Pinatay ni Logan ang tawag at ibinalik sa akin ang phone. Napalunok ako. Wala man siya sa harap ko, alam na alam ko na ang reaksyon ni Scott— galit. Umuusok sa galit. Hindi lang dahil bigla nalang siyang inagawan ng kumpanya, kundi dahil si Logan ang kumuha nito. Ang bayaw niya—ang asawa ng kapatid niya. "Now, Ara. You'll stay as my secretary," muli akong napalunok. Paano ko siya iiwasan kung magtatrabaho ako under sa kanya? At alam kong hindi papayag si Scott. "S-stop this, Logan..." mahinang saad ko. "Stop what, Ara?" inosente niyang tanong pagkuwa'y namulsa. Sandali niyang inilapit ang mukha niya sa tainga ko pagkuwa'y bumulong ng mahina. "This is what you want right? His money? His company. Now, I've got it," aniya, may ngisi sa labi. Bigla akong napasandal sa desk ko, nanlalamig ang buong katawan. Bakit ba siya ganito? Pakiramdam ko, gumaganti siya? Pinaglalaruan ako? Sinisira ang buhay ko! Is he fucking serious about it? Kinuha niya ang company mula sa asawa ko, a
Dernière mise à jour : 2025-11-20 Read More