Mabilis akong umatras, halos matabig ko pa ang baso ng tubig sa mesa. Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang anumang oras ay sasabog ito palabas ng dibdib ko. Ang halik na iyon sa gilid ng labi ko… dahilan ng pag wawala ng mga paru-paro sa tiyan ko. "Logan, stop," mariing bulong ko, pero nanginginig ang boses ko. "Can we just eat. Nandito ako para magtrabaho, hindi para makipaglaro sa'yo." Tumawa lang siya ng mahina, "Who says I'm playing, Ara? I'm dead serious." Pero sa huli, sumunod din siya. Tahimik kaming kumain. Bawat subo ko ay parang may nakabarang tinik sa lalamunan ko. Ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa akin. Bawat galaw ng kamay ko, bawat pag-inom ko ng tubig, sinusundan ng mga mata niya. Nang matapos kami, agad akong tumayo para ligpitin ang mga pinagkainan namin. Gusto ko nang umalis kaagad sa opisina niya. Gusto ko nang makahinga ng maluwag.
Última atualização : 2025-12-01 Ler mais