Pagdating ni Elena sa bahay, pagod man ang katawan ay magaan ang pakiramdam niya—nakapagtrabaho siya nang matino, hindi niya pinatulan ang drama ni Veronica, at maayos ang naging takbo ng gabi nila ni Aiden sa opisina.Pero pagpasok niya sa loob, biglang sumalubong ang mababang ilaw, ang malambot na tugtog ng instrumental music, at ang amoy ng paborito niyang pagkain—herbed roast chicken, creamy mashed potatoes, garlic butter vegetables, at isang maliit pero eleganteng cake sa gitna ng mesa.Natigilan si Elena.Hindi niya kailangan ng guessing game kung sino ang may pakana nito.Lumabas mula sa kusina si Nathan, medyo kabado, medyo nahihiya—pero halatang pinag-isipan ang bawat detalye. Naka-formal casual shirt pa ito, at parang hindi mapakali ang mga kamay sa pag-aayos ng kubyertos na maigi naman na niyang inayos kanina pa.“Elena,” tawag niya, mahinahon pero may dalang bigat. “You’re home.”Hindi agad nakasagot si Elena. Napalinga-linga siya sa mesa, sa mga kandilang nakailaw, sa mga
Last Updated : 2025-11-23 Read more