noong mag-umpisa ako maging assassin sa edad na 15 anyos. Noong panahon na ‘yon ay tahimik akong namimili sa palengke nang may nangyaring holdapan at may inosenteng matanda ang nirarahas. Hindi ko na tiis ang ginawa sa matanda kaya nilabanan ko ang magnanakaw nang buong lakas ko at tinalo ito. Bigla naman dumating ang anak ng matanda at ayun si Sir Arnold, sabi niya pinagmamasdan niya raw ako makipaglaban noong oras na ‘yon at lubos siyang namangha sa mga galaw ko. Doon niya na ako inaya sa ilegal na gawin. Hindi sana ako papayag kaso lang ay gipit na gipit kame non ni Wildren at kailangan namin ng kailangan sa school kaya wala na akong nagawa kun ‘di ang pumayag. Sa loob ng apat na buwan na training namin ni Sir Arnold at Master ay isinabak na agad ako sa mabigat na misyon at natuwa sila dahil naging matagumpay ako. “Niminsan ay hindi mo talaga ako binigo, napaka galing mo talaga!”papuri sa akin ni Mr. Lemian. “Walang ano man po, Master.”magalang kong sambit. “Ito na ang dalawang milyon mong pabuya,”sabay bigay ni master ng isang bag na puno ng pera. “Grabe!...”bahagyang napatakip labi. “Hindi ko in-expect na ganito kalaki ang pabuya!” Hindi makapaniwala kong sambit. “Malaking isda ang napatay mo kaya nararapat lang na bigyan ka nang ganayan ka laking halaga,”nakangisi na sambit ni master. “Sa wakas! May pang opera ka na sa lola mo at pang bayad ng mga bills niyo sa ospital.” Napalingon ako sa tabi ko nang mapagtanto ko na katabi ko na pala si Sir Arnold. “Ikaw pala, Sir Arnold, magandang umaga po!”magiliw na pagbati ko. Nga pala. Isa ring assassin si Sir Arnold. Sa katunayan ay siya yung nag-a-assist sa akin kapag may VIP ako na kailangan protektahan sa mga assassin. Ang trabaho namin ay hindi lang para pumatay kun ‘di binabayaran kame para iligtas yung mga mayayamang taong tina-target ng mga assassin. Namasukan si Sir Arnold bilang manager ng coffee shop na pinapasukan ko para kapag may hindi inaasahan na kliyente ay isang senyas niya lang sa akin ay maaksyunan ko na agad. “Tama po kayo, Sir Arnold, mapapaopera ko na si Lola!”sobrang saya kong sambit. “Mas madadagdagan pa ‘yang milyon mo kapag pinagbutihan mo pa sa mga unexpected mission mo,”nakangiting sambit sa akin ni Master. “Pagbubutihan ko pa po!”ganado kong sambit kay Master. Hinagisan naman ako ng malinis na towel ni Sir Arnold. “Mabuti pa at maligo ka na para maalis ang amoy ng dugo sa katawan mo, siguraduhin mong maghihilod ka ng katawan,”bilin sa akin ni Sir Arnold. °°°° MAKALIPAS ng isa't kalahating oras ay tapos na akong maligo at nakabihis pangtulog na ako. Habang nagpupunas ako ng buhok ko ay nakatambay ako sa bench ng garden at bigla naman tumabi si Sir Arnold. “Ano? Kailan mo balak na makipagkita kay Mr. Volcov?”biglaang tanong ni Sir Arnold. “Hindi ko pa po alam...”sagot ko. “Alam mo, tingin ko ay na love at first sight sa’ yo iyang si Mr. Volcov...” Bahagya naman akong nagulat sa pabirong ani ni Sir Arnold. “Bakit naman po?”takang tanong ko. “Kasi nang tanungin ko siya kung bakit ka niya gustong makausap nang personal... Ang sabi niya ay interisado siya sa’ yo.”sagot ni Sir Arnold na ikinagulat ko. “Talaga po? Pero kung sakali... Bakit niya naman po ako magugustuhan?”curious kong tanong. “Magtataka ka pa ba d'yan sa ganda at balingkinitan mong pangangatawan?”pabiro na tanong sa akin ni Sir Arnold. Bahagya naman nag-init ang pisngi ko. “Martina... Hindi masama kung papasok ka sa isang relasyon.”payo sa akin ni Sir Arnold. “Pero— “Kapag nagka boyfriend ka ay hindi ka na paghihinalaan ng mga co-waitress mo at ng mga kapitbahay niyo kapag uuwi ka ng madaling araw sa bahay niyo. Para na rin matakpan ang pagiging assassin mo.”may puntong sambit ni Sir Arnold sa akin. “Sige po, pa-planuhin ko na yung meet-up po namin, pero hindi ako mag-e-expect nang mataas... Halata naman po kasi na pihikan sa babae iyong si Mr. Volcov.”sabi ko kay Sir Arnold.Itzael’s POVTAPOS na ang meeting pero nandito parin kame sa meeting room ng kompanya ni Mr. Hariz dahil nagke-kwentuhan pa ang mga board member. “Mr. Volcov, how lucky are you?”Mr. Castro praised me. “You have a beautiful pregnant wife,”Madam Victorina praised me too. “And also talented,”Mrs. Chavez added. “Masyado lang talaga humble si Itzael kaya chill lang siya,”sabi naman sa akin ni Franco na katabi ko at hinimas ang balikat ko. “Thank you for praising and appreciating my wife,”pormal kong sagot sa mga samot-saring papuri na naririnig ko sa kanila. Pinapanood kasi nila si Martina at Anaiah na busy mag-TikTok. Tutal day-off ni Martina sa trabaho at walang pasok si Anaiah sa school ay sinama ko silang dalawa dito sa meeting ko. Hindi nila napapansin dalawa na pinapanood sila ng mga business partner ko. Ayaw sana ni Martina dahil nahihiya siya pero wala siyang nagawa sa pamimilit ni Anaiah. In the end, Martina received various praises from my business partners for her impr
A/N: Sorry kung late po update ko. Busy po kasi ako tapusin fantasy novel ko sa wattpad. Martina’s POVINATASAN ako ni Carla na ako muna maging barista dahil bigla raw nag-alboroto ang t'yan niya. “Tina, isang ice vanilla latte at 1 slice of black forest cake.”biglang sulpot ni Kim sa counter habang nagtitimpla ako ng kape. “Saang table ‘to?”tanong ko. “Sa table 4,”sagot nito. “Tsaka ikaw na muna maghatid ng order doon sa table 4 dahil may kukunin ako sa storage room.”hiling n'ya pa sa ‘kin. “Pero ang dami kong ginagawang order.”sagot ko. “Palabas na rin yata si Carla sa CR, siya na bahala d'yan.”sambit ni Kim sabay punta sa storage room. Nang gawin ko na yung dalawang order bago gawin ang order mula sa table 4 ay kinuha naman ni Jenna yung dalawang na unang order at hinatid sa table ng mga customer. Nang matapos ko timplahin yung order ng nasa table 4 at nilagay ko ito sa trey at naghiwa ng 1 slice of black forest cake tulad ng nakasulat sa stiky note. “Thank you, Tina...
Continuation... Martina’s POV HINDI ko mapigilan na bumagsak yung mga luha ko sa mata nang nasa harapan na ako ng puntod ni Mama. Nilinis ko muna ito gamit yung walis ting-ting at dustpan na nasa tabi. Nang matapos ako ay naglatag ako ng pick-nick blanket tsaka umupo sa harapan ng puntod ni Mama. “Hello, Ma...” “Sorry nga pala kung ngayon na lang ulit ako nakadalaw... Siguro naman napapanood mo ako d'yan sa langit kung ano yung mga nangyari sa life ko.”pabiro kong sambit habang pinupunasan yung luha ko. Bahagya kong hinilot yung tiyan ko dahil naramdaman ko ang paggalaw ng kambal sa loob. “Alam kong late na para ibalita ko sa 'yo... Magkakaroon na po kayo ng apo,”mapait na ngiti kong sambit habang nakatingin sa puntod ni Mama. “Even if I don’t want to, I still feel the pain caused by the man I loved.”I said coldly. “The thing I feared the most has finally happened, falling in love with a man who may never love me back.” My tears flowed even more when I remembered the sc
Itzael’s POVHATING gabi na at kumuha muna ako sa kusina ng malamig na tubig para mag water break dahil tinatapos ko yung PPT para sa bored meeting ko sa lunes. Nang matapos akong uminom ay umakyat na ako papuntang kwarto nang makaagaw pansin sa akin yung kwarto ni Anaiah nakaiwang ang pintuan at bukas pa ang ilaw. Tinignan ko yung oras sa smart watch ko at nakita kong 11:30 pm na nang hating gabi. So I walked over there and saw Anaiah, who was still awake and working on her assignment.I glanced at Martina, who was sleeping soundly on the long couch with Anaiah’s book resting on her stomach and a pencil in her hand.“Why are you still awake, baby?”I asked Anaiah softly as I walked gently toward her.“Please don’t be loud, Uncle… You might wake up Auntie Martina,”Anaiah whispered as she glanced at her sleeping aunt.“Did she help you with your assignment?”I asked quietly as I sat on the edge of her bed.“Yes, but since she was tired from work, she couldn’t stop herself from falling
Trigger Warning;What you will read contains scenarios involving violence, such as bloody battles or killings. If you have trauma related to these kinds of situations, you may scroll past them.Martina’s POVTUMUTULO ang dugo sa kamay ko dahil meron akong pinapatay ngayon dito sa abandonadong were house. Higit sa sampu na rin ang napatay ko na tauhan ng kleyente namin ngayong gabi. I'm with Manager on this special mission because our targets are part of a syndicate again.They’re planning to deliver drugs and transport high-powered firearms onto a ship at around three in the morning. We’re among those assigned by Boss to stop their evil plans.Napasandal ako sa pader nang makitang nakahandusay at wala nang buhay ang mga napatay kong tauhan dito sa second floor. Binuksan ko ang baul na may lamang mga manahaling alahas at mga malalaking baril. “Ugh!”I instinctively rubbed my stomach when I felt the twins kicking in my womb. “Baby, please... Matulog na muna kayo, nagta-trabaho pa s
(A/N: Good eve everyone this is my update. Magpapaiyak muna tayo for tonight) Itzael’s POVNILILIBANG ko ang sarili ko sa panonood ng Netflix dito sa sala. Ilang araw na kasi ako hindi mapakali at minabuti ko na mag-work from home muna ako. Martina hasn't been paying attention to me for several days until now. In fact, it's been two weeks of cold treatment from her.That's why I couldn't stop myself from overthinking, I just drowned it out of drinking alcohol. I try to talk to her, but she immediately avoids me.Para na akong baliw dito kakaisip kung anong nagawa ko para ba bigyan niya ako ng cold treatment. Tutal tapos na kami mag-dinner at naghuhugas na siya ng mga pinagkainan namin doon sa kusina at gumagawa naman si Anaiah ng assignment sa kwarto niya at maya-maya matutulog na rin siya. Pagkakataon ko na ‘to para makausap siya. Sana naman pansinin niya na ako, jusko! Para akong mababaliw! *BLLAAGG!*Tila bumalik ako sa katinuan nang makarinig nang may nabasag mula sa kusina







